Click Below to Find Titles to Read

List of Free Maia Jose Novels to Read

Biyernes, Marso 31, 2023

Abakada ng Pag-ibig: GWEN Chapter 5

 FREE TAGALOG ROMANCE NOVELS

CHAPTER 5

“BAKIT mo sinabi iyon?” sumbat ni Darla kay Gwen nang nasa kuwarto na niya sila. “Totoo ba?”

        “Hindi,” sagot niya. “Kaya lang, wala nang ibang paraan, e. Ayaw umamin ni Geraldine na magkasama sila kagabi samantalang inaakusahan na si Lyon ng pagpatay. Matindi ang discrimination sa Pinoy na may reputasyon bilang gigolo dahil siguro sa nangyaring pagpatay noon kay Gianni Versace. Pinoy na gigolo rin palibhasa ang prime suspect doon. Pero sa kasong ito, hindi ko maatim na pabayaang makulong si Lyon. Alam ko namang wala siyang kinalaman.”

        “Paano kang nakakasiguro?” tanong ni Darla.

        “Naririnig ko sila ni Geraldine nang buong magdamag, ano?” sagot niya.

        Ang hindi niya sinabi ay maniniwala pa rin siyang inosente si Lyon kahit hindi niya narinig ang dalawa na magkaulayaw nang magdamag. Nararamdaman kasi niya sa puso niya na anuman ang pagkatao ng binata ay hindi ito kriminal.

        “Pero sa ginawa mo, baka masangkot ka pa sa gulo,” giit ni Darla. “Nagsinungaling ka, e. Paano kung sumabit ka?”

        “Kaming tatlo lang naman ang nakakaalam sa katotohanan,” sagot ni Gwen. “At siguradong hindi ako kokontrahin nina Geraldine at Lyon.”

        “Kahit na,” iling ni Darla. “Sa pakiramdam ko, hindi mo nakumbinse si Inspector Dubois. Ang sabi nga niya kanina, he’ll be back. Hangga’t hindi nareresolba ang kaso, nakatutok pa rin ang hinala nila kay Lyon. At dahil ikaw ang nagbigay ng alibi para sa kanya, tututok din ang pag-iimbestiga nila sa iyo.”

        “Bahala na,” sagot niya.

 

MAY ibang pinuproblema si Gwen. Si Lyon.

        Bakit hindi pa siya kinakausap ni Lyon?

        Kanina, pag-alis ng mga pulis, inaasahan niyang kukomprontahin siya nito. O pasasalamatan.

        Sa halip ay una pang nawala sa salas ang binata. Nagkulong yata sa kuwarto.

        Kunsabagay, hindi rin siya sigurado kung paano niyang haharapin ang binata. Kung paano niyang ipapaliwanag ang ginawa niyang pagtatanggol dito. Kung bakit niya ginawa iyon.

        May kutob siyang masisinag ni Lyon ang katotohanan. Na hindi lang simpleng pagsagip sa kapwa-tao ang kanyang ginawa. Na may ibang kahulugan ang kanyang pagsisinungaling.

 

KUNG mabilis na nakarating kay Bolton Boyer ang balita, ganoon din kabilis iyong kumalat sa buong mundo.

        Bago dumilim ay magkasunod na tumawag ang Mommy ni Darla at ang Daddy ni Gwen. Alalang-alala ang mga ito.

        “I’m fine, Dad,” sabi ni Gwen kay Greg Garchitorena. “Darla and I are perfectly safe here. Hindi pa nga lang kami pinapayagang umalis ng isla. Nobody’s allowed to leave yet until the investigation is over.”

        Hindi na niya ipinagtapat ang “pagkakasangkot” niya sa imbestigasyon.

        “Pero gaano katagal iyon?” tanong ni Greg. “Puntahan ka kaya namin diyan?”

        “No, Dad, huwag,” mabilis na pakli ni Gwen. “Mahirap na. Baka ma-stranded pa kayo rito kung hindi kayo paalisin. Maraming mabibitin na trabaho diyan. Don’t worry about us. Mas mahigpit nga ang security dito ngayon. The place is crawling with policemen. Nagsisikip na nga ang isla, e. Huwag na kayong dumagdag sa crowd.”

        Habang sinasabi iyon ay nakakrus ang mga daliri niya sa magkabilang kamay. Ipinagdarasal niyang magpapaawat nga ang kanyang ama.

        Sa puntong ito ng kanyang buhay, kailangan niyang magsolo. Kailangan niyang magdesisyon at kumilos nang mag-isa para sa kanyang sarili.

        “Okay,” sagot ni Greg. “Pero tatawag ako riyan araw-araw. And the moment they lift the travel ban, make sure to come straight home.”

        “Yes, Dad,” sagot niya.

 

BUMALIK nga sa Villa Boyer si Inspector Claude Dubois, kinabukasan din. Pero iba na ang sadya nito.

        Iniisa-isa raw nitong muli ang bawat villa sa isla para magbalita.

        “You’re all free to go,” sabi nito. “The case is solved.”

        Nagtaka silang lahat.

        Nagpaliwanag naman ang inspektor. May nakapanlulumo pala uling pangyayaring naganap.

        Mula sa ikawalong palapag ng ospital na kinalalagyan sa Miami ay tumalon daw si Tom Thierry. At sa iniwan nitong suicide note ay umamin ito na siyang pumatay kay Kyle.

        Nagselos diumano ang fashion designer sa madalas na pagkakagusto ng boyfriend sa kung sinu-sino. At para mapagtakpan ang ginawang krimen ay pinukpok din ni Tom ang sarili sa ulo. Nang matauhan sa ospital ay saka lang ito nakadama ng malalim na pagsisisi. At nais nitong sundan ang minamahal pa ring si Kyle sa kabilang buhay.

        Pagkatapos na ibalita iyon ay nagpaalam na agad si Inspector Dubois.

        Gusto pa sana itong sumbatan ni Gwen. Gusto niya itong pagsabihan na “Don’t you think you owe Mr. Llamanzares an apology?”

        Pero kung gagawin niya iyon ay masyado nang mapaghahalata ang pagtatanggol niya kay Lyon. Kaya tumahimik na lang ang dalaga.

 

NAGKAGULO na ang lahat pag-alis ng mga pulis.

        “We’re leaving today,” pahayag ni Bolton Boyer kay Geraldine. “You’re coming with me.”

        “Well, folks, I think the party’s over,” sabi naman ng babae sa mga panauhin.

        “I’ll call home,” baling ni Pete kina Darla at Gwen. “I’ll have the jet pick us up in Haiti. Start packing.”

 

NAG-EMPAKE na si Gwen. Mabilis lang.

        Pagkatapos ay nag-ipon siya ng lakas ng loob at kumatok sa katabing kuwarto.

        Bumakas uli ang pagkagulat sa mukha ni Lyon nang pagbuksan siya nito ng pinto. Pero agad din iyong pinagtakpan ng binata. Ngumiti na naman ito na parang nakakaloko.

        “Well, narito pala ang aking tagapagtanggol,” sabi nito. “What can I do for you?”

        “Puwede ba kitang makausap in private?” sagot niya.

        “Of course,” mabilis na pakli ni Lyon habang umuurong para siya makaraan. “Please come in.”

        Halos mangatog ang mga tuhod ni Gwen habang papasok ng silid. At nang marinig niya ang pagklik ng seradura sa kanyang likuran ay muntik na siyang mawalan ng determinasyon.

        “Hindi pa nga pala kita napapasalamatan,” sabi ni Lyon.

        Hinarap niya ito.

        “Ginawa ko lang naman ang nararapat,” sagot niya. “Hindi kaya ng konsensiya ko na hayaang maakusahan ang isang walang kasalanan. Bakit kasi hindi mo ipinagtanggol ang sarili mo? Bakit hindi mo ipinagtapat ang katotohanan? Buhay mo na ang nakataya.”

        Natawa si Lyon.

        “Itatanggi lang iyon ni Geraldine,” sagot nito. “Nauna na nga siyang nakapagbigay ng statement, hindi ba? Babawiin pa ba niya iyon? Sisirain ba niya ang marriage nila ni Boyer para lang sa akin? I’m not a fool. Hindi na ako umaasa sa mga bagay na alam kong imposibleng mangyari.”

        “Ngayong tapos na kayo ni Geraldine, saan ka pupunta?” tanong niya.

        “Hindi ako dependent sa kanya,” may pagkapikon na sagot ng binata. “Sampu sampera ang tulad niya.”

        “Samahan mo muna ako,” biglang bulalas ni Gwen.

        Nagulat na naman si Lyon. At muli, bumawi ito’t nagtaas ng kilay na parang nanunudyo.

        “Hindi mo pa ba alam ang patakaran ko?” tanong nito. “Ayoko sa biyuda, separada o dalaga. Ayokong mapikot. Ayokong matali sa palda ninuman.”

        “No strings,” sagot ni Gwen.

        Bahagyang kumunot ang noo ni Lyon.

        “Iyan ba ang hinihingi mong kabayaran sa ginawa mong pagtatanggol sa akin?” tanong nito.

        Napakislot ang dalaga. Napakasakit ng mga salitang iyon.

        Pero nagpatuloy siya. Wala nang atrasan ito.

        May naihanda na siyang katwiran para kay Lyon.

        “Pinauuwi na ako ni Daddy sa Pilipinas,” sabi niya. “Pagbalik ko roon, balik din ako sa dating buhay ko. Makukulong na naman ako sa makikitid na patakaran ng pamilya’t lipunang kinabibilangan namin. Nakakasakal na. Minsan kang naging bahagi ng sirkulong iyon. Alam mo ang ibig kong sabihin. At least, nakahulagpos ka na roon. At naiinggit ako sa iyo. Kaya kung puwede sana, pagbigyan mo ako. Give me this one taste of freedom. Of doing the forbidden.”

        Saglit na nanatiling nakatitig sa kanya ang binata. Hindi niya malaman kung nagulat na naman ito sa kanyang paliwanag. O kung inaarok nito ang katotohanan sa kanyang mga salita.

        Pero mayamaya’y tumango.

        “Okay,” sabi nito. “Pagbibigyan kita. I’ll give you a taste of the forbidden fruit. And I guarantee, it will be unforgettable.”

 

SAKA pa lang kinausap ni Gwen si Darla.

        Siniguro muna niya ang sagot ni Lyon bago niya ginawa iyon. Kung tinanggihan kasi siya ng binata ay ayaw na sana niyang ipaalam sa pinsan ang tinangka niyang gawin.

        Pero ngayong pumayag na si Lyon, kailangan niya talagang magtapat kay Darla.

        “Sigurado ka ba riyan sa papasukin mo?” tanong nito. “I never thought you’d be capable of that. Pero kunsabagay, I can understand how you can be attracted to him. He’s really one hell of a hunk. And I’m sure he’ll make your first time very memorable.”

        “Kailangan ko ang tulong ninyo ni Pete,” hiling ni Gwen. “Kapag nalaman kasi ni Daddy na nakabalik ka na sa New York, siguradong hahanapin ako niyon. Pinauuwi na ako nang diretso sa Manila, e.”

        “So, what do you want us to do?” tanong ng pinsan niya.

        “Pupuwede bang mag-stay na muna kayo ni Pete sa Haiti or somewhere in the Carribean for a few days?” sagot niya. “Kunwari, magkasama pa rin tayong nagpapalipas lang ng tensiyon. I’ll call you when I’m ready to leave. Then, you and Pete can go home to New York. Kukuha naman ako ng commercial flight pauwi sa Manila.”

        “Hindi ka na dadaan ng New York?” tanong ni Darla.

        “Hindi na,” sagot niya. “Pakipaasikaso na lang kay Manang Nacing ang pag-eempake at pagpapadala ng mga gamit ko sa Manila.”

        “Okay, no problem,” mabilis na pagpayag ni Darla. “Iyon lang pala, e. I’m sure Pete will agree. Totoo rin namang nakakatensiyon ang mga pangyayari. We really need a few more days to unwind.”

        “Thanks, Darl,” taos-pusong pahayag ni Gwen.

 

ITINAWAG agad ni Gwen kay Greg ang bago niyang schedule. Napapayag naman niya ang ama.

        Pagkatapos makapananghalian, sabay-sabay na lumisan ng Villa Boyer ang mag-asawang Geraldine at Bolton, ang mga bodyguard ng mga ito at ang mga panauhin. Sinundo sila ng mga van ng resort at inihatid sa clubhouse.

        Punung-puno ng tao ang clubhouse. Halos lahat kasi ng mga nasa isla ay nagmamadaling makaalis sa sandaling pumayag ang mga awtoridad. At dahil dala-dalawang helicopter lang ang kayang pagsabayin sa helipad, kailangang maghintay ang mga pasahero ng kani-kanilang turno.

        Isa sa mga unang nakalipad ang mga Boyer, palibhasa’y naka-stand-by na roon ang helicopter ni Bolton.

        Wala man lang personal na paalamang namagitan kina Geraldine at Lyon. Isinama lang ng babae ang binata sa pangkalahatang pagpapaalam nito sa mga naging panauhin.

        Naisip ni Gwen, ganoon na lang ba iyon? Ganoon lang ba talaga ang mga relasyong nakasanayan ni Lyon?

        Ganoon din ba ang mangyayari sa kanilang dalawa? Isang malamig na paghihiwalay? Walang kaemo-emosyon?

        Parang kinurot ang puso niya. Pero pilit niyang  ipinagwawalang-bahala ang kirot. Desidido siyang ituloy ang kanyang kapangahasan.

        Alam niyang panandaliang fling lang ang pinagkasunduan nila ni Lyon. Kahit nga iyon ay sapilitan pa niyang nakuha sa binata. Parang pumayag lang ito bilang pagbayad ng utang na loob.

        Hindi bale.

        Basta’t kailangan niyang makasama si Lyon. Kailangan niyang madama kung paanong makulong sa mga bisig nito. Kung paano ang mahagkan nito.

        Hindi niya alam kung pisikal na atraksiyon lang sa binata ang kailangan niyang bigyang kaganapan, o kung may higit pa roon. Hindi na niya iniisip iyon.

        Ang alam lang niya ay gusto niya si Lyon at kailangang makuha niya ang kanyang gusto – kahit panandalian lamang.

        Saka na niya haharapin ang kanilang paghihiwalay.

        Nagsabay sa isang helicopter ang mga mag-asawang Von Geiss at Andante. Mga alas-tres na ng hapon nakaalis ang mga ito. Kasunod sina Darla at Pete.

        “Itatawag ko sa ‘yo kung saan kami tutuloy sa Haiti,” sabi ni Darla bago umalis. “Just call us whenever you’re ready to leave. Pero huwag kang magmamadali, ha? Take your time. Enjoy yourself. Make this something you’ll always remember.”

        At kinindatan pa nito ang pinsan bago iniwan.

 

HABANG nagpapaalam ang lahat, hindi lumalapit si Lyon kay Gwen. Nanatiling nakaupo lang ang binata sa isang bahagi ng bar ng clubhouse, nagmamasid.

        Ang dalaga na ang lumapit dito nang makaalis ang lahat ng kanilang mga kasama.

        Kunwa’y casual na casual ang kanyang kilos at pananalita. Pero ang totoo niyon, katakut-takot na pagpapatibay ng loob at pagpapakapal ng mukha ang kanyang ginagawa.

        “Puwede na tayong mag-check in sa hotel,” sabi niya kay Lyon.

        Bilang guests ng mga Boyer na members ng exclusive resort pwede pa rin silang mag-check-in pero sila na ang magbabayad para sa kanilang stay.

        “Okay,” sagot ng binata.

        Bihasang-bihasang sumenyas ito sa isang porter para dalhin ang kanilang mga bagahe sa hotel na karugtong lang naman ng clubhouse.

        Habang papalapit sila sa front desk, nagsimulang ilabas ni Gwen ang kanyang credit card.

        “Don’t bother,” saway ni Lyon. “You can stay with me in my room. Nakapag-check-in na ako.”

        “Pero ako ang magbabayad,” sagot niya.

        “No,” mariing tanggi ng binata. “I owe you, remember?”

        Hindi na nakipagtalo si Gwen.

 

GANOON na lang ang nerbiyos niya nang iwan sila ng bellboy sa silid. Para mapagtakpan iyon, inunahan na niya ng tanong si Lyon.

        “Alam mo, noon pa ako may ipinagtataka sa iyo. Kung blacklisted pala sa iyo ang dalaga, bakit lagi mo akong pinu-provoke? Utos ba iyon ni Geraldine? Bahagi ba iyon ng plano niyang isama ako sa ginagawa n’yo?”

        “I just enjoyed watching your reactions,” amin ng binata. “Wala akong kinalaman sa pag-anyaya ni Geraldine noon sa iyo. Though, I must confess I was curious kung papayag ka. Kung sabagay, hindi na ako nagtaka sa naging reaksiyon mo. I didn’t think you would be the type to enjoy a menage a trois.”

        Nilapitan siya nito at hinaplos ng hintuturo sa pisngi.

        Napasinghap si Gwen.

        “Ako naman ang may itatanong,” sabi ni Lyon. “Why me? Why would an innocent want me? Hindi ka ba natatakot? Hindi mo ba naisip na baka may AIDS ako o kung anu-anong sexually transmitted diseases?”

        Napakurap ang dalaga.

        “Mayroon ba?” tanong niyang may pag-aalala.

        Iyon kasi ang bagay na hindi man lamang sumagi sa isip niya noon. At napakalaking katangahang hindi niya napaghandaan iyon.

        Umiling si Lyon.

        “Lucky for you, I’m clean,” sagot  nito. “Kung gusto mo, I can show you my health certificate. I have myself checked every three months for my own peace of mind. Back-up measure lang naman iyon dahil sinisiguro ko ring mahingian ng current health clearance ang sinumang babae bago ko makaniig.

        Nanlaki ang mga mata ni Gwen.

        “Ginagawa mo iyon?” sabi niya. “At pumapayag sila? Hindi sila naiinsulto?”

        Natawa si Lyon.

        “Anyone who’s cosmopolitan and sexually active knows that that’s a necessity these days,” sagot nito. “Isa pa, hindi ko naman sila pinipilit. Kung ayaw nila, di huwag. Basta’t kung walang clearance, walang sex. Period. Hindi naman ako ang naghahabol sa kanila.”

        Napailing ang dalaga.

        “Alam mo bang napakayabang mo?” sabi niya.

        Nagkibit-balikat si Lyon.

        “Alam ko,” sagot nito. “Matagal mo na rin  namang alam iyon, hindi ba? And it didn’t stop you from wanting me.”

        Napalunok si Gwen. Paano niyang babatikusin ang pahayag na iyon?

        “Hindi ka ba natatakot na ako naman ang may sakit?” ganting tanong na lang niya.

        “Ikaw?” natatawang pakli ng binata. “Paanong magkakaroon ng sexually transmitted disease ang isang walang karanasan?”

        “Nakasisiguro ka bang wala akong karanasan?” hamon ni Gwen.

        “Wanna bet?” sagot ni Lyon.

        Hindi siya nakaimik.

        “But that doesn’t change anything, you know,” pagpapatuloy ng binata. “Hindi ako ang tipong nagpapakabayani para panindigan ang pag-angkin sa isang virgin.”

        “Alam ko,” may pagkapikong tugon ni Gwen. “Lalo pa dahil ako naman ang may kagustuhan nito, hindi ba? Huwag kang mag-alala. Like I promised, no strings.”

        Ikinulong ni Lyon sa dalawang palad ang kanyang mukha.

        “Do you realize how intoxicating this is for me?” sabi nitong nakatitig sa kanyang mga mata. “You flatter me. Isang inosenteng birhen, asking me to make love to her. No strings attached.”

        “Just teach me everything, Lyon,” nanginginig ang boses na bulong ni Gwen. “I want a taste of everything.”

(Kapag hindi lumabas ang kasunod na chapter pagkatapos nito, pindutin ang > o kaya’y ang Mga Lumang Mga Post na link.)

(Link sa listahan ng iba pang mga nobela.)

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento