FREE TAGALOG ROMANCE NOVELS
CHAPTER 9
HAPON na nang magpakita si Kino sa Arte’t Kape. Parang walang anumang
lumapit kay Monique ang binata.
“You look tired,” sabi pa
nito. “Magpahinga ka naman. Mabuti pala, hindi na kita inistorbo pagdating ko
kaninang madaling araw.”
Ganoon lang.
Utang na loob pa pala niya
na hindi siya pinuntahan nito. Gigil na gigil si Monique.
“Pagod na pagod ka rin
siguro,” sagot niya.
Tumango naman si Kino.
“Akala ko, madali lang ang
magpa-interview,” sabi nito. “Sa ibang mga TV interviews ko naman kasi, sandalian
lang. Pero itong ginawa ni Dynah, talagang in-depth. Isinama pa ako sa mismong
viewing at editing nila. Inumaga tuloy kami.”
Gustung-gusto na ni
Monique na umismid, hindi lang niya magawa. Nasa cafe kasi siya. Pangit kung
makikita ng mga customer.
Mabuti na lang pumasok sa
cafe si Jolen sa mismong sandaling iyon.
“Sandali,” sabi ni
Monique. “May kailangan nga pala akong i-check kay Jolen.”
At tinakasan muna niya ang
lalaking hindi niya kayang harapin. Sinundan niya ang pagpasok ni Jolen sa pribadong
opisina ni Jules.
Pero hindi rin natakasan
ni Monique ang kanyang problema.
“You’ll still have to face
him,” paalala ni Jolen. “Paano kung puntahan ka niya sa kuwarto mo mamayang
gabi?”
Nayanig na naman si
Monique. Mas mahirap nga pala iyon. Mas hindi niya kakayanin iyon.
Binalikan niya si Kino.
Wala na ito sa cafe. Ang
sabi ng waiter ay pumanhik daw.
Pinuntahan niya ito sa
studio.
“Kailangan nating
mag-usap,” seryosong panimula ng dalaga pagpasok na pagpasok pa lang niya.
“What about?” tanong ni
Kino. “May problema ba?”
Umiling siya.
“Hindi naman siguro
problema ito from your point of view,” sagot niya. “Just a matter of change.
Tutal din lang, may bago ka nang option, I guess you won’t mind if I call
things off.”
“Call what off?” tanong pa
rin ng binata. “Ano’ng options?”
Napabuntonghininga si
Monique.
“Ayoko na, Kino,”
dire-diretsong sabi niya para maitago ang panginginig ng kanyang boses.
“Umaatras na ako. Don’t knock on my door anymore.”
Natigilan ang binata.
“Bakit?” tanong nito pagkaraka.
“Bakit biglang-bigla?”
Nagsalubong ang kilay ni
Monique.
Hindi siya makapaniwalang
magtatanong pa ng ganoon si Kino. Ano pa ba ang gusto nitong sabihin niya? Aba,
hindi naman yata niya aamining nagpakagaga siya’t na-in love dito. Sobra nang
pagpapakababa iyon.
“Itinatanong pa ba iyan?”
sagot na lang niya. “Basta ayoko na. Ang usapan natin, pag ayaw na ng isa, it’s
over, hindi ba?”
Si Kino naman ang
napakunot-noo.
“Of course,” sabi nito.
“But I still deserve to know why. Ang usapan din natin, magiging honest tayo sa
isa’t isa, hindi ba?”
Nasukol si Monique.
“I just realized that I’m
not comfortable in this set-up,” sagot niya.”
Hayun, hindi naman
pagsisinungaling iyon.
“Bakit bigla mong na-realize?”
tanong pa rin ng binata. “Ano ang naging trigger? Dahil ba hindi ako dumating kagabi?”
Hindi na napigil ni
Monique ang kanyang pagkapikon.
“Mabuti nga’t hindi ka
dumating kagabi,” sagot niya. “I wouldn’t want to be with you after you’ve been
with that woman.”
Napatda si Kino.
“Are you jealous?” tanong
nito nakataas ang magkabilang kilay.
“Of course not,” mabilis
namang tanggi ng dalaga.
“You sound like you’re
jealous,” parang nakakaloko pang giit ni Kino.
Naningkit na sa galit ang
mga mata ni Monique.
“Hindi ako nagseselos!”
mariing ulit niya. “Naisip ko lang na hindi nga pala safe para sa akin ang
patuloy na makipag-ugnayan sa yo habang nakikipag-ugnayan ka naman sa kung
sinu-sinong babae. Like you said before, mahirap na these days. Malay ko kung
anong sakit ang makuha mo sa ibang babae? Baka maisalin mo pa sa akin.”
“I didn’t sleep with her,
Monique,” sabi ni Kino. “I didn’t even kiss her. I didn’t want to. She’s not my
type.”
Diretso ang tingin sa
kanya ng binata. Walang pag-aalinlangan.
Naramdaman ni Monique na
nagsasabi ito ng totoo. Kahit paano’y naibsan ang sakit sa kanyang dibdib.
Pero hindi pa rin nalutas
ang kanyang problema.
“Okay,” tango niya. “So
nagkataong hindi mo type si Dynah Durano. Pero paano next time? Paano kung ang susunod
na babaing dumating, type mo na?”
“Are you saying that you
want to change the rules?” tanong ni Kino. “You’re asking me for a commitment?”
Nagpanting ang tainga ni
Monique.
Aba, hindi naman siya
papayag na lumabas na siya pa itong naninikluhod kay Kino.
“That’s not what I’m
saying,” iling niya. “Hindi ka ba nakikinig? Ang sabi ko, ayoko na.”
Nagtaas ng dalawang palad
ang binata.
“Okay,” sabi nitong parang
nang-aawat. “Naririnig kita. Natatandaan ko rin ang usapan natin. Kapag ayaw na
natin sa isa’t isa, then, wala na. But I’m telling you, Monique, I still want
you. Wala nga lang akong magagawa kung totoong ayaw mo na sa akin.”
Parang idiniin pa nito ng
mga salitang “kung totoo.”
Bago makasagot ang dalaga
ay may idinagdag si Kino.
“Sana lang, kung totoo
ring wala ka namang ikinasama ng loob sa akin, manatili ang friendship natin.”
“O-of course,” napilitang
tango ni Monique.
“Then that means, tuloy pa
rin ang painting sessions natin,” nakangiting sabi ni Kino.
“H-ha?” gulat na sambit ng
dalaga. “Hindi puwede!”
“Bakit?” nakangiting
tanong ni Kino. “What’s wrong with our painting sessions? Unless, of course,
you can’t trust yourself to be alone with me – and naked. Mahirap nga naman.
You know I’ll never do anything against your will. Pero baka mapatunayan natin na
irresistible pa rin pala ako sa iyo.”
Namula ang mukha ni Monique
– naghalong galit at pagkapahiya sa katotohanang hindi niya kayang aminin.
“Ang yabang mo talaga,”
sagot niya. “Pero sorry, hindi iyan ang dahilan. Actually, naisip ko na rin na
sayang lang ang pagod ko sa pag-pose sa
paintings mo. Buburuhin mo lang naman pala ang mga iyon sa iyong personal
collection. Mas mabuti pa siguro kung mag-pose na lang ako para sa ibang
painters. Sigurado pang maisasama sa exhibit ang paintings ko.”
Biglang nagdilim ang mukha
ni Kino. Nagsalubong ang dalawang kilay.
“Magpo-pose ka in the nude
para sa ibang painters?” ulit nito.
Nabuhayan ng loob ang
dalaga. Mukhang siya naman yata ang nakapuntos.
“Thanks to you, may sapat
na akong experience,” nakangiting sagot niya. “And I guess I do have the
measurements to qualify. Siguro naman, kung ipamamalita ko sa art circle na
nakahanda na akong mag-pose para sa isang grupo ng kilalang mga pintor,
maraming magiging interesado. Baka nga puwedeng makabuo ng isang exhibit mula
roon. Iisa lang ang modelo – ako – pero iba’t ibang pantings by various
artists. Parang ginawa na yata iyon ni Osang – ni Rosanna Roces – noon. And it
was a big success.”
“Hindi puwede!” mabilis na
tanggi ni Kino.
“At bakit?” tanong ni
Monique.
“A...” parang
natatarantang sagot ng binata, “...dahil hindi pa tapos ang series ko.”
“Ikalabing-isang painting
na iyong natapos mo last week,” paalala ni Monique. “Ang dami na niyon.”
“Ang usapan natin noon, a
dozen or maybe more,” sagot ni Kino.
“Kahit pa,” katuwiran ni
Monique. “Ayoko na, e. Bakit, may pinirmahan ba akong kontrata sa iyo? Kung sa
relasyon nga, ayaw mo ng commitment – sa painting pa kaya?”
Napabuntonghininga si
Kino. Napailing.
“I better go,” sabi ni
Monique.
“Sandali...” awat ni Kino.
“Wala na tayong
mapag-uusapang matino,” sabi ng dalaga.
“Don’t do it, Monique,”
parang pakiusap ni Kino. “Don’t pose for anybody else.”
“Why not?” tanong niya. “E
ano sa iyo kung gawin ko iyon? Makapagpapababa ba iyon ng halaga ng mga nagawa
mong paintings ko? Iyon ba ang inaalala mo? Na hindi ako magiging exclusive
model mo?”
“Hindi mo ako
naiintindihan,” iling ng binata. “Ayokong mag-pose ka para sa iba in the nude.
Period. Iyon nga lang mga paintings mo, ayoko nang ipakita sa iba, e. Di lalo
na ‘yong ikaw mismo ang maghuhubad sa harap nila.”
Si Monique naman ang
natigilan.
“Nagseselos ka ba?” tanong
din niya pagkaraka.
“Hindi,” iling ni Kino.
Pero bumawi rin ito agad.
“Siguro. Ewan ko.”
Parang gustong mangiti ni
Monique. Sa halip ay nagkibit-balikat din siya.
“So what?” sabi niya.
“Wala ka namang karapatang magselos. O pumigil sa akin.”
“Paano ba makakamtan ang
karapatang iyon?” tanong ni Kino. “Ano ang kapalit? Commitment? A formal
relationship? Marriage?”
“Para ka namang tumatawad
sa isang bagay na gusto mong bilhin,” sagot ni Monique.
“What if I’m willing to
pay the price?” parang panghahamon ni Kino. “Kahit lifetime commitment. Kahit
engagement ring, wedding ring at marriage contract.”
Napakunot-noo si Monique.
“Ano?” naguguluhang tanong
niya.
Mukhang pagod na pagod na
si Kino. Malalim ang hinugot nitong buntonghininga.
“Kung ito ang
kinakailangan, sige, gagawin ko,” pahayag ng binata. “I’ll give you my
commitment. Tayong dalawa lang. You and me. You want an engagement, let’s get
engaged. You want to get married, sige. Just don’t pose for anybody else. And
don’t expect me to show your paintings to anybody else.”
Napamaang si Monique.
“Gagawin mo iyon para lang
mapigilan ako?” hindi makapaniwalang sabi niya.
Tumango si Kiko.
Pero napailing naman ang
dalaga.
“At sa palagay mo’y
matutuwa ako sa iyo?” sabi pa niya.
Si Kiko naman ang
naguluhan.
“Gagawin ko na nga ang
lahat ng gusto mo, e,” sabi nito.
“Ako ang hindi mo
naiintindihan,” pahayag ni Monique. “Hindi ko ibinebenta sa iyo ang kalayaan ko
kapalit ng ipinangangalandakan mong commitment, engagement at kasalan, Mr.
Sandoval. In the first place, just because you’re making an offer doesn’t mean
I’ll accept. Sa pagkakaalam ko, may kasangkot na pagmamahalan ang usapin ng
commitment at engagement at kasal. Hindi iyon nakukuha sa negosasyon o barter o
parang business deal. At lalong hindi ginagamit na kasangkapan ang commitment
at engagement at kasal para itali ang isang tao sa mga limitasyong basta na lang
ipinapataw ng kanyang partner. Dapat nga palang huwag kang magbigay ng commitment
sa kahit kanino – dahil nakakatakot ang hinihiling mong kapalit ng commitment
na iyon.”
Pagkatapos magsalita ay
tinalikuran na ng dalaga si Kino at halos patakbo niyang iniwan ang studio.
GULUNG-GULO ang isip at damdamin ni Monique kung kaya’t nagkulong na
muna siya sa opisina ni Jules. Si Jolen lang naman ang naroon. May pinuntahan
ang mister nito sa Quezon City.
Hindi umiiyak si Monique.
Hindi siya naiiyak. Ibang klase ang kanyang nadarama. Isang uri ng kawalan.
Isang malalim na panghihinayang.
Ibinulalas niya ang lahat
sa kanyang pinakamatalik na kaibigan.
“Hindi ba dapat ka ngang
matuwa na protective at possessive siya sa iyo?” sabi ni Jolen. “Nakakakilig
din iyon, a. Kaysa naman kung wala siyang pakialam sa kapakanan mo.”
“Possessive lang siya sa
katawan ko,” sagot ni Monique. “He enjoys my body too much. Kaya gusto niya,
kanyang-kanya lang. Parang isang paboritong laruan. I’m nothing but a sex
object to him. At akala niya, puwede niya akong bilhin – na ang kabayaran ay
commitment lang niya at engagement at kasal.”
“Isipin mo rin na hindi
madali sa kanya ang mag-offer nang ganoon,” paalala ni Jolen. “Masyadong
mahalaga sa kanya ang kanyang kalayaan. Bakit handa siyang i-give up iyon para
sa iyo?”
“Kung mahalaga sa kanya
ang kanyang kalayaan, mahalaga rin sa akin ang aking kalayaan,” sabi naman ni
Monique. “Bakit hindi niya maintindihan iyon?”
“Ano ba talaga ang gusto
mong mangyari?” tanong ni Jolen.
“I want everything,” amin
ni Monique. “Totoo, pinangarap ko na alukin niya ako ng commitment, ng
engagement at ng kasal. Pero hindi sa ganitong paraan. I was hoping for love.
Iyong totoong commitment, totoong engagement at totoong marriage. Iyong may
respeto sa mga karapatan at kalayaan ng isa’t isa. Hindi tulad nitong gusto
niya – na pakakasalan lang niya ako para mahawakan sa leeg.”
“Baka naman hindi
eksaktong ganoon ang ibig niyang sabihin...” pagbibigay-katwiran ni Jolen kay
Kino.
Pero bago pa ito
makapagpatuloy ay bigla na lang napasinghap.
“Jolen... bakit?” nag-aalalang
tanong ni Monique.
“M-masakit...” daing ng
buntis. “A... manganganak na yata ako...”
(Kapag hindi
lumabas ang kasunod na chapter pagkatapos nito, pindutin ang > o
kaya’y ang Mga Lumang Mga Post na link.)
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento