Click Below to Find Titles to Read

List of Free Maia Jose Novels to Read

Sabado, Abril 1, 2023

Abakada ng Pag-ibig: HIYAS Chapter 10

FREE TAGALOG ROMANCE NOVELS

CHAPTER 10

HINDI tumitigil ang pagkatok ni GM sa pinto ng kanyang silid.

        Hindi iyon pinapansin ni Hiyas. Nakasisiguro naman siyang hindi iyon mabubuksan ng binata dahil naka-barrel bolt ang pinto mula sa loob.

        Lumabas na siya ng banyo. Walang mangyayari sa kanya kung mag-iiyak lang siya roon. Ang mahalaga’y makaalis na siya. Makalayo mula rito.

        Mabilis niyang inempake ang kanyang mga gamit. Kahit paano na lang. Basta magkasya sa mga maleta. Mabuti na lang at seyado pa ang balikbayan box niya ng mga souvenirs.

        Magho-hotel muna siya. Iyong pinakamalapit sa airport. At sasakay siya sa unang flight na mababakante pauwi sa States. Sa hotel na siya mag-aayos ng tiket.

        Nang buksan niya ang pinto ng silid ay handa na siyang umalis. At may shades nang nakatakip sa kanyang namumugtong mga mata.

        Nakita ni GM na hila-hila na niya ang kanyang dalawang maleta.

        “Hiyas...” sabi nito.

        “Ipapakiusap ko na lang sa ibaba na ipakuha ang balikbayan box ko,” sabi niya.

        Bago lumabas ng silid, nakailang hugot muna siya ng malalalim na buntonghininga para maihanda ang sarili na magsalita nang kalmado – kuno.

        “Hiyas, mag-usap muna tayo,” sabi ni GM.

        “Huwag na,” sagot niya. “I understand naman, e. I get your point. That’s why I’m leaving. Hindi na ako makakaistorbo sa relationship ninyo ng girlfriend mo. I’m sorry kung nagulo ko kayo. Hindi ko lang kasi alam.”

        Pumipiyok na siya kaya itinigil na niya roon ang pagsasalita.

        “Hiyas, wala akong girlfriend,” pahayag ni GM. “Wala kaming relasyon ni Krizha. She’s just a friend.”

        Nagkibit-balikat si Hiyas. Hindi naniniwala.

        “Whatever you say,” sagot niya.

        Humarang si GM sa harap niya.

        “I’m sorry,” sabi nito. “Mali iyong ginawa ko kanina. Kaya ko lang naman naisip na palipatin ka, para hindi na maulit ‘yung nangyari kagabi.”

        Parang tinulos ng sibat ang puso ni Hiyas.

        “Alam ko,” basag ang boses na sagot niya. “You don’t have to rub it in. Please, huwag ka na lang magsalita. Huwag mo nang dagdagan ang aking humiliation. Lalo lang akong nanliliit.”

        “But it’s not what you think,” sabi ni GM. “Hindi dahil ayoko nang maulit iyon. Pinuprotektahan lang kita. Because I love you.”

        “Right,” sarkastikong sagot ni Hiyas.

        At nagbago siya ng direksiyon sa paghakbang. Paiwas kay GM.

        Pinigil siya nito sa braso. Hinablot pa nito ang suot niyang shades.

        “Kung magagalit ka rin lang sa akin, magalit ka na dahil sa katotohanan,” sabi nitong hinaharap siyang muli.

        Hinuli ng isang kamay nito ang ilalim ng kanyang baba para pilitin siyang tumingin dito nang diretso.

        “I love you, Hiyas,” pahayag nito. “I’m in love with you.”

        Natigilan siya. Naguluhan.

        “Then... then why...?” tanong niya.

        “Bakit ayokong may mangyari sa atin?” pagtatapos ni GM sa kanyang katanungan. “Dahil napakabata mo pa. Kung itatali na kita sa isang relasyon ngayon, para kong nilimitahan ang mga maaari mo pang maranasan sa buhay. Malay natin kung may iba ka pa sanang magustuhan? O kung bukas-makalawa ay magising kang ayaw mo na sa akin? Pagkatapos magi-guilty kang kumalas.”

        “You don’t trust me?” may paghihinanakit na sambit ni Hiyas.

        “Hindi sa ganoon,” iling ng binata. “Ayoko lang na sagkaan ang kalayaan mo.”

        “Bakit? Ang pagkakaroon ba ng relasyon ay pagsagka sa kalayaan?” tanong ni Hiyas. “Hindi ganoon ang intindi ko roon. Ang alam ko, malaya pa rin ang dalawang taong magkarelasyon. Malayang gumawa ng sariling mga desisyon. Ang pag-ibig na lang nila sa isa’t isa ang magiging gabay sa kung anong desisyon ang kanilang gagawin.”

        “Kung minsan, masyado kang mature mag-isip,” iling ni GM. “Kaya tuloy madalas kong makalimutan ang malaking agwat ng mga edad natin.”

        “Pero hindi ako kasing mature ni Krizha,” mapait na pakli ni Hiyas. “Huwag mo nang iligaw ang usapan. I’m no match for her. Iyon naman ang ugat ng lahat ng ito, hindi ba?”

        “Si Krizha na naman?” kunot-noong sabi ni GM. “Maniwala ka, Hiyas, kaibigan ko lang siya. There’s nothing more between us.”

        “Sa ganda niyang iyon?” sagot ni dalaga.

        “Attractive nga siyang tingnan pero may malalim na problema si Krizha,” paliwanag ni GM. “She’s frigid. She doesn’t want to have any relationship with any man. It’s a secret she entrusted to me as her closest friend. At binigyan niya ako ng permiso na sabihin sa iyo. Kaya imposible ang lahat ng iniisip mo tungkol sa amin.”

        Napamaang si Hiyas.

        “You, on the other hand, are a very desirable and responsive woman,” nakangiting pagpapatuloy ni GM habang hinahaplos ng hintuturo ang kanyang baba. “Idagdag pa roon ang iyong katalinuhang abante sa iyong murang edad, ang iyong pagiging sweet and lovable...”

        Lumamlam ang mukha ni Hiyas.

        “Then why won’t you have me?” tanong niya sa kaharap.

        “Ayokong magsisi ka sa bandang huli,” malungkot na sagot ng binata. “I’d rather we wait until you’ve experienced more of the world. Kung pagdating ng panahon, ako pa rin ang gusto mo, then I’ll be the happiest man alive.”

        “Paano kung bukas-makalawa ay may mangyari sa isa sa atin?” hamon ni Hiyas. “Hindi ba mas pagsisisihan nating hindi natin sinamantala ang bawat pagkakataong maaari sana tayong maging maligaya sa piling ng isa’t isa?”

        Si GM naman ang napatda.

        “Hindi naman mahalaga ang agwat ng edad natin,” pagpapatuloy ni Hiyas. “I know what I’m feeling right now. I love you. I want to be with you. Ikaw ang kaligayahan ko. Kahit na sino pa ang makilala kong lalaki, hindi mababago ito. Papatunayan ko sa iyo – pero habang magkasama na tayo. Huwag mo namang itakdang kailangan pa tayong magkalayo para lang mapatunayan nating alam ko na ang sinasabi ko.”

        Umiling si GM.

        “Hindi ko naisip iyon,” amin nito. “Ako nga ang maraming natutunan sa iyo. Nakakatakot ngang isipin na maaring bukas-makalawa ay mawala na lang bigla ang isa sa atin sa mundong ito. I never thought of that.”

        Tiningnan siya nito nang matiim.

“Ayoko palang makipagpustahan sa kapalaran. Tama ka. Ibinigay na sa atin ang pagkakataong ito para magkasama. Let’s not waste another moment.”

        Bumaha ang pag-asa sa mukha ng dalaga.

        “You mean...?” bulalas niya.

        “I mean you’re right, my love,” nakangiting sagot ni GM. “This is it. You and me. For keeps. It means you’ll have to marry this old man.”

        “Yes!” nakangiting pahayag ni Hiyas, sabay yakap sa binata. “Yes, yes, yes!”

        Nagtatawanang nagpaikut-ikot sila sa salas. Magkayakap pa rin.

        Nang tumigil sila, seryosong humingi ng tawad si GM.

        “I was a fool,” amin nito. “Can you forgive me? Hinding-hindi ko ginustong saktan ka.”

        Lumabi si Hiyas.

        “Pinaiyak mo ako nang husto,” panunumbat niya. “Kanina, nagunaw na ang buong mundo ko. Kita mo nga, namumugto pa itong mga mata ko.”

        “I’m sorry,” sabi ni GM. “Pipilitin kong hindi na kita mapaiyak uli, kahit kailan. How can I make it up to you?”

        Napangiti na si Hiyas.

        “Mahirap bang isipin kung  paano?” sagot niya.

        Napangiti na rin ang binata. At pinangko  na siya nito para dalhin sa kuwarto.

 

NAG-UUNAHAN sila sa pag-alis ng saplot ng isa’t isa. At bago pa man makarating sa higaan ay magkayakap na sila nang mahigpit. Magkahinang ang mga labi.

        Pakiramdam ni Hiyas, walang panahong namagitan sa naganap sa kanila kagabi at sa ipagpapatuloy nila ngayon. Ganoon na agad katindi ang kanyang kahandaan. Lalo na nang makita niya ang makapigil-hiningang kahubdan ng katipan. At nang magdikit ang kanilang mga katawan.

        Nararamdaman din niya sa tapat ng kanyang puson ang  pruwebang ganoon din ang kalagayan ni GM.

        “GM,” bulong niya rito. “Hindi mo na kailangang patagalin pa... I’m ready...”

        “No,” iling nito. “It’s your first time. Kailangang maging memorable ito. Kailangang handang-handa ka.”

        “GM!” paanas na pilit niya. “Alam  ko ang gusto ko. Kagabi pa ako handang-handa na. Please!”

        Parang nanunuksong inalam pa muna ng mga daliri nito ang kanyang kahandaan.

        “GM...!” daing ni Hiyas.

        “Okay...” habol na rin ang hiningang sagot ng binata.

        Mabilis itong kumilos. Kumalas sa kanya. Hinatak ang silyang nasa tapat ng writing desk. Iniharap iyon sa full-length mirror. Pagkatapos ay naupo si GM.

        “Come here,” tawag nito sa kanya.

        Nagtatakang lumapit siya.

        Hinila siya nito nang paupo sa kandungan, paharap din sa salamin.

        “Panoorin mo tayo,” bulong nito sa kanyang tainga. “Itutuloy natin ang naudlot kagabi.”

        Hinagkan siya nito sa gilid ng leeg, habang ang dalawang kamay nito’y gumala sa kanyang katawan.

        Awtomatikong bumagsak ang mga talukap ng mga mata ni Hiyas. Pero pinilit niyang ituon ang kanyang paningin sa salamin.

        Nakakapagdeliryo nga ang kanilang repleksiyon. Lalong umiigting ang sensasyong dala ng mga labi at daliri ni GM habang pinapanood niya ang ginagawa nito sa kanyang kahubdan. Sa kanyang kaselanan.

        Kaybilis ng naging reaksiyon ni Hiyas. Naroon na agad siya sa bingit ng kaganapan.

        “GM!” nagmamadaling tawag niya.

        “I’m here,” sagot ng katipan.

        Kasabay niyon ay hinawakan siya nito sa beywang at bahagyang inalsa. Nang ibaba siya nito’y sinaubong naman siya ng malakas na tulos.

        Isang munting tili ang kumawala sa kanyang bibig.

        Tiling naging sunud-sunod na mga daing.

        Paputul-putol na ang mga pagnakaw niya ng sulyap sa salamin. Sa pagitan kasi ng mga sulyap ay parang nawawala siya sa sarili.

        Nararamdaman niya ang mga daliri ni GM na inuulit ang ginawa nito kagabi. Kasabay ng ritmo ng magkasanib na nilang mga katawan.

        Ay, hindi yata niya makakayanan ang mga sensasyong iyon. Kuryenteng nanunuot sa bawat himaymay ng kanyang laman. Nilulukob ang kanyang pagkatao.

        Isang malakas na panaghoy ang kanyang binitiwan.

        Kasabay ng gigil na pagkagat ni GM sa gilid ng kanyang leeg.

        Kagat na unti-unting naging masuyong halik, habang ang kanyang panaghoy ay unti-unting naging paghahabol ng hininga.

        Pareho silang napatingin sa salamin. Doon nagtama ang kanilang mga mata.

        Pareho silang napangiti.

        “I love you,” bulong ni GM.

        “I love you,” sagot ni Hiyas.

        At bumaling sila sa isa’t isa para magsalo sa isang mainit na halik.

        Ang larawan nilang iyon sa salamin ay habampanahon nang nakakintal sa puso’t isipan ng magkatipan.

EPILOGO

“ABA’Y kinagalitan ko nang husto si GM,” pagkukuwento ni Marina sa kumare. “Biro mo, ako pa naman ang kumumbinse sa inyo na payagan si Hiyas na mag-extend ng stay sa Maynila. Ako pa ang nag-volunteer na doon patirahin si Hiyas sa condo unit niya. Pagkatapos, ganoon ang nangyari.”

        “Nakatikim din naman ng katakut-takot na sermon sa akin si babae,” sagot ni Puri. “Naku, hindi ko akalaing nawala lang ako sa tabi niya ay ganoon na ang mangyayari.”

        “May binanggit ba kung buntis na siya?” tanong ni Marina.

        “Iyon nga agad ang inalam ko, e,” sabi ni Puri.

        “Kailangang makasal na sila agad,” sabi ni Marina.

        “Inaasikaso na nga nila ang mga papeles sa city hall,” sagot ni Puri. “Pati na rin ang pagpapareserba sa simbahan at reception place. Bahala na raw sila sa lahat. Tamang-tama lang iyon pagdating natin doon.”

        “Kailan kaya tayo magkakaapo, ‘Mare?” hindi na maitago ang kasiyahang tanong ni Marina.

        “Hay, sana nga malapit na,” kinikilig ding sagot ni Puri.

        “Hayun, bumigay din,” natatawang kantiyaw ni Lando sa dalawa.

        “Kunwari pa nagagalit kayo,” sabi rin ni Gerry. “Aminin na ninyong matagal na ninyong ipinagdarasal na maging magbalae tayong apat.”

        Nagkabungisngisan na lang ang magkumareng Marina at Puri.

WAKAS

Basahin ang kwento ng pag-ibig ng

matalik na kaibigan ni GM sa

Abakada ng Pag-ibig:Krizha

(Kapag hindi lumabas ang kasunod na chapter pagkatapos nito, pindutin ang > o kaya’y ang Mga Lumang Mga Post na link.)

(Link sa listahan ng iba pang mga nobela.)

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento