FREE TAGALOG ROMANCE NOVELS
NAG-TAXI silang
pabalik sa hotel. Kahit nasa Makati lang din iyon ay delikado nang lakarin sa
ganoong oras ng gabi.
Malakas ang radyo ng taxi kaya hindi na
nila kailangang mag-usap.
Nang nasa elevator na sila’t paakyat sa
kuwarto, pakanta-kanta naman nang marahan si Paolo. Ginagaya iyong mga kanta ng
banda sa Hard Rock.
“Lasing ka na ba?” tanong ni Bianca.
“Hindi pa nga, e,” sagot nito. “Mas
delikado itong kalagayan ko ngayon. Mabuti pa siguro kung hinayaan mo na lang
akong malasing nang husto.”
“Bakit naman delikado?” pag-aalala niya.
Hindi siya bihasa sa epekto ng alak sa
katawan. Mas masama ba iyong medyo nakainom lang kesa sa tunay na nalasing?
“Mas mahirap ito dahil gising na gising
ako,” sagot ni Paolo. “At lalo pa yata akong nawalan ng inhibitions.”
Namula si Bianca. Hindi na siya kumibo.
Pagdating sa kuwarto, inunahan na niya
ito. “Ako na muna sa banyo, ha?”
“Go ahead,” sagot ni Paolo. “Take your
time.”
Mabilis siyang kumuha ng bihisan sa
kanyang maleta. At tumalilis na siya sa banyo.
Pagdating naman doon ay naupo lang muna
siya sa nakasarang palikuran. Nakatukod ang mga siko sa mga tuhod. Nakatakip
ang mga palad sa mukha.
Nangangatal siya sa nerbiyos.
Hindi pala ganoon kadaling gawin ang
iniisip niya.
A, siguro, hindi muna siya dapat
mag-isip. Damdamin na lang muna ang paiiralin niya.
Bahala na.
Mabilis na naghubad si Bianca.Tumapat sa
dutsa. Siniguro niyang maging mabangung-mabango siya. Pagkatapos, nagsepilyo pa
muna siya bago nagbihis.
Ang pantulog niya ay maluwang na t-shirt
na hanggang tuhod ang haba. Light pink. Napakalambot ng telang cotton. May
nakasulat sa harap na “Sweet and Sexy!”
Ang tanging panloob niya ay puting
bikini panty.
Paglabas ni Bianca ng banyo ay nakabalot
ng tuwalya ang kanyang basang buhok.
“May nakita akong hairdryer diyan sa
drawer ng dresser,” sabi ni Paolo pagkakita sa kanya.
“Thanks,” sagot niya.
Tinungo niya ang dresser. Pagkakuha sa
dryer ay umangat ang kanyang paningin sa kaharap na salamin. At nakita niyang
nakatitig pa sa kanya si Paolo. Bumaba pa ang mga mata nito sa harapan ng
t-shirt niya. Namamakat nang bahagya sa magkabila ng mga letrang naroon ang
kanyang dibdib.
Namula si Bee.
“I need a cold shower,” sabi ni Paolo.
Nagkonsentra na lamang si Bianca sa
mabilis na pagpapatuyo ng buhok. Makapal ang buhok niya’t kahit sa pamamagitan
ng dryer ay hindi madaling tuyuin.
Halos nagsabay lang sila. Papalabas ng
banyo si Paolo ay isinosoli naman niya sa drawer ang hairdryer.
Nakahubad si Paolo. Naka-boxer shorts
lang.
“I hope you don’t mind,” sabi nito.
“Hindi ako sanay matulog na may suot. Nag-boxer shorts na nga lang ako for your
sake. I usually sleep with nothing on.”
“Hindi ka ba giginawin?” sagot niyang
nag-iiwas ng tingin.
Natawa si Paolo.
“Wala akong heater sa attic room ko
noon,” sagot nito. “And I still slept in the buff.”
“Kaya pala kinailangan mo ng herbal
medicine sa madalas mong pagkakasipon,” patuyang sabi ni Bianca.
Lalong tumawa si Paolo.
Sabay silang lumapit sa kama. Sa
magkabilang tabi.
Kumuha ng unan si Paolo.
“A... ano... h-huwag ka na lang sa
sahig,” nagkakandautal na agap ni Bianca.
Natigilan si Paolo. Tumingin nang
diretso sa kanya.
“Saan ako matutulog?” diretsahan ding
tanong nito.
“M-maluwang naman dito,” sagot niyang nakatutok
sa kama ang paningin.
Katahimikan.
Kumilos si Paolo para patayin ang ilaw
sa kisame. Naiwan ang malamlam na ilaw ng table lamp sa gilid ng loveseat.
Sapat lang iyon para magkaroon ng liwanag sa silid na hindi naman nakakasilaw
sa mata.
Wala pa ring imik na nahiga si Paolo.
Sumukob sa makapal na kumot na nakalatag sa kabuuan ng kama.
Hindi malaman ni Bianca ang susunod
niyang gagawin.
“Huwag mong sabihing ikaw ang matutulog
sa carpet?” pabirong sabi ni Paolo.
Napangiti na rin siya.
Itinaas ni Paolo ang kumot. Nag-aanyaya.
Sumukob si Bianca.
Pero nanatili siya sa pinakagilid ng
kama. Iyong halos mahuhulog na.
“Umusod ka naman dito,” sabi ni Paolo.
“Naligo naman ako, a. At saka nag-toothbrush.”
Lumalim ang pamumula ni Bianca.
Umusod siya nang kaunti. Pero malayo pa
rin sa katabi.
Si Paolo ang umusod papalapit sa kanya.
Tumagilid ito nang paharap sa kanya. Nakatukod ang isang siko sa kama.
“Nangako akong walang gagawing labag sa
kalooban mo,” sabi nito.
Bumagsak ang loob ni Bianca.
Pero hindi pa pala tapos si Paolo.
“Kaya humihingi ako ng permiso,” dagdag
nito. “I want to make love to you, Bianca. Kung ayaw mo, all you have to do is
say no. Rest assured, susunod ako.”
Natigilan siya.
Unti-unting lumapit ang mukha ni Paolo
sa mukha niya.
“Please... please don’t say no,”
pabulong na hiling nito.
Napapikit si Bianca.
Hinintay niyang lumapat ang mga labi ni
Paolo pero walang nangyari.
Dumilat ang dalaga.
Nakatitig sa kanya si Paolo. Parang
nagsusumamo ang mga mata.
“Does that mean yes?” tanong nito.
Napakagat-labi si Bianca. Tango na lang
ang kaya niyang gawin.
Tumuloy sa paglapit si Paolo at
napapikit siyang muli. Ang mga labi niya’y kusang umawang at tumanggap sa
pinananabikang kaulayaw.
Balewala pala iyong pagtigil nila
kanina. Parang walang namagitang panahon magmula noong hagkan siya ni Paolo sa
loveseat. Kung saan sila tumigil ay doon din sila nagsimulang muli. Ganoon na
agad kainit. Ganoon na agad kapusok.
At hindi lang ang mga labi ni Paolo ang
nangahas sa pagkakataong ito. Mula sa pagkakahapit sa kanyang beywang ay
dumausdos ang kamay nito pababa sa laylayan ng kanyang t-shirt. Pumasok sa pagitan
ng kanyang mga hita. Bago mabilis na hinablot ang kanyang t-shirt nang paitaas.
Itinigil lang ni Paolo nang saglit ang
kanilang halik para ganap na alisin ang kanyang t-shirt.
Nagulo ang buhok ni Bianca at lalong
sumabog sa unan.
“Beautiful,” bulong ni Paolo habang
nakatingin sa kanyang buhok.
“So beautiful,” dagdag nito habang
pinagagapang ang paningin sa kanyang mukha, pababa sa nakalantad na niyang kahubdan.
Pagdako ng tingin nito sa kanyang dibdib
ay para itong nakakita ng hindi matatanggihang pagkain. Agad na yumuko at
tumikim. At hindi nasiyahan sa hanggang tikim lang. Umayos na ito ng
pagkakapuwesto at waring nagpakasasa.
Hindi kilala ni Bianca ang mga
sensasyong sumalakay sa kanyang buong pagkatao. Basta’t alam niyang iyon na
yata ang pinakamasarap na mga sensasyong nadama niya sa kanyang buong buhay.
Napapaliyad siya na parang ibig pang lalong ihain ang sarili sa mga labi ni
Paolo.
Kaso’y may inihahatid pa iyong bagong
antisipasyon sa kung anong hindi niya matukoy. Kung bakit kasi sa mga dunggot
ng dibdib niya nagsisimula ang kuryente pero gumagapang at nag-iipon ang init
sa sugpungan ng kanyang mga hita.
Para namang nahulaan ni Paolo ang kahulugan
ng hindi mapakaling pagkilos ng kanyang mga binti. Bumaba ang isang kamay
nito’t kaybilis na naililis ang kanyang panloob. Nang ganap na iyong matanggal
ay dumapo ang kamay nito sa pinakamainit na bahagi ng kanyang katawan. Sa pinakasentro
ng lahat ng nadarama niya ngayong mga sensasyon. Nang-alo. Sinuyo ang
pinakatagu-tago niyang hiyas.
Lalo lang nag-alimpuyo ang damdamin ni
Bianca.
“Paolo...” daing niya.
Sinundan ng mga labi ni Paolo ang mga
daliri nito.
Hindi makapaniwala si Bianca sa tinutungo
ng gumagapang na mga halik ng asawa.
“Paolo...” sambit niyang parang ibig
umawat.
Hindi naman niya maikipit ang kanyang
mga hita dahil nakapigil na sa magkabila ang mga kamay ni Paolo.
At ang iniwan ng mga daliri nito’y agad
na narating naman ng mapanukso nitong paghalik.
Singhap na lamang ang nagawa ni Bianca.
At nang mula sa panunukso ay lalong
lumikot at naging ganap nang mapang-angkin ang bibig ng asawa ay tuluyan na
siyang nawalan ng kontrol sa sarili. Isinuko na niya ang kanyang kamalayan na
nakababaliw na kaganapan.
Kamuntik na siyang panawan ng ulirat.
Pero hindi pa nahihimasmasan si Bianca
ay naramdaman niyang lumatag naman sa kanyang katawan ang katawan ni Paolo.
At nadama rin niya sa napakasensitibo
pang sugpungan ng kanyang mga hita ang kahandaan nito. Wala nang saplot. Para
pa siyang tinutudyu-tudyo.
Napadilat si Bianca.
Nakasalubong niya ang nag-aapoy na titig
ni Paolo.
“Say yes,” hiling nito uli.
“Yes,” paanas na sagot niya.
Parang kibot na lamang ng bibig. Kinakapos
ng hininga.
Iyon lang ang hinihintay ni Paolo. Ganap
na siyang nilukob.
Hindi akalain ni Bianca na may mas
matindi pala sa nadama niya kanina. May mas tago pa palang bahagi ng kanyang
pagkatao na ngayo’y naabot sa kauna-unahang pagkakataon, at nang makanti ay
nagpakawala ng mas malalakas na boltahe ng kuryente sa kanyang katauhan.
At hindi lang minsan iyon kinanti ni
Paolo. Paulit-ulit, sa isang ritmong pabilis nang pabilis, patindi nang
patindi. Hanggang sa sabay na silang umigtad, nagsalubong sa isang
makapangyarihang tulos. Nagbitiw ng di mapigil na mga ungol at daing.
Pagkatapos ay bumagsak si Paolo nang
padapa sa kanya. Waring tinakasan ng lahat ng lakas.
Ganoon din ang pakiramdam ni Bianca.
Parang hindi niya maikilos ang alinmang bahagi ng kanyang katawan. Lahat ay nanlalata.
Lahat ay nakadarama pa ng mga kikibut-kibot na kuryente.
Kapwa sila naghahabol ng hininga.
Maya-maya’y bumaling si Paolo sa kama sa
tabi niya. Siya naman ang hinila nitong payakap. Ikinulong siya sa mga bisig
nito.
Naramdaman niyang hinahagkan siya ni
Paolo sa buhok, sa ituktok ng kanyang ulo. Masuyo.
Kung bakit naman iyon pa ang naging
senyal para bumaha ang luha sa mga mata ni Bianca. At kahit pinipigil niya’y
sumikdo ang hikbi sa kanyang lalamunan. Yumugyog ang kanyang mga balikat.
“Bee?” pag-aalala ni Paolo.
Marahan siya nitong inilayo para silipin
sa mukha.
“Umiiyak ka?”
Hindi siya makasagot. Pilit niyang
pinapalis ang kanyang mga luha. Pero lalo pang dumarami. Lalo pang nangatal ang
kanyang katawan sa pigil na hikbi.
“Bee...” natataranta nang sabi ni Paolo.
“Bee... bakit?”
Umiling na lamang siya. Hindi siya
makapagsalita.
Paano niya sasabihing napakaganda ng
naganap, pinakamaganda nang kaganapan sa buong buhay niya, pero pinakamasakit
din. Dahil napakasakit pala nang maalala niya na walang ibang kabuluhan ang
lahat ng iyon para kay Paolo.
Mabilis namang namang naupo si Paolo.
“Bee, did I hurt you?” mariing tanong
nito na parang sinusuri siya ng tingin mula mukha pababa sa katawan.
Lalo siyang nagpakailing-iling.
Hindi naman siya nasaktan nang pisikal.
At anumang sakit itong nadarama niya ngayon sa damdamin ay hindi rin kasalanan
ni Paolo. Hindi niya ito sinisisi. Alam niyang wala itong pag-ibig sa kanya at
siya ang sumige.
Hinatak ni Bianca ang kumot na nasiksik
na sa paanan ng kama. Ipinantakip niya iyon sa kanyang kahubdan. Parang bigla
siyang nahiya kay Paolo.
“Bee, nagsisisi ka ba?” Biglang nag-iba
na ang tono ni Paolo. Mahinahon pero may kakaibang emosyon. “Napilitan ka lang
ba? Na-pressure? Ano ba iyon, gratitude? Pasasalamat? I feel like a monster.”
At patalikod itong umalis sa kama.
Pinulot sa lapag ang boxer shorts at mabilis na isinuot.
“Paolo,” habol ni Bianca. “Paolo, wala
kang kasalanan.”
“Because you didn’t say no?” sagot
nitong bumabaling uli sa kanya. “Pero napilitan ka lang ba?”
Umiling si Bee.
“Kusang-loob iyon,” sagot niya sa
mahinang tinig.
Kahit ang pag-aming iyon ay
nakapanliliit sabihin.
Umupo uli si Paolo sa tabi niya.
“Bakit?” tanong nitong nanunukat na
naman ang pagtitig sa kanya. “Why did
you do it? Dahil ba inakala mong iyon ang hinihingi kong kapalit ng lahat ng
inialok kong tulong sa iyo? Hindi ganoon iyon, Bee. You didn’t have to.”
“Umiiyak ako dahil masakit isipin na
walang kasamang pag-ibig ang naganap sa atin,” bulalas ni Bianca.
Nakita niya ang pagngiwi ng mukha ni
Paolo na para ba itong tumanggap ng pagkasakit-sakit na sampal.
Bumagsak ang balikat nito, kasabay ng
pagyuko nito na parang talunan.
“Walang pag-ibig,” ulit nito. “I’m
sorry, Bee. Ginawa ko na ang lahat. Inihain ko na sa iyo ang lahat. Akala ko pa
naman, nagtagumpay na ako. Akala ko, napaibig na rin kita, kahit paano. Akala
ko, ang pagtugon mo sa halik ko’y pagtugon mo rin sa pag-ibig ko. Hindi mo pa
rin pala ako magawang ibigin.”
Napatda si Bianca.
“A-ano ‘kamo?” sabi niya. “Ano’ng pagtugon
ko sa pag-ibig mo? Kailan mo ba sinabing mahal mo ako?”
Nagtaas ng mukha si Paolo.
“Hindi pa ba obvious iyon sa lahat ng
ginagawa ko?” sagot nitong nakakunot ang noo. “I’m so in love with you, Bee. Ginawa
ko na nga ang lahat para mapalapit sa iyo. Para makumbinse kang manatili sa
piling ko. Para maging husband and wife tayo in the real sense of those words.”
“W-wala ka namang sinasabi,” nababaghang
iling ni Bianca.
“Dahil inakala kong my actions speak louder
than words,” katwiran ni Paolo. “I’m so sorry na hindi ko nasabi. But I’ll say
it again and again. I love you, Bianca. I love you so very much. At ang akala
ko, natutunan mo na rin akong mahalin. Akala ko, ang naganap sa atin kanina ay
dahil mahal mo na rin ako.”
Bumulwak na naman ang mga luha ni
Bianca.
“B-but I do love you, Paolo,” amin niya.
“Tama ka. I gave myself to you out of love. Kahit ang akala ko’y hindi mo naman
ako mahal. Akala ko, you just wanted me physically. Iyon ang iniiyak ko, e. Ang
inakala kong pagiging one-sided ng sitwasyon.”
Bigla siyang kinabig ni Paolo. Niyakap
nang pagkahigpit-higpit.
“Bianca, I’m so sorry that I didn’t say
the words,” iling nito habang nakasubsob ang mukha sa buhok niya. “Pero ang
totoo’y nasisira na ang ulo ko sa pag-ibig ko sa iyo. Natataranta na akong
maghagilap ng paraan para hindi na tayo kailangang maghiwalay. Kung hindi ka
nga payag na magbalik dito sa Pilipinas, nakahanda na akong magtiyaga sa States
para lang manatili sa tabi mo. Talagang hindi kita titigilan ng panunuyo
hangga’t hindi kita napapaibig.”
Tumingala si Bianca. Nakangiti na sa
kabila ng patuloy na pagluha. Mga luha na ngayon ng kaligayahan.
“Ang sarap pakinggan,” sagot niya.
“Bakit kasi ngayon mo lang sinabi.”
“I’m really sorry,” pagsisisi uli ni
Paolo. “Naduwag ako noon. Naghintay muna akong makasilip ng kahit kaunting
pag-asa. Kanina naman, akala ko hindi na kailangang bigkasin. Akala ko,
nararamdaman mo na ang nararamdaman ko. Pero magmula ngayon, sasabihin ko na
nang maliwanag sa iyo every chance I get. I love you. Mahal na mahal kita, Bee.
And don’t you ever doubt that again.”
EPILOGO
HINDI na
nakarating ng Baguio sina Bianca at Paolo. Paano’y hindi sila nagising nang
maaga kinabukasan. Tinawagan sila ng hotel concierge sa kuwarto pero hindi pa talaga
nila kayang bumangon.
Naging maunawain naman ang
administrasyon ng New Haven. Pumayag na sa Makati na gugulin ng mga bagong
kasal ang mga araw na dapat sana’y nasa Baguio sila.
“It doesn’t matter naman kung nasa
Baguio tayo o Makati, e,” nakangiting sabi ni Paolo sa kabiyak. “Magkukulong
lang din naman tayo sa kuwarto.”
Pilyang bungisngis ang itinugon ni
Bianca, sumasang-ayon.
Hindi na rin tuloy sila nagpunta ng
Subic at Batangas.
Napilitan lang silang tumuloy sa Cebu.
Paano’y hinihintay sila roon nina Fiona, Francesca at iba pang mga kamag-anak ni
Bianca.
Bago umalis ay tinawagan muna ni Bee si
Catlyn.
“I have good news,” sabi niya sa
kaibigang pinsan na rin niya ngayon. “Totohanan na kami ni Paolo, Cat. We’re in
love with each other.”
“In love?” parang pagdududa pa ni
Catlyn. “Sigurado ka? Baka naman hanggang honeymoon lang iyan. Loka, baka
nagpapauto ka lang diyan kay Paolo. Lagot siya sa akin.”
“Hindi na nga ako kukuha ng American
citizenship, Cat,” sagot niya rito. “We’re settling down here. For good.”
Saka lang natuwa ang dalaga.
“Talaga?” kinikilig nang sabi nito. “Ay
naku, salamat naman. Dininig din ang katakut-takot kong pagdarasal. Hindi na
ako magi-guilty sa kinalaman ko sa love story ninyo.”
Natawa si Bianca.
“O paano, bahala ka nang magbalita sa
dalawa, ha?” bilin niya.
“TAMA si
Edric,” sabi ni Alexandra nang makausap ni Catlyn. “Ang tantiya nga niya noon
pa kay Paolo, in love na talaga kay Bee.”
“Ako pa itong hindi nagtiwala sa pinsan
ko,” pagsisisi ni Catlyn. “Akala ko kasi, palibhasa mukha na siya ngayong man
of the world, hindi na niya tototohanin si Bianca. Hindi nga pala ako dapat
naging judgmental. Magtatanda na ako magmula ngayon.”
“Nagkatotoo rin iyong pagkakasalo ni
Bianca sa bridal bouquet ko, ano?” naalala ni Alex. “Siya nga ang sumunod na
ikinasal. At tunay na tunay na ang kasalang iyon ngayon.”
“Ibig mo ba’ng sabihin porke’t ako ang
nakasalo sa rose ni Bianca noong kasal niya, ako naman ang kasunod?”
kinakabahang tanong ni Catlyn.
Tumawa si Alex.
“Naku, lagot ka,” sagot nito. “That day,
binalewala natin iyon dahil nga inakala nating fake na kasalan lang iyon.
Ngayon, valid na iyon. Patay kang bata ka.”
“ANO? Ibig mong
sabihin mauunahan mo pa rin ako?” maktol ni Desiree nang ikuwento ni Catlyn ang
lahat. “Hindi na yata talaga kami ikakasal ni Arman. Kami pa naman ang
unang-unang nagkarelasyon.”
“Huwag ka ngang magsalita nang ganyan at
baka lalo kayong mausog,” sagot ni Catlyn.
“Nakakainggit naman sina Bee,” sabi ni
Desiree. “Kita n’yo na, pag-ibig lang pala ang kailangan para makalimutan ng
babaing iyon ang obsession niyang tumira sa States.”
“Pero kakatwa na dahil lang din sa
obsession na iyon kaya sila nagkakilala ni Paolo,” pansin ni Catlyn. “Parang
full circle.”
“Oo nga ano?” sang-ayon ni Desiree.
“Pero bakit kaya sa kaso namin, hindi pa sapat na dahilan ang pag-ibig para
bumalik na dito si Arman sa tabi ko?”
“Hmmm, tama ka na nga riyan sa
pagsesentimyento,” saway ni Catlyn.
“Kapag na-in love ka, talagang magiging
sentimental ka,” sabi ni Desiree. “Makikita mo.”
“Parang masarap nga yatang ma-in love
ano?” sagot ni Catlyn. “Ako na lang pala sa atin ang hindi nakakaranas niyon.
Sana, ako rin.”
WAKAS
May sariling mga kuwento ng pag-ibig sina
Alexandra, Catlyn at Desiree.
Abakada ng Pag-ibig: Alexandra
Basahin ang kwento ng pag-ibig
ng kapatid ni Bianca sa
Abakada ng Pag-ibig: Francesca
(Link sa listahan ng iba pang mga nobela)