FREE TAGALOG ROMANCE NOVELS
CHAPTER 7
WALANG pinagkuwentuhan
si Lorraine sa naging pagkikita nila ni Adan. Unang-una’y alam niyang magwawala
ang kanyang Papa at dalawang Kuya kahit malaman lang na magkasama sila sa
cottage na silang dalawa lang.
Kahit kay Odette ay nahihiya siyang
magtapat. Iba pala iyong pinagkukuwentuhan nila iyong mga nababasa nila sa
nobela. Iba na kapag totoong nagaganap sa kanya. Hindi na niya kayang ibahagi
kaninuman. Sa kanila lang ni Adan iyon.
Kung may makakaunawa man sa kanya,
walang iba kundi si Irene. Pero ayaw rin niyang magsabi kay Irene. Hindi naman
kasi siya sigurado kung ano ang intensiyon sa kanya ni Adan.
Malaki pa ring katanungan iyon para kay
Lorraine. Na alam niyang dapat sana niyang linawin.
Sa kabilang banda, ayaw rin niyang
itanong. Parang ayaw niyang malaman ang kasagutan.
Kung may tunay na pagtingin sa kanya si
Adan, kung marangal ang intensiyon nito at sadyang mabilis lang ang binata,
malalaman din naman niya sa malao’t madali.
Pero kung... kung nagkataong ang
lalaking ito ay sadyang mapangahas lang, na walang ibang kahulugan para dito
ang naganap sa kanila kundi isang laro – ayaw na niyang malaman ang totoo.
Kusang ipinikit ni Lorraine ang kanyang
mga mata. Nakapagpasya na kasi siya.
Ngayon lang siya nakadama ng ganito. At
may palagay siyang hindi na niya madarama ang ganito sa buong buhay niya. Wala
na siyang makikilalang lalaki na katulad ni Adan. Na maghahatid ng excitement
na tulad ng dala ni Adan. Kaya’t magsasamantala na siya sa pagkakataon.
Sa palagay ni Lorraine ay nasa edad na
siya. Twenty-two. Hawak na niya ang sarili niyang kapalaran. Ang sarili niyang
kinabukasan. Ang sarili niyang puso, isip at katawan. Siya lang ang dapat na
magdesisyon sa bawat magaganap sa kanya.
At ang pasya niya ngayon ay ang
pagbigyan ang kanyang damdamin.
Gusto niyang maranasan ang lahat ng
maaari niyang maranasan sa piling ni Adan Amor. Sapat na iyong malaman niyang
gusto siya nito – kahit sa pisikal na aspeto lamang. Hindi na bale kahit wala
silang pag-usapang pangmatagalang relasyon. Pagkakasyahin na niya ang isang
buwang pananatili nito sa Paraiso.
Kailangan lang nilang
magpakaingat-ingat. Hindi ito dapat malaman ninuman. Manganganib ang buhay ni
Adan sa kanyang pamilya.
Pagkatapos ng lahat, kapag kinailangan
nang umalis ni Adan, kakayanin niya.
Hindi niya alam kung sa hinaharap ay
pipiliin niya pa ring magpakasal sa kung sino na lang sa kanyang manliligaw. O
kung mananatili na lamang siyang dalaga. Saka na niya pag-iisipan iyon.
Ang mahalaga’y hindi mananatiling
hungkag sa karanasan ang kanyang buhay. Kukulayan niya ito. Lahat ng kulay na
kayang ipinta sa mga susunod na mga araw.
ALAS-ONSE ng
tanghali. Nagulat si Lorraine nang dumating sa flower shop si Adan.
“Hi, beautiful,” bungad agad nito sa
kanya pagpasok pa lang sa pinto.
Namilog ang mga mata nina Lyn at Beng.
Namula naman si Lorraine.
“Dan,” sabi niya.
Pagkatapos, bumaling siya sa mga kasama.
“Girls, si Mr. Adan Amor, house guest
nina Irene at Ding,” pagpapakilala niya sa binata. “Siya ang kilala at
multi-awarded na movie scripwriter na si Adan Roma.”
“Ay, siya pala,” sambit ni Beng.
“Dan, ang mga assistants ko – si Lyn at
si Beng,” pagpapatuloy ni Lorraine.
“Hi,” nakangiting sabi ni Adan sa
dalawa.
“Good morning, sir,” sabi nina Lyn at
Beng.
“Nadaan ka?” tanong ni Lorraine sa
binata.
Kunwa’y relaxed na relaxed siya kahit na
ang totoo’y bumabayo na sa nerbiyos ang kanyang dibdib.
“Kukumbidahin sana kita for lunch,” sabi
ni Adan. “Inirekomenda nina Ding ang Abuela’s Kitchen. Nagpa-reserve na ako for
two in the hope na sasamahan mo ako.”
“Ngayon na?” sabi ni Lorraine.
“Kung hindi makakaabala sa iyo,” sagot
ng binata.
“S-sige,” tango niya.
Paglabas nila ng flower shop, itinuro ni
Adan ang dala nitong Pajero.
“Ipinahiram ni Ding,” paliwanag nito.
Inalalayan pa ni Adan si Lorraine sa
pagsakay. Naisip tuloy ng dalaga, para itong perfect gentleman.
Nang makaupo na ang binata sa driver’s
seat, bumaling ito sa kanya nang nakangiti.
“Kung hindi lang maeeskandalo ang buong
poblacion, I’d like to kiss you again right here,” sabi nito.
Namula si Lorraine.
“Don’t worry,” pagpapatuloy ni Adan.
“Alam kong this place is too public. Actually, sinadya kong kumbidahin ka sa
pinakapopular na kainan sa Paraiso. Iyong mapapaligiran tayo ng mga tao. I want
to make sure that I’m going to behave. Gusto kong magkuwentuhan tayo.”
“Tama ka,” sagot ni Lorraine. “You
better behave in public. Ngayon pa lang, babalaan na kita. Masyadong protective
ang Papa ko at ang mga Kuya ko. At konserbatibo ang bayang ito.”
“Tatandaan ko ‘yan,” tango ni Adan.
Marami silang kakilang nakita sa
Abuela’s Kitchen. Mga taga-Paraiso na naipakilala na kay Adan sa party nina
Irene. Binati sila ng mga ito habang patungo sila sa kanilang table for two. At
alam na alam nilang pinapanood sila ng karamihan sa kabuuan ng kanilang pananghalian.
“Siguro naman, very proper itong lunch
natin, ano?” sabi ni Adan. “A bachelor asking a lady out to lunch is quite
harmless.”
“Oo naman,” sang-ayon ni Lorraine.
“Tamang-tama pati ang pinili mong lugar. Dito kumakain ang mga kaibigan ng
parents ko. It’s a very respectable place. Iyon nga lang, siguradong magiging
usap-usapan na itong pagkakasama natin. Hindi ka na makakaporma sa ibang young
ladies sa bayang ito.”
May kasamang hamon ang mga salitang iyon
ni Lorraine.
Natawa si Adan.
“Wala naman akong interes na pumorma sa
iba pang babae,” sagot nito. “You should know that by now.”
“Why should I know that?” sabi ni
Lorraine. “I wouldn’t want to presume.”
“Kung ganoon, idinedeklara ko na ngayon,”
pahayag ni Adan. “You’re the only one I’m interested in. Is that clear enough?”
Nangiti si Lorraine.
“Okay,” sagot niya.
Kahit hindi pa rin ‘yon ang kabuuang
kasagutan sa nakabitin niyang katanungan. Sabihin pang siya lang ang babaing
nagugustuhan ni Adan sa buong Paraiso, hindi pa rin garantiya iyon na seryoso
ito o handa sa permanenteng pakikipagrelasyon.
Ganoon pa ma’y nakasiya kay Lorraine ang
pahayag ni Adan. Kailangang siya lang ang pagkainteresan ng binata sa Paraiso.
Hindi na niya kakayanin kung may makasabay pa siya sa sariling bayan. Kanya na
ang kasalukuyan. Hindi na niya iisipin ang nakaraan o hinaharap ni Adan.
Habang nanananghalian sila ay nagkuwento
nang nagkuwento si Adan. Tungkol sa trabaho nito. Tungkol sa pribado nitong
buhay.
Nalaman ni Lorraine na nag-iisa itong
anak at hiwalay na ang mga magulang nito. Ang ama ay may ibang pamilya na sa
Amerika. May pangalawa na ring pamilya ang ina nito sa Maynila.
“Kaya nga naging self-supporting ako
noong college,” sabi ni Adan. “Mataas ang pride ko. Inayawan ko ang suporta ni
Daddy mula sa States. Masama pa rin kasi ang loob ko sa pag-iwan niya sa amin.
Nahiya naman akong maging pabigat pa sa stepfather ko. Sinuportahan at
pinag-aral na nga niya ako hanggang high school. Tatlo pa ang naging anak nila
ni Mommy. Sabay-sabay ring nag-aaral ang mga iyon. Mabuti naman at nadiskubre
ko ang pagsusulat ng nobela. Later on, napasok ko na rin ang movies. Kahit
paano, bukod sa pagiging self-supporting ay nakatulong din ako sa mga kapatid
ko. Professionals na rin silang lahat ngayon.”
“Puwede rin palang gawing nobela o
pelikula ang buhay mo,” sabi ni Lorraine.
“Ordinaryo lang ako,” iling ni Adan.
“Simple lang ang lifestyle ko. Hanggang ngayon, naka-apartment lang ako sa
Quezon City. Iyong minamaneho kong kotse, second hand. Madalas pa rin akong
mag-commute para makihalubilo sa maraming tao. Para madama ang pulso ng
ordinaryong mamamayang katulad ko. Kung anuman ang kinikita ko, iniipon ko sa
banko. Naka-invest sa mga siguradong paraan. Iyong kahit hindi gaanong malaki
ang tubo basta walang risk. Alam ko na rin kasi kung paano ang maging
walang-wala. Mahirap din iyon.”
“May kapansin-pansin sa lifestyle mo,”
sabi ni Lorraine. “Simple ka nga pero wala ka ring roots. Umuupa ka ng bahay.
Puwede kang umalis doon anytime. Liquid ang assets mo. Perang nasa banko. Hindi
naka-invest sa real estate o sa business. Puwede mo ring kunin anytime. Parang
lagi kang handa sa anumang pagbabago. Talagang buhay-binata.”
“Ganoon nga,” amin ni Adan. “Sa tuwing
aalis ako ng bahay, may dala akong backpack. May damit na pandalawang araw.
Mapadpad man ako sa kung saan, mabubuhay na ako sa ganoon. Marunong naman akong
maglaba.”
Parang kinurot ang puso ni Loraine.
Lumalaki ang posibilidad na wala nga rin siya talagang maaasahang pangmatagalan
mula kay Adan.
Pero
handa na siya roon, hindi ba?
“Ikaw naman ang magkuwento,”
hiling ng binata. “Iyong hindi pa naikukuwento sa akin ni Irene.”
“Mayroon ka pa nga bang hindi alam?”
biro ni Lorraine.
Pero pinagbigyan din niya ito. Siya
mismo’y nakadarama din kasi ng pangangailangang maibahagi ang kanyang buhay kay
Adan. Para naman kahit limitado lang ang kanilang panahong pagsasamahan ay
maging mas buo ang maipapabaon niya ritong mga alaala.
Ala-una na sila umalis sa Abuela’s
Kitchen. Inihatid siya uli ni Adan sa flower shop.
Nagugulumihan si Lorraine. Kinumbida
siyang mananghalian sa isang pampublikong lugar para raw makapagkuwentuhan
sila. Parang idineklara na rin nito sa buong bayan na interesado ito sa kanya.
At hindi man lang siya hinagkan kahit sa pisngi.
Hindi na niya alam kung ano ang kanyang
iisipin kay Adan Amor.
DAHIL nga
naguguluhan, maaga uling iniwan ni Lorraine ang flower shop. Alas-tres pa lang
ay nasa cottage na siya. Matapos pakainin si Kitten ay nagpasya siyang maglunoy
sa sapa. Makapag-isip-isip.
Hindi akalain ni Lorraine na muli niyang
maaabutan doon si Adan. Nakalublob hanggang dibdib sa gitna ng sapa.
Nakangiti pa ito habang papalapit siyang
nakataas ang kilay.
“I took a chance na babalik ka rito
ngayon,” sabi ng binata. “Tama pala ang hula ko.”
“Ganoon ba ako ka-predictable?” tanong
ni Lorraine.
“On the contrary, sinuwerte lang ako,”
sagot ni Adan. “Pero may fallback naman ako, e. Kung nagkataong hindi ka
pumarito, ikaw naman ang pupuntahan ko sa cottage. Siguradong dadaan ka roon
para pakainin si Kitten bago ka umuwi sa malaking bahay, right?”
“So you think you know me so well,”
mapaklang sabi ni Lorraine.
“Enough to know how your face will look
as I rise out of the water,” nakangiti pa ring sagot ni Adan.
Tumayo nga ito mula sa pagkakalublob sa
gitna ng sapa. Natambad ang kabuuan ng hubad na naman nitong katawan.
Napasinghap si Lorraine. Namula siya’t
nag-iwas ng paningin.
Tuluy-tuloy si Adan sa paglapit sa
kanya.
“But not enough,” bulong ng binata nang
bihag na nito sa dalawang palad ang kanyang mukha. “I want to get to know you
better. Gusto kitang makilala... nang ganap.”
At muling naglapat ang kanilang mga
labi.
Pumikit si Lorraine. Nang kabigin siya’t
yakapin ni Adan ay yumakap din siya sa malapad nitong likod.
Basa ang katawan ng binata. Nang madikit
ito nang ganap sa kanya ay nabasa rin ang suot ni Lorraine na maikling
sundress.
Sinadya niyang iyon ang isuot para
madaling alisin sa kanya sanang paglulunoy. Ang suot naman niyang panloob ay
strapless bra at high waist panties na magkaternong checkered na asul at puti –
walang ikinaiba sa konserbatibong bikini swimsuit.
Alam ng dalaga na kahit paano’y umaasam
siyang makikita siya ni Adan sa ganoong ayos noong pinipili niya ang isusuot
kanina. Hindi pala siya mabibigo.
Kahit sakop ng bibig ni Adan ang kanyang
biig ay napasinghap uli si Lorraine nang madama niya ang ganap na pagdidikit ng
kanilang mga katawan. Manipis lang ang kanyang damit at panloob at dahil nabasa
pa ang mga ito’y damangdama niya ang pananabik at kahandaan ng binata.
Dahil dito’y nagkaroon ng higit pang
kapusukan ang kanilang halik. Waring ipinadarama ni Adan sa kanyang bibig ang
nais nitong gawin sa ibang bahagi ng kanyang katawan sa kalaunan. Sinasakop.
Sinasaliksik. Inaangkin.
Pakiramdam ni Lorraine ay tinatakasan siya
ng lakas. Ganoon na lamang ang kanyang pangungunyapit sa balikat ng kaniig.
Kung hindi sa higpit ng pagkakayakap nito sa kanya ay baka tuluyan na siyang
dumausdos sa lupa.
Parang palakas nang palakas ang
puwersang bumubundol sa pagitan ng kanyang mga hita. Painit nang painit ang
bahaging iyon ng kanilang katawan.
Kusa namang tumutugon din ang katawan ni
Lorraine. Lalo pang sumasalubong at waring nagsusumiksik sa katawan ni Adan.
Pero mayamaya’y kumalas ang binata.
“I’m sorry sweetheart,” nakangiting
bulong nito. “Hindi ko kaya ito. Doon tayo sa tubig. I need to cool down a
bit.”
Sunud-sunuran si Lorraine. Ni
hindi makakibo.
Inakay siya ni Adan hanggang sa gilid ng
sapa. Pagdating doo’y maingat niyang hinubad ang kanyang sundress at iniitsa sa
batuhan.
Nakangiting hinagod nito ng tingin ang
kanyang buong katawang nakapanloob na lamang.
Hindi maiwasan ni Lorraine na hagurin
din ng tingin ang kabuuan ng binata. Lalong nag-init ang kanyang pakiramdam
nang matuon ang kanyang paningin sa nagngangalit itong harapan. Napaawang ang
kanyang bibig.
“Huwag mo akong tingnan nang ganyan,”
pabirong saway ni Adan, sabay lublob ng kalahati ng katawan sa tubig. “Baka
hindi ako makatagal.”
Hinila siya nito nang palublob din sa sapa.
Niyakap siya’t hinagkan muli sa mga labi.
Hindi na halos namalayan ni Lorraine na
habang hinahagkan siya’y umurong ang binata hanggang sa makasandal sa malaking
batong nasa kalagitnaan din ng sapa. Inayos siya nito nang pahiga. Nakaunan ang
ulo sa kanan nitong bisig.
At naging abala ang isa pa nitong kamay.
Nalaman na lamang ni Lorraine na wala na rin siyang saplot.
Hindi niya mailarawan ang kanyang nadama
nang haplus-haplusin ni Adan ang kanyang dibdib. Halos mabaliw siya nang isa-isa
nitong inangkin at nilaro ng bibig ang magkabilang dunggot. Lalo pa nang
kasabay niyon ay naglaro ang mga daliri ni Adan sa sugpungan ng kanyang mga
hita.
Hindi niya alam kung ano ang naganap.
Basta’t nawala na siya sa sarili. Inilipad ang kanyang ulirat. Parang may
sumabog na kung anong kaysarap sa kaibuturan ng kanyang pagkatao.
Nang mahimasmasan siya’y nakasubsob ang
kanyang mukha sa dibdib ni Adan. Yakap siya nito nang mahigpit. Pero nakaipit
pa sa pagitan ng kanyang mga hita ang pilyo nitong kamay.
INIHATID ni
Adan si Lorraine sa cottage bago ito umalis.
Malaking palaisipan pa rin sa dalaga
kung bakit hindi lumampas si Adan sa ginawa nito sa sapa. Hindi siya nito ganap
na inangkin gayong alam naman nila pareho na handa siyang magpaubaya sa lahat-lahat.
Dalawang beses pa ngang inulit ni Adan
na ihatid siya sa kaganapan bago siya nito binihisan at iniuwi sa cottage.
Hindi naman magawa ni Lorraine na
magtanong. Sa kabila ng lahat ay nahihiya pa rin siya.
Alas-sais medya ay nasa lumang bahay na
siya. Ganoon naman ang karaniwan niyang uwi.
Kabadong-kabado ang dalaga. Hindi kaya
masasalamin sa kanyang mukha ang mga naganap sa kanya? Wala kayang nabago?
Walang kapansin-pansin?
Kaya naman nataranta siya nang
salubungin siya ni Rodie ng panunukso.
“Uuy, ha? Nakita ka raw kanina sa
Abuela’s Kitchen. Nag-lunch date kayo ni Adan.”
Sumegundo si Ronnie.
“Ang bilis namang kumilos ng
taga-Maynilang iyan.”
Mabuti na lang at sumabad ang kanilang
ina.
“Tantanan n’yo ang kapatid n’yo,” saway
ni Lorena sa dalawang lalaki. “Ano naman ang masama kung makumbidahan siyang
mananghalian sa labas? Disenteng lugar naman ang Abuela’s Kitchen. Naroon nga
raw sina Mrs. Perlas kanina. Ang kuwento sa akin, magalang naman itong si
Adan.”
“Basta ba magpapakatao lang siya, e,”
sabi naman ni Ado.
“According to the Bauzons, mabuting tao
naman daw itong si Adan Amor,” pahayag ni Fe.
Lalong na-guilty si Lorraine.
Pero higit pa ang kanyang pagkataranta
nang dumating si Adan pagkatapos na pagkatapos makapaghapunan ng buong pamilya.
Papasok na sana siya sa kanyang silid
nang tawagin siya ni Fe.
“Lorraine, may bisita ka.”
Paglabas niya sa salas ay kausap ng
buong pamilya si Adan. Prenteng-prente naman ito.
“Lorraine, dinalhan tayo ni Adan ng
special leche flan,” sabi ni Lorena. “Gawa ni Ding.”
“Oorder sana ako kay Aling Maring pero ipinagmalaki
ni Ding na mas masarap siyang gumawa ng leche flan kaya hinamon kong patunayan
niya,” pagkukuwento ni Adan.
“Talagang hindi palalampasin ni Ding ang
oportunidad na makapag-show off sa kanyang culinary talent,” natatawang iling
ni Fe. “Mabuti na lang at hindi naging overweight si Irene sa pagbubuntis
niya.”
Masayang nakakuwento ng lahat si Adan.
Mahusay itong magkuwento. Pero hindi nagtagal at isa-isa naring nagpaalam ang
mag-anak. Iniwan na kay Lorraine ang kanyang bisita.
“Doon tayo sa balkonahe,” sabi ni Adan
nang dadalawa na lang sila.
“Mabuti pa nga,” sagot niya. “Mas presko
roon.”
At nakakubli sa mga mata ng kanilang mga
katulong na nag-aayos pa ng kusina.
“Ba’t ka pumarito?” tanong agad ni
Lorraine paglabas nila.
Nakakaloko ang ngiti ni Adan.
“Bakit hindi?” sagot nito. “Sabi ko nga,
I want to get to know you better. Everything about you. Pati pamilya mo.”
Napailing si Lorraine.
“Naiilang ako sa iyo,” sabi niya.
“Relax,” sagot ni Adan. “Ayaw mo bang
magkakuwentuhan pa tayo? Bitin pa ako sa company mo, e.”
Noong simula’y nagdududa talaga si
Lorraine. Pero nang umabot si Adan nang alas-diyes y medya ng gabi sa
pakikipagkuwentuhan nga lang sa kanya, nakumbinse na rin siya.
“Tingnan mo, ang bilis ng oras kapag
tayo ang magkausap,” sabi ng binata nang mapansing gabing-gabi na. “Ipagpaalam
mo na ako sa parents mo. I have to go for now.”
Lumabas si Ado nang ipagpaalam ng
dalaga ang bisita.
“Sige, iho,” sabi ng matanda. “Mag-iingat
ka sa pag-uwi.”
“Salamat ho,” sagot ni Adan.
Bago umandar ang Pajero na dala ng binata, muli itong kumaway kay Lorraine. At nang makatalikod na ang Papa niya, kinindatan pa siya ni Adan bago tuluyang pinatakbo ang sasakyan.
(Kapag hindi
lumabas ang kasunod na chapter pagkatapos nito, pindutin ang > o
kaya’y ang Mga Lumang Mga Post na link.)
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento