Click Below to Find Titles to Read

List of Free Maia Jose Novels to Read

Sabado, Abril 15, 2023

Abakada ng Pag-ibig: IRENE Chapter 10

FREE TAGALOG ROMANCE NOVELS

CHAPTER 10

ISANG linggo pa uling nagdusa si Irene. Isang linggo ng “pormal na panliligaw” ni Ding.

        Lagi na silang iniiwan ng pamilya pagkatapos makapaghapunan.

        Pero natakot yata ang binata sa kamuntik nang maganap sa kanila sa balkonahe kung kaya’t naging mas lalo pa itong maingat. Ayaw na ngang lumabas ng balkon. Lagi na lang silang sa salas nag-uusap.

        Nagkasya na lang si Irene sa kanilang pagkukuwentuhan. Kung sabagay, kayrami naman nilang napagkuwentuhan. Totoo ngang mas nakilala nila ang isa’t isa.

        Bitin pa ang dalaga kapag nagpapaalam na si Ding. Pagpatak kasi ng alas-diyes ay talagang umuuwi na ito.

        Panay ang kantiyaw at panunukso sa kanya sa bahay. Talaga raw masugid at determinado ang kanyang manliligaw. Hindi lang masabi ni Irene na natotorpehan pa nga siya rito.

        Kung maaari nga lang sana, gusto na niyang sagutin si Ding. Gusto na niyang dalhin sa mas mataas na antas ang kanilang relasyon. Iyong wala nang mga de-numerong pagkilos. Wala nang mga inhibisyon.

        Pero paano naman niyang magagawa iyon samantalang hindi naman ito uli nagtatapat o nagtatanong. Pinangatawanan na talaga nito ang pagbibigay sa kanya ng panahon.

        Dumating ang kaarawan ni Lola Fe.

        Bisperas pa lang ay may asalto na sa hatinggabi. Pinangunahan iyon ng mga dating co-teachers ng celebrant. Pero siyempre, naroon din si Ding.

        Katakut-takot na panunukso na naman ang tinanggap ni Irene maging mula sa mga kaibigan ni Lola Fe na noon lang ipinakilala sa kanya. Laganap na kasi sa buong Paraiso ang kaalamang nagkasundo na ang pamilya Castillo at pamilya Amores, at masugid na nanliligaw kay Irene si Ding Amores.

        Inabot ng alas-singko ng umaga ang kasayahan. Alas-sais na nang umalis si Ding. Tumulong pa kasi ito sa pagliligpit.

        “Anong oras ang paghahango ng prawns at bangus?” tanong nito bago umalis.

        “Mamayang mga alas-diyes,” sagot ni Rodie.

        “Tutuloy na ako roon,” pangako ni Ding.

        “Hindi na ba kayo matutulog?” tanong ni Irene.

        “Pupuwede pa namang umidlip sandali,” sagot ni Ding. “Ikaw ang matulog na. Hindi ka naman kailangan sa farm.”

        “Tutulungan ko ring mag-decorate si Lorraine pero mamayang pagkapananghalian pa iyon,” sagot ni Irene.

        “Iyong roasted calf naman ang aasikasuhin namin ni Ronnie mamayang hapon,” sabi ni Ding.

        “Uy, magpahinga ka naman,” saway ni Irene. “Baka mamaya niyan, sa party ka pa hindi makarating.”

        “Ang sarap namang pakinggan ng concern mo,” nakangiting sabi ni Ding. “But don’t worry. Kayang-kaya ito.”

        “Sige na nga, umuwi ka na,” iling na lang ni Irene. “Habang tumatakbo ang oras, nauubusan kang lalo ng panahon para magpahinga.”

        “See you,” paalam ni Ding.

 

HINDI na uli sila nagkita nang maghapon. Hindi pa nakabalik si Ding sa bahay. Sa farm kasi gagawin ang lahat ng pagluluto. Ihahatid na lang sa bahay sa gabi ang pagkain.

        Naging abala naman si Irene sa pagtulong kay Lorraine sa pag-aayos ng bakuran pagkapananghalian. Sa bakuran kasi gaganapin ang handaan. Punung-puno ng mga mesa’t upuan ang maluwang na solar at pati na rin ang kalye sa tapat ng bahay. Punung-puno rin ng bulaklak ang buong paligid. May mga firefly lights pang nakapalamuti sa mga puno.

        Alas-sais dapat na magsimula ang pagtitipon. Kaya naman alas-tres pa lang ay nagpahinga na sina Irene. Alas-kuwatro ay naligo na sila at nagsimulang mag-ayos ng sarili.

        Noon lang ikinatuwa ng dalaga ang ginawang pamimilit sa kanya ni Lola Fe na dalhin sa Paraiso ang pinakamaganda niyang evening gown. Minsan pa lang niya iyon nagamit – sa pagsama sa awards night kung saan nagwagi bilang best actor ang kanyang Kuya Bobby.

        Ayaw pa nga sana niyang dalhin ang gown. Wala siyang balak na magsuot ng ganoon sa Paraiso. Tama na ang simpleng bestida lang. Pero parang magtatampo na si Lola Fe.

        “Minsan lang naman ako maghahanda nang ganoon kalaki para sa birthday ko,” sabi nito. “At siyempre, gusto kong maging magandang-maganda ka kapag iprinisinta kita sa mga kaibigan ko doon. Pagbigyan mo na ako.”

        Mabuti na lang, napapayag siya.

        Ngayon, gustung-gusto niya ang choice ni Lola Fe.  Alam niyang napakaganda nga niya sa gown na iyon. Siguradong matutulala si Ding.

        Balak talaga niyang tarantahin ang binata sa gabing ito. Kailangang makapagtapat uli ito ng pag-ibig. At hindi na niya palalampasin ang pagkakataong iyon. Sasagutin na niya agad si Ding.

        Kung mas susuwertehin siya’y baka matuloy na nga ang naudlot nilang halik sa balkonahe.

        Kaya nga nagpaganda nang husto si Irene. Iningatan niya ang paglalagay ng make-up. Iyong tamang-tama lang para lalong tumingkad ang kanyang kariktan. Iyong parang wala rin siyang make-up.

        Pagdating ng alas-sais ay handa na ang lahat. Nakahain na ang pagkain sa mga mesang mahahaba, binabantayan ng mga unipormadong waiters na sadyang inupahan para sa okasyon. Nakaantabay na ang banda na handang tumugtog nang mula waltz hanggang reggae.

        Sa may bukana ng bakuran ay nangakahilera na sina Lolo Ado, Lola Lorena, Lola Fe, Irene, Lorraine, Rodie at Ronnie. Sinasalubong ang dumarating na mga bisita.

        Inaasahan ni Irene na isa sa mga unang darating si Ding. Pero marami nang nauna sa binata.

        Bandang alas-siyete ay sinimulan na ang kainan.  Wala pa rin si Ding. Nabahala na si Irene.

        “Kumusta ba siya kanina, Kuya Ronnie?” tanong na niya. “Kayo ang huling nagkasama, di ba?”

        “Okey naman siya,” sagot ni Ronnie. “Mga alas-singko nga kami naghiwalay. Tuluy-tuloy na ako rito para ihatid ang pagkain, maligo at magbihis. Pauwi naman siya.”

        “Baka kung ano na ang nangyari sa kanya sa daan,” pag-aalala ni Irene.

        “Huwag ka ngang mag-isip nang ganyan,” saway ni Rodie. “Kung may nangyari mang ganoon, dapat ay kanina pa natin nalaman. Hindi naman isolated ang mga daraanan ni Ding.  Siguradong may makakakita agad sa kanya. Baka nakatulog lang iyon sa sobrang puyat at pagod.”

        “Kasi naman, e,” nakalabing sabi ni Irene.

        “Hmmm, wala lang si Ding, hindi ka na makapag-enjoy,” tukso ni Lorraine. “Hindi ka pa nga yata kumakain. Iba na ‘yan. In love ka na rin, ano?”

        “A, ewan,” ingos niya.

        Nagtatawanan pa ang magkakapatid nang talikuran niya’t iwan.

        Alas-siyete’y medya na nang mamataan ni Irene na papasok ng bakuran si Ding. Hindi ito sa harap dumaan. Sumingit lang sa pagitan ng mga halamang nakabakod sa tabi ng bahay.

        Ang nakapagtataka pa’y hindi ito nakabihis nang pormal na pormal. Barong sana ang inaasahan ni Irene na suot nito. O kaya’y long-sleeve shirt man lang na may kurbata. Sa halip ay naka-pull-over sweater lang si Ding. Ipinares sa slacks. Mabuti na nga lang at medyo may pagka-pormal na rin ang kulay ng pares na krema.

        Kakaiba ang ekspresyon sa mukha ng binata. Masyadong intense. At parang may hinahanap.

        Si Irene na ang lumapit kay Ding. Pinuntahan na niya ito bago pa man makarating sa karamihan ng tao.

        “O, bakit ngayon ka lang?” tanong agad niya. Nang makita siya ng binata ay agad siyang hinawakan nito sa kamay.

        Nabigla si Irene. Magmula kasi nang pormal na manligaw sa kanya si Ding ay hindi na siya nito hinawakan kahit sa dulo man lang ng kanyang mga daliri – liban na nga lang noong mabigla ito sa pagsagip sa kanya sa balkonahe. Ngayo’y kayhigpit ng pagkakahawak ng binata sa kanyang kamay.

        “Bakit?” nalilitong tanong niya. “Ano’ng problema?”

        “Let’s go somewhere private,” sagot ni Ding.

        “Tena sa itaas,” sabi niya. “Sa likod na tayo magdaan.”

        Agad na humakbang si Ding patungo sa direksiyong iyon. Malalaki ang mga hakbang nito. Nagmamadali. Nahirapan nga siyang sumabay. Naka-high heels pa naman siya.

        Nakapanhik sila nang walang nakakasalubong. Nasa harap kasi ng bahay ang lahat ng tao, pati na ang mga katulong.

        Akala ni Irene ay puwede na silang mag-usap sa kusina. Hindi pa pala.

        “Doon tayo sa kuwarto mo,” hiling ni Ding.

        “Ha?” sagot niya. 

        “Nasaan ang kuwarto mo?” tanong nito.

        “Doon,” sagot niyang nagmuwestra.

        Iginiya siya ng binata patungo roon. Ito pa ang nagbukas ng pinto at nang makapasok sila’y agad nitong ikinandado iyon.

        “Bakit ba?” tanong uli ni Irene. “Ano ba’ng nangyayari sa iyo?”

        Humugot ng malalim na buntonghininga si Ding. Nakatitig sa kanya nang halos mag-apoy na sa kung anong emosyon ang mga mata.

        “Ding... ano’ng nangyayari sa iyo?” parang pagmamakaawa na ni Irene.

        “Kaninang pagkapaligo ko, naidlip muna ako bago nagbihis,” sagot ng binata. “At nanaginip ako. Napanaginipan ko si Lolo Carding at ang Lola Irenea mo.”

        Natigilan si Irene.

        “Napanaginipan kong galing sila sa flower shop, pero hindi pa flower shop iyon noon,” pagpapatuloy ni Ding. “Bahay pa ng parents ni Irenea. Tumatakas sila sa kalagitnaan ng gabi. Pumunta sa dampa.”

        Napalunok si Irene.

        “May nangyari sa kanila sa dampa. Bago ikasal ang Lola mo sa Lolo mo,” mariing sabi ni Ding.

        Tumango si Irene.

        “Alam ko,” halos pabulong niyang sagot.

        Kumunot ang noo ni Ding.

        “Alam mo?” ulit nito. “Alam mo rin ba na sa panaginip ko, ako si Carding at ikaw si Irenea? At hindi iyon basta panaginip lang, Irene. Iba. Nararamdaman ko...”

        Tumango uli si Irene.

        “Alam ko rin iyon,” sagot pa rin niya. “Ikaw si Carding at ako si Neneng...”

        Si Ding naman ang napatda.

        “Napanaginipan ko rin ‘yon,” paliwanag ni Irene. “Noon pa. Noong unang gabi ko rito sa Paraiso. Pagkatapos nating magkita sa may bus terminal. Kaya nga inabutan mo akong nakatulala sa dampa kinabukasan. Hindi ko akalaing makikita ko in real life ang dampang iyon na nakita ko sa panaginip.”

        “Napanaginipan mo na tayo...” sabi ni Ding.

        Tumango na uli si Irene bago pa man mabuo ang sasabihin ng binata. Pero pulang-pula siya sa pagbabalik ng mga alaalang iyon.

        “Lahat?” tanong ni Ding. “Lahat ng naganap sa pagitan natin?”

        “Lahat,” pabulong na sagot ni Irene.

        “Paano mo ako natiis?” parang nanunumbat na tanong ni Ding. “All this time pala, alam mo na. Samantalang ako, magmula kaninang pagkagising ko, para na akong masisiraan ng bait. Halos liparin ko na ang papunta rito. Ang papunta sa iyo.”

        “A-ano naman kasi ang magagawa ko?” sagot ni Irene. “Inip na inip na nga ako na ligawan mo ako. Noong manligaw ka naman, gusto na sana kitang sagutin pero baka ka ma-shock. Napakapormal mo naman kasi. Ni ayaw mo akong hagkan noon sa balkonahe...”

        Siya naman ngayon ang nanunumbat.

        Bigla siyang kinabig at niyakap ni Ding.

        “Hindi na ngayon,” sabi ng binata. “Hindi na ako maghihintay. Sobra na ang ating ipinaghintay. Aangkinin ko na ang akin.”

        “Ding...” puno ng pag-asam na bulong ni Irene.

        Mapusok na halik ang itinugon sa kanya ng binata.

        Ito na. Ito na nga ang kaytagal niyang hinintay.

        Unang pagtatagpo pa lang ng kanilang mga labi pero kilalang-kilala na nila ang isa’t isa. Ganoong-ganoon din ang dati nilang mga halik. Ang dati nilang pananabik sa isa’t isa.

        Kapwa sila nagmamadali. Parang naghahabol ng panahon.

        Gumapang ang mga labi ni Ding pababa sa kanyang leeg habang ibinababa naman nito ang harapan ng kanyang damit. Mayamaya lang ay sapo na ng mga palad nito ang magkabila niyang dibdib. Hinahaplos ng mga hinlalaki nito ang nagngangalit niyang mga dunggot.

        Lumakas ang daing ni Irene.

        Alam niya ang pinatutunayan ni Ding. Inuulit nito ang naganap sa kanilang magkatulad na panaginip.

        Kasunod na niyon ang bibig ng kanyang katipan. Nanunuyo. Tumitikim. Sumisimsim. Muling nang-aangkin sa kusa naman niyang iniaalay.

        “Ding...” taghoy ni Irene.

        Isinandal siya nito sa pinto. Ganap na inilaglag sa sahig ang kanyang gown. Kasunod ang kanyang mga panloob. At nang ganap na siyang mahubda ay saglit muna siya nitong pinagmasdan.

        “Mas maganda ka pa ngayon,” sabi ni Ding bago ito lumuhod sa kanyang harapan.

        Napakagat-labi si Irene nang madama niya ang unang dampi ng bibig ng katipan sa kanyang kaselanan. Alam na rin niya ang kasunod.

        At kamuntik na nga siyang mapahiyaw sa ipinadama nitong mga sensasyon. Halos magdugo na ang kanyang mga labi sa pagkakakagat niya para lang mapigil ang sariling pag-iingay. Naghahagilap ng makakapitan ang kanyang mga palad. Bakit ba kasi walang poste dito?

        Patindi nang patindi ang kanyang nadarama. Hanggang sa mapatingkayad na siya uli at mapaliyad sa kaganapan.

        “Ding...” pagmamakaawa niya.

        Sinalubong naman nito ng yakap ang kanyang panggigipuspos. At pinangko na siya nito patungo sa higaan.

        Hindi niya kinailangang sabihin pero kung bakit parang nahulaan na ng binata kung aling kama ang kanya. Doon siya nito inihiga.

        Habang nag-aalis ng kasuotan si Ding ay sabik din niya itong pinagmamasdan.

        “Mas hunk ka rin ngayon kaysa noon,” nakangiting sabi niya nang yakapin na siya nito sa higaan. “You’re older and much sexier.”

        “Mas voluptous ka naman,” sagot ni Ding habang nilalarong muli ng mga daliri ang kanyang dibdib.

        “Totoo ba itong nangyayari sa atin?” tanong ni Irene. “I mean... noon at ngayon? Is it really possible?”

        “Ewan ko,” amin ni Ding. “Ano pa nga ba ang puwedeng maging explanation sa lahat ng mga ito? Sa napanaginipan natin? Kunsabagay, I don’t care. Basta ang alam ko, mahal na mahal kita. Right now. And forevermore.”

        “Mahal na mahal din kita,” sagot ni Irene. “Now and forever.”

        Naramdaman niyang pinag-isa ni Ding ang kanilang mga katawan. Dahan-dahan. Katulad ng sa panaginip ay kaydulas ng kanilang pagsasanib. Hanggang sa marating ang balakid.

        Nagtama ang kanilang paningin. Pero hindi na nag-alinlangan si Ding. Sinelyuhan nito ng maalab na halik ang kanyang mga labi kasabay ng makapangyarihang tulos na tuluy-tuloy nang nagdala sa kanila sa di mapigil na kaganapan. Kaybilis pero walang kasingsarap na kaganapan na yumanig sa kanilang pagkatao.

        Saka na sila maglulunoy sa mga bisig ng isa’t isa. Kayhaba pa ng kanilang panahon. Magsisimula pa nga lamang muli ang naantala noon.

        Pagkaraan ng sasandaling pahinga, nagyaya si Ding.

        “Magbihis na tayo. Bababa tayo sa party. Magpapaalam tayo sa celebrant dahil may iaanunsiyo tayong kasalan. Pero pagkatapos ng announcement, itatakas na talaga kita. Iuuwi na kita sa bahay natin. Wala nang makapipigil sa akin.”

WAKAS

Basahin ang kwento ng pag-ibig ng

“tita” ni Irene na mas bata pa sa kanya sa

Abakada ng Pag-ibig:Lorraine

(Kapag hindi lumabas ang kasunod na chapter pagkatapos nito, pindutin ang > o kaya’y ang Mga Lumang Mga Post na link.)

(Link sa listahan ng iba pang mga nobela.)

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento