Click Below to Find Titles to Read

List of Free Maia Jose Novels to Read

Biyernes, Marso 31, 2023

Abakada ng Pag-ibig: GWEN Chapter 6

 FREE TAGALOG ROMANCE NOVELS

CHAPTER 6 

HINDI akalain ni Gwen na magiging ganoon kalambing si Lyon. Na marunong pala itong manuyo.

        Sinimulan siya nitong paulanan ng mga halik sa mukha. Masuyong mga halik.

        Sinimulan nitong haplusin ang kanyang katawan. Nagsimula sa kanyang mga balikat, pababa sa kanyang mga braso, paakyat na muli. Dumantay ang mga palad nito sa kanyang magkabilang dibdib. Nangubkob. Nanuyo.

        Napaigtad si Gwen.

        Hinagkan siya ni Lyon sa leeg.

        Nangatog ang kanyang mga tuhod. Nanghina. Nangunyapit siya sa mga balikat nito.

        Hinapit siya ng binata sa beywang. Bumaba ang mga bibig nito sa kanyang dibdib. Marahang kumagat.

        Napadaing si Gwen.

        Pinangko na siya ni Lyon. Inihiga sa kama.

        Pagkatapos, tumayo ito sa may gilid ng higaan. Dahan-dahang naghubad. Pinapanood ang kanyang reaksiyon.

        Hindi makakurap si Gwen. Pigil ang kanyang hininga. Hanggang sa matambad ang kabuuan ng binata.

        Bahagyang namilog ang kanyang mga mata. Napalunok siya. Talaga palang may maipagmamalaki si Lyon. Hindi siya nabigo sa matagal nang inilalarawan ng kanyang imahinasyon.

        Puno ng kumpiyansang lumuhod ito sa kama.

        Siya naman ang sinimulan nitong talupan. At bawat bahagi ng kanyang katawang nalalantad ay hinahagkan ng binata.

        Hanggang sa umabot ito sa pinakatagu-tagong bahagi ng kanyang pagkababae.

        Muli, sinuyo siya roon ni Lyon. Ng mga kamay nito. Ng bibig.

        Wala na sa sarili si Gwen.

        Tumindi nang tumindi ang nadarama niyang mga sensasyon hanggang sa para siyang bulkang sumabog.

        Akala niya’y hanggang doon na lamang iyon. Pero ang ipinagtataka niya’y hindi pa nagaganap ang dapat maganap.

        At hindi pa rin iyon minadali ni Lyon.

        Sinimulan uli siya nitong hagkan sa buong katawan. Sinimulang suyuin sa dibdib. Inulit ang pananaliksik sa kanyang kaselanan.

        Kung ilang ulit pa munang narating ni Gwen ang sukdulan bago saglit na tumigil si Lyon.

        May inabot itong pakete mula sa bulsa ng pantalong nasa sahig. Binuksan nito ang pakete. Iniabot sa kanya ang laman.

        “Do the honors,” bulong nito.

        Napalunok si Gwen.

        Nakakita na siya ng condom. Alam niya kung para saan iyon at paanong gagamitin. Pero ngayon pa lang siya aktuwal na makakahawak niyon.

        Ngumiti si Lyon. Naunawaan ang kanyang pag-aatubili.

        Kinuha nito ang kabilang kamay niyang walang hawak at iginiya iyon sa dapat paglagyan ng condom.

        “Kailangan mo muna sigurong i-familiarize ang sarili mo,” sabi nito.

        Nanginginig ang kamay ni Gwen. Pero nang bitiwan ito ni Lyon ay kusa na ring gumalaw. Tinugon ang kanyang kuryosidad.

        Ang binata naman ang napasinghap.

        Lumakas ang loob ni Gwen. Nakaisip siya ng bagong kapangahasan. Yumuko siya’t hinagkan ang hinahaplos.

        “Yes...” daing ni Lyon.

        Naalala ni Gwen ang kanyang mga nabasa sa mga libro. Ang kanyang mga napanood sa ilang video films. Ginaya niya ang mga iyon.

        Bumilis ang paghahabol ni Lyon ng hininga.

        Maya-maya lang ay inawat na siya nito.

        “I think we better put it on,” sabi ng binata. “Before it’s too late.”

        Hindi siya marunong kaya tinulungan pa siya ni Lyon sa paglalagay sa ayos sa condom. Pagkatapos ay muli siyang itinumba nito.

        At sa pagkakataong iyon ay handang-handa na siyang tanggapin ito. Sabik na sabik na siyang tanggapin ito.

        Sa isang makapangyarihang ulos ay ganap silang napag-isa.

        May nadamang kirot si Gwen, pero higit ang masarap na pakiramdam ng katuparan. Ng kakaibang uri ng kaganapan.

        At nang madama niya ang pagdating din ni Lyon sa sukdulan, lalo pang tumamis ang kanyang kaganapan.

        Ah, ito nga pala ang kanyang pinakahihintay-hintay.

        Hindi siya nagkamali. Hinding-hindi niya ito pagsisisihan. Hindi kailanman.

 

MAKAILANG beses pang nagtalik sina Gwen at Lyon bago dumilim. Pagdating ng oras ng hapunan, umorder na lamang sila ng room service. Nang gabing iyon, sabay silang nagbabad sa bathtub. At marami pang naituro sa kanya si Lyon na maaaring gawin doon.

        Halos ganoon din ang nangyari kinabukasan. At sa sumunod pang mga araw.

        Naaarawan lang sila’t nakakasagap ng preskong hangin kapag lumalabas sila ng balkonahe ng silid. Madalas nilang gawin iyon sa umaga’t sa dapithapon. Kung minsan, doon din sila sa balkonahe nagpapahanda ng almusal at hapunan.

        Nagmistulang paraiso para kay Gwen ang silid na iyon. Pakiramdam niya, para silang sina Eba at Adan na naglalaro sa Eden.

        Tinugon ni Lyon ang kanyang kahilingan. Lahat ay itinuro nito sa kanya. Wala itong ipinagkait.

        Natutunan niyang makipagniig sa lahat ng dako ng silid.

        Pinagkatiwalaan niya si Lyon na itali ang kanyang mga kamay sa magkabilang poste ng kama habang hinahagkan nito ang kanyang kahubdan, hanggang sa makiusap siyang ituloy na nito ang ganap na pagsasanib ng kanilang mga katawan.

        Pinagkatiwalaan din siya ng binata sa kabaligtaran – ito naman ang nagpatali ng mga kamay habang tinutukso niya ng mga haplos at halik sa buong katawan, hanggang sa makiusap din ito’t siya naman ang gumawa ng paraan para sila mapag-isa.

        Unti-unting nabura ang lahat ng inhibisyon ni Gwen. Mas naging mapangahas siya. Mas naging mapanlikha.

        Nang lumaon, siya na ang nakakaisip ng mga kapilyahang gagawin kay Lyon.

        Habang tulog pa ito’y susuyuin niya ng bibig ang kaselanan hanggang sa magising itong handang-handa nang manibasib.

        Minsan, naisipan niyang umorder sa room service ng pulot. At ginawa niyang parang hotcake ang mga katawan nila ni Lyon. Siyempre pa, kailangang nilang “linisin” sa halik ang isa’t isa.

        Pero kaybilis na lumipas ang isang linggo. Tapos na ang palugit na hiniling ni Gwen sa kanyang ama. Kailangan na niyang tawagan si Darla.

        Hirap na hirap ang loob ng dalaga.

        Ipinagpaliban niya noon ang pagharap sa katotohanang darating ang sandaling ito. Akala niya’y mas madali itong harapin kapag naganap na ang kanyang hinahangad.

        Ngayon, mas lalo palang kayhirap bumitiw kay Lyon.

        Kulang na kulang pa ang panahong kanilang pinagsamahan. Bitin na bitin pa siya.

        Kailangan niya ng kahit kaunti pang panahon.

        Naglakas-loob siya uling humiling  sa binata.

        Katatapos lang nilang magniig nang umagang iyon.

        “Lyon, kailangan ko nang bumalik sa Manila,” pagbabalita niya.

        Tumingin ito sa kanya.

        “Kailan?” ang tanong.

        “Soon,” sagot niya. “In a day or two. As soon as I can arrange for a commercial flight home.”

        “Okay,” maikling sagot nito.

        Walang ipinakikitang emosyon.

        “Gusto mong sumama?” maingat na tanong ni Gwen.

        Natigilan si Lyon. Pagkatapos, tumingin lang sa kanya. Bahagyang nakataas ang kilay.

        “No strings,” mabilis na pahabol ni Gwen. “Just like this.”

        Tumingin sa malayo ang binata. Parang nag-iisip.

        “Well, matagal na rin akong hindi nakakauwi,” sagot nito mayamaya. “It might be fun to scandalize Manila again.”

        Tumalon ang puso ni Gwen sa tuwa.

(Kapag hindi lumabas ang kasunod na chapter pagkatapos nito, pindutin ang > o kaya’y ang Mga Lumang Mga Post na link.)

(Link sa listahan ng iba pang mga nobela.)

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento