FREE TAGALOG ROMANCE NOVELS
CHAPTER 6
HINDI malaman ni Monique kung dahil sa ininom niyang paracetamol o
dahil sa nerbiyos kaya nawala ang sakit ng kanyang ulo.
“S-sa studio ba tayo?”
tanong niya kay Kino pagkatapos nilang mailigpit ang kanilang almusal.
“Dito na lang,” sagot ng
binata. “Nandito naman ang sketch pad ko. Sketches pa lang naman ang gagawin
ko.”
“Saan ako pupuwesto?”
tanong niya.
“Sa kama na lang para may
kutson,” sagot ni Kino. “Para kumportable ka.”
Tumayo siya sa tabi ng
kama. Pero hindi pa rin niya magawang alisin ang suot na bathrobe.
“Huwag nating biglain,”
sabi ng binata. “Gusto ko ring ma-capture ang panimulang reaksiyon mo. Alam
kong hindi madali para sa iyo. Maupo ka na lang muna nang paluhod sa gitna ng
kama. Ibaba mo ang bathrobe hanggang balikat lang. Hawak mo ng dalawang kamay
sa tapat ng dibdib.”
Sumunod si Monique.
“Ganito?” tanong niya.
Tumango si Kino.
“Saan ako titingin? Ano
dapat ang expression ko?” tanong pa ng dalaga.
“Ano ba ang kumportable sa
iyo?” ganting tanong ng pintor. “Tingnan ko nga?”
Tumingin si Monique sa gawing
bintana. Medyo lihis sa kinauupuan ni Kino.
Mas magiging kumportable
siya na hindi nakatingin nang diretso sa binata.
“I like that,” sabi ni
Kino. “Can you hold that pose? Hindi ba nakakangawit?”
“Hindi naman,” sagot niya.
“Okay,” tango nito.
At nagsimula na itong
gumuhit.
Mabilis naman palang
magtrabaho si Kino. Ilang minuto lang ay tapos na ito. At ito pa ang lumapit sa
kanya para ipakita ang katatapos na sketch.
Hangang-hanga si Monique.
“Kamukhang-kamukha ko,”
sabi niya.
Kuhang-kuha nga ng binata
hindi lang ang mismong hitsura niya kundi maging ang emosyong nakasalamin sa
kanyang mukha. Ang bahagyang pagkanerbiyos at pag-aatubili.
“Are you ready to go
further?” tanong ni Kino. “Pupuwede ba nating ibaba ang bathrobe nang hanggang
sa hip level? Nakatakip pa rin naman sa kandungan mo.”
Napalunok si Monique.
“Okay,” sagot niya pagkaraka.
Para siguro hindi siya
gaanong maasiwa, pumuwesto si Kino sa may likuran niya. Tinulungan siyang ibaba
at iayos ang roba.
Napasinghap si Monique
nang matambad sa hangin ang kanyang dibdib. Agad naghumindig ang magkabila
nitong mga dunggot.
Ngayon pa lang siya
nahantad nang ganito sa paningin ng isang lalaki. Ni doktor na lalaki ay wala
pang nakakita sa kanya nang ganito. Panay babaing doktor naman kasi ang pinupuntahan
niya.
Hindi malaman ni Monique
kung ang nadarama niya’y hiya o excitement. Bakit ba parang nasisiyahan pa siya
na matambad sa paningin ni Kino? Ang kaalamang pagpapasasaan ng humahanga
nitong mga mata ng kanyang kahubdan.
Tumuloy agad si Kino sa dati
itong kinauupuan. Mula roon ay saka na lang siya tiningnan nang diretso.
Nagbaling uli ng paningin
si Monique. Hindi niya kayang salubungin ang titig ng binata. Baka mabasa nito
ang tunay na mensaheng nasa kanyang mga mata.
“Alam kong imposibleng hindi
ma-conscious,” sabi ni Kino. “Pero kung nako-conscious ka man, be conscious
that you’re beautiful. Dapat mong ipagmalaki ang kagandahang iyan. It’s
something you should be proud of.”
Bahagyang tumango si
Monique.
Talaga namang ipinagmamalaki
niya sa mga sandaling ito ang kanyang kagandahan. Ipinagmamalaki niya na ang
isang Kino Sandoval ay napahanga niya.
Mas matagal kaysa una bago
natapos ni Kino ang pangalawang sketch. Dinala uli nito ang resulta sa dalaga.
Hindi agad nakakibo si Monique
nang matunghayan ang kanyang larawan.
Ganito ba talaga siya sa
paningin ni Kino? Hindi niya akalaing ganito siya kaganda.
“Niretoke mo naman yata,
e,” sabi niya nang mahimasmasan.
“Bakit pa kita kukuning
modelo kung babaguhin ko rin lang ang nakikita ko?” sagot ng pintor. “Di puwede
na sana kahit na sinong modelo. Ikaw ito, Monique. This is how beautiful you
are.”
Hindi na niya hinintay na
humiling pang muli ang binata. Ibinalik niya ng sketch pad at kusang initsa sa
sahig ang nakatabing pa ring bathrobe.
Naramdaman niyang sumulak
ang dugo sa kanyang buong pagkatao nang matambad nang ganap ang kanyang
kahubdan. Alam niyang namumula ang kanyang pisngi.
“Paano ang susunod na
pose?” kunwa’y kampante pa ring tanong niya kay Kino.
Hindi umalis ang tingin ng
binata sa kanyang mukha.
“Okey lang ba sa iyo na
humiga?” tanong nito.
Agad siyang nahiga.
“Paanong higa?” tanong
niya nang lumapat ang kanyang likod sa kama.
Dahan-dahang naglakbay ang
paningin ng binata sa kanyang buong katawan. Pababa. Pataas uli.
Nag-init ang pakiramdam ni
Monique.
“Put your arms above your
head,” sabi ni Kino. “Iyong relaxed lang. Hindi pilit.”
Sumunod siya.
Tiningnan nito ang naging
epekto ng galaw na iyon sa kanyang dibdib.
“Yes,” tumatangong sambit
ng pintor.
Muling bumaba ang paningin
nito.
“Okey lang, keep your legs
together,” sabi ni Kino. “Pero itong left leg mo, bend it at the knee. Medyo
itabing mo sa kanan. Iyong parang may gusto kang itago na hindi naman talaga
ganap na naitatago.”
May kumislot sa pandama ni
Monique habang sumusunod siya.
Heto’t nakalahad na nga
ang lahat-lahat niya sa binata. At sunud-sunuran siya sa mga ipinagagawa ito.
Ni hindi naman siya sinasaling ni Kino pero bakit ba para na rin siya nitong
hinahaplos sa tuwing susuyurin siya ng tingin.
Alam niyang dapat ay
professional ang kanyang attitude bilang modelo. Pero hindi niya mapigil ang
kanyang nadarama.
Pupusta siyang apektado
rin naman ang binata sa kanilang sitwasyon. Nagpipilit lang din itong maging
propesyunal.
“Okay that’s it,” sabi ni
Kino. “Hold that pose.”
Habang iginuguhit siyang
muli ng binata ay hindi na nawala ang init na gumagapang sa katauhan ni
Monique. Katunayan ay lalo pa itong tumindi. Para bang ang bawat daan ng mga
mata ni Kino sa kanyang katawan ay dantay ng mga kamay nito.
At parang kaytagal ng kanyang
pinaghintay. Hindi nga lang niya alam kung ang hinihintay niya ay ang
pagtatapos nga ba ng sketch na ito ang susunod pang magaganap sa pagitan nila.
Sa wakas ay natapos din si
Kino.
“Hindi ako satisfied,”
parang paghingi pa nito ng paumanhin habang iniaabot sa kanya ang sketch pad.
“Somehow, bitin ang sketch kung ganitong full figure mo ang gusto kong
i-capture. Maliit itong sketch pad. Ang dapat talaga, malaking canvas.”
Bumangon si Monique at
naupo. Kinuha niya ang sketch pad at tiningnan.
Wala uli siyang masabi.
Parang nanuyo ang loob ng kanyang bibig. Ganito pala siya kanina sa paningin ni
Kino.
“Kulang, ano?” sabi ng
binata sa kanyang katahimikan. “Next time, canvas na talaga ang gagamitin ko.”
“Maganda naman, a,” salungat
ni Monique. “Nabigla lang ako sa pagkakita sa sarili ko na... na ganito.”
“Hindi ka ba tumitingin sa
salamin?” pagtataka ng binata.
“Not in the nude,” sagot
niya.
“Why not?” sabi ni Kino.
“You should appreciate yourself more. Tingnan mo nga, kahit sa sketch lang na kulang
sa detalye, ang ganda-ganda mo na. Hindi pa nga nakikita riyan ang actual
texture ng skin mo. The smoothness. The colors.”
Nag-iba ang tinig ni Kino.
Naging mas mababa.
Nagtama ang kanilang
paningin.
“I’m sure you can feel how
much I want you,” diretsahang pahayag ng binata. “And I know the feeling is
mutual. Pero may kailangan akong ipahayag sa iyo. I can’t promise you
commitment. Not even a relationship. Hindi ako capable na mag-maintain ng isang
relasyon. I’m too much of a free spirit. I live for the moment. Hindi ako
tumitingin sa bukas. All I can promise you is each moment that we’re together,
in private. Sa mga sandaling iyon, I’m all yours. Gagawin ko ang lahat,
ibibigay ang lahat, para mapaligaya tayong dalawa.”
“Alam ko na ang ganyang lifestyle
mo no’ng sumama ako sa iyo rito,” sagot ni Monique. “I never expected anything
more from you except to teach me everything you know. At hindi lang sa
pag-inom...”
“This will be your first
time,” hula ni Kino. “Sigurado ka bang ganito ang gusto mo? Most women dream of
having true love and commitment from the first man.”
“Pinili kita with open
eyes,” sagot ni Monique. “Umiiwas din
naman ako sa commitment. Ayoko nga ng maraming bawal, hindi ba? Ayokong may
sasagka sa mga gusto ko pang gawin sa buhay ko. In that sense,
nagkakaintindihan tayo.”
“Then there’s nothing more
to discuss,” sabi ni Kino.
Ikinulong nito sa dalawang
palad ang kanyang mukha.
“So lovely,” bulong nito
bago yumuko para angkinin ang kanyang mga labi.
Naging maingat at masuyo
ang binata sa simula. Alam palibhasa na bago sa kanya ang lahat ng ito. Pero
dahil kaybilis tumugon ni Monique, sandali lang at nagliliyab na ang kanilang
mga halik.
Dahan-dahan siyang
ibinuwal ni Kino nang pahiga sa kama. Sumunod ito. Hindi na naghubad ng kasuotan.
Kung kanina ay sinuyod
siya ng mga mata ng binata, ngayon nama’y sinuyod siya nito ng halik sa buong
katawan. Para bang sabik na sabik itong tikman ang bawat pulgada ng kanyang
balat.
Wala itong kinaligtaan.
Pati puno ng kanyang tainga ay pinanggigilan. Kinagat nang marahan. Lalo naman
ang dalawang naghuhumindig na dunggot ng kanyang dibdib. Mas mariing mga kagat
ang inabot ng mga iyon. Sapat para siya mapadaing, hindi sa sakit kundi sa
kakaibang sensasyong gumuhit hanggang sa kanyang kaibuturan.
Kahit iyong mga bahagi ng
katawan niyang hindi niya akalaing sensuwal ay binuhay ni Kino. Sa paglalaro ng
dila nito’y natuklasan niyang napakasensitibo pala ng kanyang mga palad at
daliri.
Pero ang pinagtuunan nito
ng pinakamasusing atensiyon ay ang pinakasikreto niya. Hinawi ni Kino ang
kanyang mga pag-aatubili at sinuyo ang pinakaubod ng kanyang paghahangad.
Alun-along mga sensasyon
ang lumukob sa kamalayan ni Monique. Hindi lang miminsan siyang dinala sa
pinakamataas. Paghupa ay muli’t muling nagsimula na naman si Kino.
“Kino... please... it’s
too much...” daing niya pagkatapos ng
hindi na niya alam kung ilang ulit.
Umahon nga ang binata pero
para lamang bulungan siya.
“Meron pa,” sabi nito bago
mabilis na nag-alis ng mga suot.
Mayamaya lang ay nakatunghay
na uli ito sa kanya. Muli siyang hinagkan sa mga labi. Mas mapusok kaysa dati.
Natikman ni Monique ang
kakaibang lasa mula sa bibig nito.
“That’s what you taste
like,” bulong ni Kino. “Better than the best wine or aphrodisiac.”
Napasinghap si Monique.
Muling nilaro ni Kino ang
magkabila niyang dibdib. Mas matindi ang reaksiyong gumuhit sa katauhan ni
Monique.
“Napaka-sensitive mo,”
nakangiting sabi ni Kino.
“Mas lalo na ngayon kaysa
kanina,” daing niya. “Ikaw kasi, e.”
“Ito nga talaga ang gusto kong
mangyari,” bulong ng binata. “I wanted you to be so sensitive para mas
tumingkad ang lahat ng madarama mo.”
Sinuyo nito ang mga daliri
ang kani-kanina lang ay iniwan na sugpungan ng kanyang mga hita.
Napadaing na muli si Monique.
Mayamaya’y iba na ang
nadarama niyang humahaplos sa kanya roon.
Napadilat si Monique.
Nakatitig sa kanya si
Kino.
“Are you ready for me?”
tanong nito.
Bahagya siyang
tumango. Pero mas malinaw ang tugon ng
kanyang mga bisig na humigpit ang pagkakayakap sa kaniig. At ang kanyang mga
hitang kusang nagbigay ng daan.
Sinabayan ni Kino ng
paghihinang ng kanilang mga labi ang dahan-dahan pero makapangyarihan nitong
mga pag-ulos.
Tama nga ito. Naging
napakasensitibo na ng bawat himaymay ng kanyang laman kung kaya’t ang hapdi na
kanyang nadama ay nalunod ng kasabay na mga sensasyong hindi niya mailarawan.
Sapat nang sabihing para siyang inaalimpuyo ng samut-saring sensasyon.
Pagkaraan ng hindi niya mawaring panahon, naging mas makapangyarihan ang kanilang
pag-indayog hanggang sa siya’y iniluwal sa maluwalhating kaganapan.
Nang magbalik sa realidad
ay nasumpungan ni Monique na nakatunghay sa kanya si Kino. Titig na titig sa
kanyang mukha.
“Thank you,” bulong nito.
“Thank you for choosing me.” “Thank you,
too,” sagot niya. “For making this first time so wonderful.”
“No regrets?” tanong ng
binata.
Umiling siya.
“None at all,” sagot niya.
“I hope this won’t be the
last,” sabi ni Kino.
Nangiti si Monique.
“Hmm, depende,” sagot
niya. “Tingnan natin.”
Agad na kumunot ang noo ng
binata.
“Bakit?” tanong nito.
“No commitments,
remember?” paalala ni Monique.
Lalong nagsalubong ang mga
kilay ni Kino.
“Ibig mong sabihin, baka
hindi na maulit ito?” sabi ng binata.
Natawa nang marahan si
Monique.
“Depende kung paano mo ako
yayayain,” pabirong sagot niya. “You have to remind me of how wonderful this
first time was. Kapag naipaalala mo ito sa akin, I may not be able to resist
your invitation.”
Lumiwanag na ang mukha ni
Kino.
“Patas na tayo,” sabi
nito. “Sa palagay ko kasi, you’re habit-forming. I can’t get enough of you.
Magiging craving kita.”
“Nasa Arte’t Kape lang
naman ako palagi, e,” sagot ni Monique. “You know where to find me.”
“Sandali nga pala,” sabi
ni Kino.
Bumangon ito’t pumunta sa
banyo. Pagbalik ay may dala nang basinette na may mainit na tubig at face
towel.
“Aanhin mo ‘yan?” tanong
ng dalaga.
“Para sa iyo,” sagot ni
Kino. “Para mabawasan ang discomfort mo mamaya.”
Bago pa makapagtanong uli
si Monique ay maingat na nitong naibuka ang kanyang mga binti.
“Ay!” sabi ni Monique nang
idampi ni Kino ang mainit na face towel sa kanyang kaselanan.
“Para hindi ka maging
masyadong sore,” sabi nito. “Kawawa ka naman, e. Masyado yata kitang
pinahirapan.”
Pero nanunukso ang ngiti
nito.
“Kasalanan mo nga iyan,”
kunwa’y nakalabi namang sagot niya.
“Kaya nga inaasikaso ko,”
sagot ni Kino. “Para mayamaya lang, okey
ka na uli. Puwede na uli.”
“Salbahe!” pakli ni
Monique.
(Kapag hindi
lumabas ang kasunod na chapter pagkatapos nito, pindutin ang > o
kaya’y ang Mga Lumang Mga Post na link.)
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento