FREE TAGALOG ROMANCE NOVELS
CHAPTER 10
PINANOOD ni Niandra ang tape ng show ni Kit Lagman. Paulit-ulit.
Nag-iisa na siya sa bahay
kinabukasan. Off-limits na uli sa media.
Nasabi naman niya ang
lahat ng gusto niyang sabihin sa “Nightcap”. Lahat ng naitulak siyang sabihin
dahil sa ginawa ni Matt at sa mga binitiwang salita ni Peachy.
Iyon naman ang totoo –
iyong napilitan lang si Niandra na magsalita nang ganoon.
Hindi niya talaga gusto
ang kanyang mga sinabi. Lalo pa’t alam niyang malaking porsiyento sa mga iyon
ay kasinungalingan. Binurdahan niya ang katotohanan ng mga innuendo at hayagang
pag-iimbento.
Itinulak lang siya ng
sitwasyon.
Napikon lang siya.
Masyadong nasaktan.
Hindi nga ba’t may
kasabihan? “Beware of the wrath of a woman scorned.” Mag-ingat sa poot ng
babaing inapi.
Hindi rin naman masaya si
Niandra sa kanyang ginawa. Hindi nakapagpalubag-loob ang kanyang pagganti.
Nasasaktan pa rin siya.
Naghihirap pa rin ang loob niya. Walang nagbago.
May nadagdag pa nga –
pangamba. Pangamba sa magiging reaksiyon ni Matt sa kanyang mga sinabi.
A, pero bakit ba siya
kakabahan? Si Matt ang may kasalanan sa kanya.
Tumunog ang doorbell.
Bago buksan ni Niandra ang
pinto, sinilip muna niya mula sa bintana kung sino ang nasa gate. Kung reporter
ay hahayaan niyang manigas sa labas.
Si Matt ang nakatayo roon.
Saglit na natigilan ang
dalaga.
Ang gusto niyang gawin ay
hayaan din doon si Matt. Tikisin. Parusahan.
Pero paano kung may
dumating na taga-media? Magiging circus ang kanilang kuwento. Pagpipistahan ng
bayan.
Pabuntonghiningang lumabas
ng bahay si Niandra. Binuksan niya ang gate.
Seryoso ang mukha ni Matt.
“Sa loob na tayo kung may
sasabihin ka,” seryoso ring sabi ni Niandra. “Baka abutan ka pa rito ng media.
Mabalandra pa uli ang picture mo sa diyaryo.”
Pumasok si Matt.
Ini-lock niya ang gate.
Nauna siyang naglakad pabalik
sa bahay. Sumunod ito.
“Napanood kita kagabi,”
sabi nito.
“I had to do that,”
depensa ni Niandra sa sarili. “Masyado akong nagipit sa mga pinagsasabi ng
cousin-in-law mo the other night. You never told me about Fiona. Kung alam ko
iyon, hindi sana ako sumama sa iyo sa mga dinner sa labas. Hindi sana tayo
natsismis.”
“So it was all a game?”
tanong ni Matt.
“You answer that,” sagot
niya. “Ano nga ba iyon? Bakit mo nga ba ako pinuntahan dito sa bahay? In the
first place, why did you even bother to trail our van that night?”
“We had some unfinished
business,” simpleng sagot ni Matt.
“Matagal na ‘yon,” paalala
niya.
“Kahit na,” sabi ng
binata. “It doesn’t matter. Kahit pa ilang taon na ang nagdaan, it still feels
the same. Bitin pa rin.”
“Well, it will remain the
same,” pahayag ni Niandra. “Ngayong alam ko na ang tungkol kay Fiona.”
“And what if you didn’t
hear anything about her?” tanong ni Matt.
“Iyon ba ang inaasahan
mong mangyayari?” nakakunot-noong tanong din ng dalaga. “Akala mo, maiisahan mo
ako?”
“Just answer me,” giit ni
Matt. “Kung wala kang narinig tungkol kay Fiona Gabaldon, saan patungo ang
ating game - as you call it?”
“Hindi na mahalaga iyon,”
iwas niya. “Hindi na relevant.”
Nilapitan siya ni Matt at
sa kauna-unahang pagkakataon ay hinawakan sa braso nang mahigpit.
“Panahon na para
magkaliwanagan tayo sa lahat-lahat, Niandra,” sabi ng binata. “No more games.
Let’s start from six years ago. Ano’ng nangyari sa Baguio? Bakit mo ako
ginanoon?”
“Kailangan mo pa bang itanong?”
paasik na sagot niya. “Kung sabagay, ganoon ka nga rin pala ka-dense hanggang
ngayon. You haven’t realized how I must have felt pagkatapos mong ibalandra sa
harap ko ang mestisa mong kasama sa simbahan ng Sta. Cecilia. And then you
expected me to welcome you sweetly in Baguio?”
“But she didn’t mean
anything to me,” paliwanag ni Matt. “Hindi ko kaanu-ano ang babaing iyon.
Bisita lang siya ni Harry. Best friend ni Peachy si Liz. It wasn’t my fault na
may crush pala sa akin ang babaing iyon.”
“Wow, napaka-irresistible
mo naman kasi,” sarkastikong sabi ni Niandra. “Kaya ang ini-expect mo hindi rin
kita kayang i-resist.”
“I expected us to be
friends, at the very least,” sabi ni Matt. “After all, apat na taon ko ring
ipinakita ang aking intentions sa iyo sa Sta. Cecilia.”
“Intentions?” ulit ni
Niandra. “What intentions? Wala akong alam na ganoon. Wala kang sinasabi. Ang
alam ko lang, nagsisimba ka sa Sta. Cecilia. Sino naman ako para mag-isip na
ako ang pinupuntahan mo roon? Ano ako, Santa na pinagnonobenahan mo sa simbahan?”
Napailing si Matt.
“Hindi kita gustong
madaliin kaya I was taking my time,” paliwanag ng binata. “Naisip ko, pag
college ka na saka ako magiging mas forward. Saka ko palalalimin ang friendship
natin. After that, saka kita liligawan. Ang gusto ko kasi, maging solid ang foundation
natin kung sakali. But you never gave us a chance.”
Natigilan si Niandra.
Ganoon ba iyon? Hindi niya
akalaing ganoon kaseryoso si Matt noong mga panahong iyon.
Napilitan siyang magtapat
na rin.
“Napikon ako,” paliwanag
niya. “At the same time, naalangan ako sa iyo noong mga panahong iyon.
Nakakalula para sa akin noon ang isang Miravilla. Lalo pa noong makita kitang
may kasamang sosyal. Pakiramdam ko noon, paglalaruan mo lang ako. Iyong tipo ng
babaing kasama mo sa simbahan ang seseryosohin mo. Kaya iniwasan na kita.”
Lalong humigpit ang kamay
ni Matt sa braso niya.
“Is that how you feel
now?” tanong nitong nakatitig sa kanya.
“Well, you’ve certainly
proven me right,” galit na uling sagot ni Niandra. “Tama pala ako noon pa man. Kahit
alam ko na ngayong wala naman tayong dapat na ipagkaiba kahit filthy rich ka at
working woman naman ako, I can’t change the way you look at things. Ang tingin
mo pa rin sa akin, unfinished business na dapat mong ma-settle bago ka pakasal sa
iyong worthy partner. Hindi mo lang siguro matanggap na inisnab kita once upon
a time. So you really had to win me over before marrying your blue-blooded
fiancee.”
“Pero bakit this time
around, pinansin mo na ako?” tanong ni Matt.
“I didn’t know you were
engaged,” sagot ni Niandra.
“Liban pa roon,” pilit ng
binata. “Kung iniwasan mo ako noon sa Baguio, what made you change your mind
about me this time? Bakit pumayag kang patuluyin ako rito? Tinawagan ka muna ni
Queenie, hindi ba? Puwede mong ipasabi na hindi ka rito nakatira. Yet you let
me in. And you were nice to me. In face, we became best of friends like I
always wanted us to be. Bakit?”
“Because I grew up,” sagot
ni Niandra. “Dahil nga alam ko nang we’re just equals. Kahit mayaman ka at
working middle class naman ako, there’s basically no difference between us.
We’re just two people. Akala ko, ganoon na rin ang state of mind mo. Hindi
pala.”
“Wala ka pang narinig na
masama tungkol sa akin nitong nakaraang mga araw,” sabi ni Matt. “Yet you said
last night it was all a game. Pinaglalaruan mo lang din ba ako, Niandra?”
“I had to say that,” galit
na sagot niya. “Ano ang gusto mong mangyari? Kinawawa mo na nga ako in reality,
gusto mong iladlad ko pa ang katotohanang iyon on national TV? Magpa-press conference
ako at aminin kong napakagaga ko’t nagoyo mo ako? Na naniwala akong naging the
best of friends nga tayo these past days? Na umasa akong may patutunguhan ngang
higit pa roon ang ating friendship?”
Umiiyak na si Niandra.
Hindi na niya mapigil ang mga pag-aming kusang lumabas sa kanyang bibig.
Marahas niyang binawi ang
kanyang braso mula sa pagkakahawak ng binata.
“But we really became the
best of friends,” kalmadong sabi ni Matt. “Totoo iyon. Totoo sa akin. Totoo rin
pala sa iyo. That wasn’t a game.”
“It doesn’t matter anymore,”
iling ni Niandra.
Pinahid niya ng kanyang
mga kamay ang kanyang mga mata. Pinigil ang kasunod pang mga luha.
“It matters,” pilit ni
Matt. “Dahil iyon mismo ang matagal ko nang gustong patunayan. Importante sa
akin na puwede tayong maging mabuting magkaibigan.
“Bakit pa?” tanong niya.
“Because only then can I
say that I love you, and really know that it’s genuine,” pahayag ni Matt.
Napatigagal si Niandra.
“Iyon ang kanina ko pa
ipinapaliwanag sa iyo,” pagpapatuloy ng
binata. “Hindi kita niligawan agad noon sa Sta. Cecilia dahil gusto kong
hintayin ang pagkakataong maging mabuting magkaibigan muna tayo. Iyon bang
mapatunayan na muna nating kilala na natin ang isa’t isa - enough to say that we’re truly in love. Now
I know that what I’m saying is real. I love you. I’m in love with you,
Niandra.”
“But you’re going to marry
Fiona Gabaldon,” pauyam na sagot ng dalaga. “Ano’ng klaseng love iyon?”
“Sinabi lang ni Peachy na
matagal nang hinihintay ng pamilya na pakasalan ko si Fiona,” sagot ni Matt. “Did
she really say that we’re engaged?”
“Dini-deny mo ba?” hamon
ni Niandra.
“I’m not denying anything
because there’s nothing to deny,” sagot ni Matt. “I never courted Fiona.
Imposibleng maging engaged kami kung hindi ko siya niligawan at hindi naging girlfriend.
Ninong ko ang father niya, oo. Best friend ng daddy ko si Ninong Fil. While we
were growing up, the two families were always hoping na kami na nga. But it
never materialized dahil wala akong ginawa. Iyong pagpunta ko roon, that was a
gesture toward my ninong. May sakit siya. Na-stroke. Ipinatawag ako.
Nagpatulong sa ilang business decisions. Of course I had to go. Obligasyon ko
iyon sa kanya. But that was all there was to it. Nothing more. Not now. Not ever.
Can you believe me?”
Natahimik si Niandra.
“Hindi kita niloko
kailanman, Niandra,” pagpapatuloy ni Matt. “Noon o ngayon. I was always
sincere.”
Namumula na ang dalaga.
Napapahiya.
“P-pero no’ng nagdala ka
ng potted palm, sabi mo’y token of friendship lang iyon,” paalala niya.
“At that time, iyon pa
lang ang napangahasan kong sabihin,” sagot ni Matt. “Inaamin ko naman, e.
Mabagal talaga akong kumilos, lalo na pagdating sa iyo. Parang takot na takot
akong mangahas. Baka bigla ka na naman kasing umatras. Baka bigla mo uli akong
talikuran gaya noon. Kaya nga naging sigurista ako. Siniguro ko munang maging
matibay ang friendship natin bago ang susunod na hakbang. Akala ko, nagawa ko
na iyon.”
Muling sumungaw ang mga
luha sa mga mata ng dalaga. Iba na ang dahilan.
Nasaling ang kanyang puso
sa mga ipinagtapat ni Matt. Hindi nga ba’t iyon mismo ang kaytagal na niyang
pinangarap na marinig?
Pero ngayo’y may kasamang
pait ang pagtanggap niya sa mga salitang iyon. Nahihiya kasi siya kay Matt. Sa
mga pagdududa niya. Sa mga pinagsasabi niya.
“I never played a game with
you,” sabi pa ng binata. “I love you. Ganito lang kasimple.”
“Hindi na simple ngayon,”
pahikbing sagot niya. “After everything I said, sa nationwide TV pa man din
kagabi. At sa harap mo ngayon. I’ve ruined everything.
“No you haven’t,” mabilis na iling
ni Matt. “I don’t care about what you said on TV. Tama ka naman, e. Nag-react
ka lang sa mga iresponsableng salitang binitiwan ni Peachy. I don’t blame you
for feeling bad after hearing her. I don’t blame you for any of your reactions.
By the way, I’ve already confronted her. At wala akong pakialam sa sasabihin ng
iba. Ang mahalaga sa akin ay magkalinawan tayong dalawa. Now that you know the
truth, where do we stand?”
Sinalubong ni Niandra ang
matiim na tinig ni Matt.
“Kailangan mo pa bang itanong
iyan?” ganting tanong niya. “Hindi mo pa rin alam?”
Ngumiti nang bahagya si
Matt. Lumapit at hinaplos siya ng hintuturo sa pisngi.
“Alam kung sa alam,” sagot
nito. “Nararamdaman ko, siyempre. Hindi naman ako ganon kamanhid. Pero kasama
na kasi roon ang wishful thinking. So I want to hear it from you. I need to
hear it from you. Because I love you so very, very much.”
Bumagsak na muli ang mga
luha ni Niandra.
Hinuli ng kamay niya ang
kamay ni Matt. Dinala niya iyon sa kanyang mga labi at hinagkan.
“I love you, Matt,”
buong-puso niyang pahayag. “And I’m so sorry for doubting you.”
“I’m so sorry for giving
you cause to doubt me,” sagot ni Matt. “Biro mo, kamuntik na namang nasira ang
lahat dahil doon. Kung nagkataon, baka nasiraan na rin ako ng ulo.”
“Sabay tayo,” sabi ng
dalaga.
“So let’s not risk that
anymore, okay?” hiling ni Matt. “From now on, wala nang mag-aatubiling
magpahayag ng kahit ano sa isa’t isa.”
Tumango si Niandra.
“At makikinig muna tayo sa
isa’t isa bago kanino pa man,” dagdag niya.
Kamay naman niya ang
dinala ni Matt sa bibig nito para hagkan.
Hindi nasiyahan si Niandra
sa ganoon lang. Kaya siya na mismo ang tumingkayad para ihalili ang kanyang mga
labi sa pinagmulan ng kanyang kamay.
Parang nagulat si Matt
nang makitang heto na siya. Pero sansaglit lang iyon. Dahil ang binata na mismo
ang bumitiw sa kanyang kamay para yakapin siya’t kabigin nang mas papalapit.
Pakiramdam ni Niandra’y
nakatuntong siya sa ulap nang sa wakas ay maglapat ang kanilang mga labi.
Unang halik pagkatapos ng
kayhabang panahon. Kayrami nang naipong mga emosyon. Napakamakapangyarihan na ng kanilang mga damdamin. Pero hindi
natapos ang lahat sa isang marahas o makamundong halik. Hindi ganoon.
Naglapat ang kanilang mga
labi at nanatiling magkalapat lang muna nang ilang sandali. Magkahinang. Parang
magkayakap na tulad din nila. Ninanamnam ang pagkakadikit lang ng labi sa labi.
Matagal bago dahan-dahang
nagsimulang kumibot ang mga labi ni Matt. Pero hindi pa rin agresibo. Sa halip
ay puno ng lambing. Parang humahalik sa pinakamamahal na sanggol.
Ramdam na ramdam ni
Niandra ang lalim ng pag-ibig na iniaalay nito sa kaya. Puro. Wagas. Walang
bahid ng kamunduhan.
Maya-maya’y kumalas ang
binata. Tinitigan siya nang matiim.
“Marry me,” simpleng
hiling nito.
Tumango siya. Hindi na
kayang magsalita.
“Right now,” dugtong ni
Matt.
Kumunot ang noo ni
Niandra.
“Puwede ba iyon?” pabulong
niyang sagot.
“Puwede kung didiretso
tayo sa isang Justice of the Supreme Court,” sagot ni Matt. “May kokontra pa ba
sa legaligad ng ganoong kasalan?”
Namilog ang kanyang mga
mata.
“Seryoso ka?” sabi niya.
“I want you to be my wife,
Niandra,” pahayag ni Matt. “Ngayon na mismo. Bago may humarang na naman sa
pagitan natin. Hindi na ako papayag. Hindi na ako lalayo sa tabi mo. At
gagamitin ko ang lahat ng impluwensiya ko bilang isang Miravilla para
mapakasalan ka within the day. This time, my being a Miravilla will be a
definite plus in our favor. May reklamo?”
Ngumiti si Niandra.
“Magbibihis na ako,”
paalam niya.
“Mag-empake ka na rin,”
sagot ni Matt. “Itatakas kita right after the ceremony.”
(Kapag hindi
lumabas ang kasunod na chapter pagkatapos nito, pindutin ang > o
kaya’y ang Mga Lumang Mga Post na link.)
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento