FREE TAGALOG ROMANCE NOVELS
CHAPTER 7
MASAYANG-MASAYA
ang mag-anak na Llamanzares sa ibinalita ni Jules.
Niyakap ni Lyon ang matalik na kaibigan.
“Bayaw!” sabi nito. “Talagang magiging
magkapatid na tayo.”
“Masuwerte ako sa mga bago kong anak,”
sabi naman ni Daddy King.
Si Gwen, maya’t maya ay panay pa rin ang
tili.
“Aaay! Sinasabi ko na nga ba! Bagay na
bagay talaga kayo!”
Kinabukasan, tili rin ang naging
reaksiyon ni Monique sa pagbabalita ni Jolen. Impit nga lang ang tili ng dalaga
dahil nasa campus sila.
“Aaay! Finally! Umamin ka na rin!”
Ganoon din daw kasaya ang mga magulang
ni Jules, pagkukuwento ng binata nang sunduin siya kinahapunan.
“Kaya kailangang iuwi kita roon ngayon,”
sabi ni Jules. “Gusto ka nilang pasalamatan – for accepting me.”
“Bakit naman ganoon? Very deserving ka
naman, a,” sagot niya.
“Hindi siguro sila makapaniwala na napaibig
kita,” sabi ng binata. “Magkaibang-magkaiba kasi tayo, e. Binalaan nga ako ni
Mama na mananagot daw ako sa kanya kapag pinaiyak kita.”
“Hindi mo naman gagawin ‘yon, hindi ba?”
sabi ni Jolen.
“Ako na ang masaktan, huwag lang ikaw,”
sagot ni Jules.
“Aba, ayoko rin naman ng ganoon,” mabilis
na pakli ng dalaga. “Kailangan, pareho tayong masaya. Puwede naman ‘yon, a.”
“That’s what we’ll work for,” tango ni
Jules. “Ipinagpaalam na nga pala kita kay Daddy, ha? Nagpahanda kasi ako ng
espesyal na hapunan sa Arte’t Kape just for the two of us.”
“Akala ko ba, ang Mama’t Papa mo ang
nangungumbida sa akin?” paglilinaw ni Jolen.
“Sandaling kuwentuhan lang ‘yon,” sagot
ng binata. “Alam na rin nila na may exclusive dinner date tayo.”
“Ikaw talaga,” iling ni Julianna. “Sige na,
tayo na.”
Mahigpit na yakap nga ang isinalubong sa
kanya ng mga magulang ni Jules na sina Jim at Fe Hermosa.
“Halika, anak, mag-coffee muna tayo,”
sabi ni Fe. “Light snacks lang ang ipinahanda ko dahil mahigpit ang bilin
nitong nobyo mo na may tutuluyan kayong private dinner date sa kabila.”
“O, tama na, ‘Ma,” awat agad ni Jules.
“Baka maibulalas mo pa ang surprise ko kay Jolen.”
“Surprise?” naiintrigang tanong niya.
“Later,” pakindat na sagot ng katipan.
Matagal ding nagkuwentuhan sina Julianna
at Mama Fe. Ang Papa naman ni Jules ay umalis na pagkaraan ng mahigit
kalahating oras. May aasikasuhin na delivery para sa kusina ng pension house.
Alas-siyete na nang awatin ni Jules ang
ina.
“It’s dinner time, ‘Ma. I’ll have to steal
her away from you.”
“O, sige na nga kayo,” sagot ng matrona.
“Alam kong first official dinner date ninyo ito kaya napakaespesyal. Enjoy
yourselves.”
“SAAN
mo ako dadalhin?” pagtataka ni Julianna nang lampasan pa nila ang ikatlong
palapag ng Arte’t Kape. “Ni hindi ko napansin na may hagdan pa ritong paakyat.
Kailan mo ipinalagay ito?”
“Noon pa,” sagot ni Jules. “Tinakpan
lang namin ng divider at mga halaman itong area ng hagdan kaya hindi naging
kapansin-pansin. Nakatulong pa na lagi namang dim ang lighting ng mga naging activities
dito sa third floor.”
“Bakit kinailangan pang itago itong
hagdan?” tanong ni Jolen. “Saan ba patungo ito?”
“Hindi pa kasi tapos noon ang fourth
level kaya hindi naisabay sa opening sa ibaba,” sagot niJules. “Katatapos nga lang
nito late last week. At ipina-rush ko kanina ang finishing touches para
masorpresa kita ngayong gabi. Tamang-tama ang timing, hindi ba?”
“Naiintriga na ako, a,” sabi ni Jolen.
“Ilang steps na lang,” sagot ng katipan.
“O... ‘ayan... dyaraaan!”
“Wow!” singhap ng dalaga.
Ang bumungad sa kaya sa ibabaw ng hagdan
ay isang roof garden na ang kalagitnaan ay may maluwang na pabilog na gazebo.
At sa gitna ng gazebo ay may nakaayos na pandalawahang mesa na may kandila pang
nakasindi.
“Good evening, Ma’am. Good evening, Sir,”
bati ng unipormadong waiter na kilalang-kilala na niya.
Isa ito sa mga waiter sa ibaba.
“Good evening, Al,” sagot ni Jolen.
“Kasabwat ka pala sa sorpresang ito, ha?”
“For tonight, the roof garden is all
ours,” sabi ni Jules. “Of course, hindi lang ngayong gabi. Anytime we want to,
we can have this place all to ourselves. Kailangan lang na ireserba natin in
advance para hindi mai-book. Ibubukas din kasi natin ito for private
gatherings.”
“Magandang setting nga ito para sa mga
private parties,” sang-ayon ni Jolen.
“Halika, ikutin muna natin bago tayo
maupo,” anyaya ni Jules.
Magkahawak-kamay silang naglakad-lakad
sa pagitan ng mga halaman at mabababang puno ng niyog na nakatanim sa
malalaking paso.
“Ang bango naman dito,” sabi ng dalaga.
“Natural na bango iyon ng mga flowering
plants na ipinalagay ko,” sabi ni Jules. “May dama de noche, may rosal, mayroon
ding roses at sampaguita. Of course, kahit hindi mabango itong mga orchids,
nagdadagdag sila sa visual feast.”
“Oo naman,” tango ni Jolen. “This is a
real feast for all the senses. Pati background music, bagay na bagay. Teka,
saan galing iyong tunog ng mga ibon at parang umaagos na tubig.”
“Kasama ‘yon ng music,” sagot ni Jules.
“May nabibili na talaga ngayon na special music na may background na nature sounds.
Very soothing, hindi ba?”
“This place looks like paradise, smells
like paradise, and even sounds like paradise,” nakangiting sabi ni Jolen. “At
dahil kabisado ko na na ang luto ng chef mo, alam ko ring the food here tastes
like paradise.”
“Paraiso ko na nga ito,” sabi ni Jules
habang pinipisil ang kanyang palad. “Now that you’re here and I know you’re
mine.”
Nang magtama ang kanilang paningin ay
parang nababatubalani na naman sila sa isa’t isa.
Kaya mabilis na iniiwas ni Julianna ang
kanyang mga mata.
“Baka lumamig ang dinner na ihahain ni
Al,” sabi niya.
Natatawang iginiya siya ni Jules patungo
sa gazebo.
“Sige na nga,” sagot nito. “Idadaan ko
na lang sa pagkain.”
Hindi
nagkamali si Jolen. Napakasarap ng hapunang inihain sa kanila. Mula appetizer
hanggang sa dessert ay espesyal.
“Nakakawili talagang kumain dito,” sabi
niya.
“Di kapag ikinasal na tayo,
magpapa-deliver na lang tayo ng meals mula rito,” sagot ni Jules. “Kahit ikaw
pa ang mag-specify in advance ng magiging menu natin.”
“Natatakot ka ba sa kalalabasan ng
pagluluto ko?” pabirong tanong ng dalaga.
“Of course not,” mabilis na pakli ng
katipan. “Kung ipagluluto mo ako, iyon ang pinakamasarap. Ang ibig ko lang
namang sabihin kanina, ayokong pagurin ka pa sa kusina. Ayokong magluluto ka
dahil iniisip mong obligasyon mo iyon. Kung magluto ka man, gusto ko, iyong for
the fun of it. Iyong hindi ka mahihirapan.”
“Kung sabagay, hindi nga ako masyadong
marunong magluto,” amin ni Jolen. “Hindi ko rin nakahiligan iyan. Hindi naman
kasi ako lumaki na may Mommy na nagluluto sa bahay, e.”
“Then you won’t have to do it,” sabi ni
Jules. “I promise.”
Natapos si Al sa pagliligpit ng kanilang
pinagkanan.
“Ibababa ko na ito, Sir,” paalam ng
waiter. “Anything else?”
“Okay na, Al,” sagot ni Jules. “Bahala
na kami rito. Thanks.”
“Sige ho,” sabi ng waiter. “Sige,
Ma’am.”
At iniwan na sila nito.
“Mabigat ang nakain ko,” sabi ni Jules.
“Okay lang ba sa iyo kung maglakad-lakad uli tayo?”
“Mabuti pa nga,” sang-ayon ni Jolen.
“Nabusog din ako, e.”
Nang naglalakad na sila nang
magkahawak-kamay, may iminungkahi na naman ang binata.
“Maganda ang setting. Maganda ang music.
Puwede ba tayong magsayaw? Our very first dance.”
“Hindi ako marunong,” sagot niya. “Would
you believe, hindi pa ako nakikipagsayaw kaninuman? Hindi naman kasi ako
mahilig pumunta sa mga parties, e.”
“There’s nothing to learn,” sabi ni
Jules. “Just relax and follow my lead.”
“Sige,” sagot niya.
Kinuha ni Jules ang dalawa niyang kamay
at inilagay nang payakap sa leeg nito.
“G-ganito ba talaga?” kinakabahang
tanong ni Jolen.
“Ganito talaga,” nakangiting sagot ng
katipan habang kinakabig siya sa beywang. “Kahit itanong mo pa sa Kuya mo.”
Dahil sa higpit ng kabig ni Jules ay
nagdikit ang kanilang mga katawan.
Conscious na conscious si Jolen kaya
hindi siya makatingin sa binata. Lalo pa dahl halos magdikit na rin ang
kanilang mga mukha.
Yumuko na lang siya at tumutok sa
balikat ng katipan.
Mayamaya’y naramdaman niya ang pagdikit
ng pisngi ni Jules sa pisngi niya.
“Just relax and flow with me,” bulong nito.
Parang kinikiliti ng mainit nitong
hininga ang kanyang tainga.
Dahan-dahan silang gumalaw nang naaayon
sa malamyos na musika. Pero sa bawat paggalaw nila ay lalong nadama ni Jolen
ang pagkakalapat ng kanilang mga katawan sa isa’t isa. Sa bawat paggalaw nila
ay parang lalo namang humihigpit ang pagkakayakap ni Jules sa kanya.
Dalawa ang maaari niyang pagpilian – ang
kumalas o ang magpatianod.
Pumikit si Julianna. Kaysarap ng
pakiramdam ng mabihag sa mga bisig ni Jules. Kaysarap sumandal nang ganap sa
balikat nito, sa dibdib, sa buo nitong katawan na parang singtibay ng moog.
Napabuntonghininga ang dalaga. Dito na
muna siya. Nanamnamin na muna niya ang sarap ng mga sandaling ito.
Naging ganap ang pagkakayakap niya sa katipan.
Singhigpit na rin ng pagkakayakap nito sa kanya.
Mayamaya’y naramdaman niyang hinahagkan
siya nito sa buhok. Sa sentido. Sa noo.
Halik na masuyo. Malambing.
Magagawa ba niyang tumanggi?
Ang buong pagkatao ni Julianna ay
tumutugon. Naghihintay pa nang may antisipasyon.
Hinagkan siya ni Jules sa talukap ng
kanyang mga mata. Sa tungki ng kanyang ilong. Sa magkabilang pisngi.
Nang makarating ito sa kanyang mga labi
ay handa nang sumalubong si Julianna.
Hanggang sa pagdidikit lang naman ng
kanilang mga labi ang alam niyang gawin.
Pero agad siyang tinuruan ni Jules ng
iba pa. Ng kung paano titikman nang paunti-unti ang mga labi ng isa’t isa.
Parang tumitikim ng sorbetes na tinitipid at sadyang pinatatagal.
Nakadama si Jolen ng kakaibang kislot mula
sa ubod ng kanyang pagkatao. Isang kakaibang kuryenteng sa simula’y paunti-unti
pero pabilis nang pabilis na rumaragasa sa kanyang katawan at kamalayan
hanggang sa sabay na sumambulat sa kanyang puso, isip at katawan.
Isang impit na panaghoy ang kumawala mula
sa kanyang mga labing bihag pa rin ng katipan. Humigpit ang kanyang
pagkakayakap sa leeg nito, maging ang pagkakasabunot ng kanyang mga kamay sa
buhok nito. Saglit siyang napuno ng tensiyon, para pagkatapos ay manggipuspos
at mangatal. Pakiramdam niya’y wala nang natirang lakas sa kanyang katawan.
Kung hindi sa pagkakayakap sa kanya ni
Jules ay baka tuluyan na siyang napahandusay.
Kusang naghiwalay ang kanilang mga labi.
Sumubsob ang mukha ni Jolen sa may leeg ng katipan.
Parang wala siya sa sarili. Hindi niya
alam kung ano ‘yong rumagasa sa kanya. Parang ipu-ipong sobrang
makapangyarihan.
“Just relax...” bulong ni Jules.
Unti-unting bumalik ang linaw sa
kamalayan ni Jolen. At bigla, para siyang napahiya sa naganap.
Kumalas siya sa binata.
Bahagya pa nga siyang gumewang. Naagapan
lang siya nitong alalayan sa siko.
“Dahan-dahan ka muna,” pag-aalala ni
Jules.
“I’m fine,” sabi niya habang
disimuladong kumakalas uli sa pagkakahawak nito.
“Jolen...” nakakahalata nang sabi ng
binata.
Tumalikod siya. Lumakad
palayo.
Parang gusto niya itong takasan.
Pagtaguan.
Humabol si Jules.
“Jolen... talk to me,” pakiusap nito.
“What’s wrong? Akala ko... akala ko kasi...”
Hindi maituloy ng binata ang sasabihin.
Parang isinasaalang-alang ang kanyang damdamin.
Oo nga naman, sabi ni Jolen sa kanyang
sarili. Bumigay naman siya, hindi ba? Hindi naman siya pumalag. Wala namang
kasalanan sa kanya ang binata.
Hindi naman niya ito sinisisi, e. Hiyang-hiya
lang talaga siya sa naganap.
“Jolen...” sabi uli ni Jules.
“H-hindi naman ako galit, e,” sagot
niyang hindi tumitingin dito.
Pinigil na siya ng katipan sa siko.
Pareho silang natigil sa paglalakad.
“Kung hindi ka galit, then what?” tanong
ni Jules. “Let’s talk about it.”
“N-nahihiya ako, e,” amin na niya sa
hindi halos marinig na tinig.
Napabuntonghininga ang binata.
“Sweetheart, there’s nothing to be
ashamed of,” sabi nito pagkaraka. “This is just between the two of us. And
we’re in love, remember? When two people are in love, they hug and they kiss.
And sometimes, there are fireworks. Kung minsan, more than just fireworks.”
“B-but it was just... it was just a
kiss,” sabi pa niya. “Bakit ganoon?”
“O... o... don’t panic,” awat ni Jules.
“Of course, it was just a kiss. Nothing more. And, usually, something like that
doesn’t happen with just a kiss. Maybe you’re just very sensitive. Maaaring
matindi rin talaga ang chemistry natin. Remember what happened last night? And
can you imagine what can happen when we do more than just kiss?”
Nanunukso ang ngiti ni Jules.
Pero lalo pang nataranta si Jolen.
“Uuwi na ako, Jules,” sabi niya habang
humahakbang na nang paatras.
“Teka,” mabilis na awat ng katipan.
“Sweetheart, natatakot ka ba sa akin?”
Umiling siya.
Hindi kumbinsido ang binata.
“Jolen, I’ll never take advantage of
you,” parang nagtatampo nang sabi nito. “All you have to do is say no.”
“Alam ko,” sagot niya. “I trust you. But
what if... what if I forget to say no? I... I don’t think I can trust myself
anymore.”
“So what?” sabi ng binata. “There’s
nothing to feel guilty about. We’re in love.”
Umiling si Julianna.
“Hindi ganyan ang nakalakhan kong
katwiran,” sagot niya. “Hindi ko maiwasang ma-guilty. I feel all mixed up and confused.”
“Okay, I understand,” tango ni Jules.
“Ayoko rin namang ma-pressure ka. Let’s sort this out together. Just don’t shut
me out. We’ll do whatever’s comfortable for you.”
“Let’s... let’s just play it safe muna,
Jules,” pakiusap ni Jolen. “Please.”
“Of course,” sang-ayon ng binata.
(Kapag hindi
lumabas ang kasunod na chapter pagkatapos nito, pindutin ang > o
kaya’y ang Mga Lumang Mga Post na link.)
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento