FREE TAGALOG ROMANCE NOVELS
CHAPTER 7
HINDI rin napigil ni Matt ang kanyang sarili kinabukasan.
Ginawa na nga niya ang
lahat para makaiwas. Nang magising siya ay nag-workout muna. Nagpapawis nang
husto sa kanyang free weights. Nag-isang oras sa kanyang treadmill.
Pagkatapos makapag-shower
at makapagbihis, naghanda siya ng full breakfast. Iyong kuntodo omelette ng egg whites na puno ng gulay,
toasted whole wheat bread at freshly-made carrot-apple juice.
Nang makakain ay nagligpit
siya sa kusina at naghugas ng mga pinaglutuan at pinagkanan.
Akala niya’y mauubos na
roon ang kanyang momentum. Hindi pala. Dahil pagkatapos ng lahat ng iyon ay
kaybilis niyang nakalabas ng kanyang unit. Sandali lang at nagmamaneho na siya
– hindi patungo sa kanyang opisinang malapit sa airport kundi patungo sa Quezon
City. Sa Sikatuna Village.
Tinawagan na lang niya
mula sa kanyang cellphone ang opisina. Nagbilin siyang hindi siya makakapasok
sa araw na iyon.
Parang naka-automatic pilot
ang kanyang pagmamaneho. Namemorya yata ng bawat himaymay ng kanyang pagkatao
ang pabalik sa townhouse row na nakita niya kagabi.
Pumara siya sa tapat ng
mga townhouse. Ang problema’y hindi siya sigurado kung alin sa mga unit ang kay
Niandra – kung meron man. Hindi naman kasi niya nakitang umibis ang dalaga
kagabi.
Bahala na.
Nag-doorbell siya sa
pinakagitnang unit.
Sandali lang at bumukas
ang front door. May lumabas na babae. Maganda pero hindi si Niandra.
“Yes?” nakakunot-noong
tanong nito.
“Good morning,” sabi ni
Matt. “Puwede bang malaman kung dito nakatira si Niandra Moran?”
Sagit na natigilan ang
babae.
“No, this is my unit,”
sagot nito pagkaraka.
“Oh, I’m sorry,” sabi ni
Matt. “Pero would you know if she lives in any of the other units?”
Saglit uling parang
nag-isip ang babae.
“Kalilipat ko lang dito,
e,” sagot nito mayamaya. “Sandali, let me check.”
At bumalik na ito sa loob
ng bahay. Isinarang muli ang front door.
Hindi na malaman ni Matt
kung aasa ba siya o maghahandang muling mabigo.
MAAGANG gumising si Niandra kahit rest day niya ngayon.
Ganoon siya pagkatapos ng
kanyang mga show. Nagre-relax muna. Kailangang mag-unwind.
Pagkagising ay nag-workout
siya. Wala naman siyang kailangang mga
espesyal na exercise equipment. Nagsisimula lang siya sa mga stretches.
Pagkatapos, sandaang push-ups na katapat na rin ng weight-lifting dahil
binubuhat niya ang sariling bigat. Kasunod niyon ang isang oras na pagsasayaw
nang non-stop bilang aerobics.
Natapos nang maayos ang
kanyang workout. Nakapaligo siya’t nakapag-almusal ng isang puswelo ng oatmeal
na walang gatas pero may honey, kalahating melon at isang tasa ng herbal tea.
Ngayo’y prente siyang
nakahiga sa kanyang sopa sa salas, sinisimulang basahin ang isa sa mga
pocketbooks na matagal nang naghihintay ng kanyang atensiyon.
Tumunog ang telepono.
“Niandra, si Queenie,”
sabi ng nasa kabilang linya nang sagutin niya ito.
“Oh, hi,” masayang sabi
niya. “What’s up?”
Kaibigan niya si Queenie.
Bagong lipat lang ito sa katabi niyang unit. Umuupa sa dating tinitirhan ng
kaibigan din niyang si Krizha na mula nang mag-asawa ay lumipat na ng tirahan.
“May isang cute guy na
nakatayo ngayon sa tapat ng tarangkahan ko,” pagbabalita nito. “Itinatanong
kung nakatira ka ba sa isa sa mga units dito. Silipin mo from your window –
then tell me what to do.”
Kinabahan si Niandra.
Sumilip siya. Si Matt nga.
“Yes!” hindi niya napigil
na maibulalas.
Natawa si Queenie.
“My thoughts exactly,”
sabi nito. “Sige at nang hindi na maghintay nang matagal si Mr. Hunk. I’ll send
him right over.”
“Thanks so much, Queenie,”
sabi niya.
“Basta magkukuwento ka sa
akin later, ha?” bilin ng kanyang kapitbahay. “I want to know everything that’s
going on between you and this delectable guy.”
“Oo, promise,” natatawang
sagot niya. “And you won’t be disappointed. Pang-nobela ang kuwento naming
dalawa. Hindi ko nga lang alam kung ano ang magiging ending.”
“Aba, madali lang iyon,”
sabi ni Queenie. “It’s all in your hands, girl. Make it happen.”
“I think I’ll do just that,”
sang-ayon niya. “Sige na, send him to me na.”
“’Bye... and have fun,”
paalam ni Queenie.
NAIINIP na si Matt kahit sasandali pa lang namang nawala ang babaing
kausap niya. Kung hindi kasi dito nakatira si Niandra ay gusto na niyang makaalis
para makapaghanap ng ibang alternatibo. Sa mga sandaling ito’y desidido talaga
siyang makita ang dalaga.
Bumukas uli ang pinto ng
bahay na tinatapatan niya. Nakangiti na ang babae nang lumabas. Lumapit pa sa
gate.
“You’re in luck,” sabi
nito. “She lives right next door. Diyan, o.”
Itinuro pa nito ang
katabing unit.
“Ganoon ba?” masayang
sagot ni Matt. “Thank you, ha?”
“No problem,” sagot ng
babae. “I hope you don’t mind, though. I told you a white lie kanina. Alam ko nang
diyan nakatira si Niandra, but I had to check with her first bago ko iyon
aminin sa iyo. I called her up. So now she knows you’re coming.”
“Okay lang iyon,” tango ni
Matt. “Dapat lang namang maingat kayo. Again, thank you for your help. By the
way, I’m Matt Miravilla.”
“And I’m Queenie Real,”
sagot ng babae.
“I’m glad to meet you,
Queenie,” sabi ni Matt. “Masuwerte si Niandra for having such a concerned
neighbor.”
“Well, we’re not just
neighbors,” pakibit-balikat na sagot ni Queenie. “We’re good friends. Anyway, I
guess I’ll be seeing you a lot from now on – but next door na.”
May kapilyahan ang ngiting
ipinukol nito sa kanya.
Natawa si Matt.
“I suppose so,” sagot
niya. “Sige, see you.”
Maliksi ang kanyang mga
hakbang patungo sa kabilang unit. Masayang-masaya siya.
Napakalaking bagay na
malaman niyang alam na ni Niandra na narito siya – at pumayag itong patuluyin
siya. Aba, magandang senyales.
NAKAPAGHANDA na si Niandra nang tumunog ang doorbell.
Nakasulyap na siya sa
salamin para siguruhing maayos ang kanyang mukha, buhok at kasuotan.
Mabuti na lang pala at
ginanahan siyang magbihis nang medyo sexy kaninang umaga. Naka-leggings siya nang
itim, capri-style – manipis, hapit na hapit at hanggang makalampas-tuhod
lamang. Ang pang-itaas niya ay spaghetti-strapped tank top na may gray and black
stripes, malambot ang bagsak at parang micromini dress ang haba.
Handang-handa na siyang
humarap kay Matt. At bakas ang kahandaang iyon sa maaliwalas niyang ngiti nang
pagbuksan ng pinto ang binata.
“Hi,” nakangiti ring bungad
nito. “Remember me?”
“Hmm, teka... parang
namumukhaan nga yata kita,” pabirong sagot ni Niandra.
Natawa lang si Matt.
“Ganoon na nga ba katagal
iyon?” tanong nito.
“Hindi,” iling niya. “Of
course, I remember you. Halika, tuloy ka.”
Pinaupo niya ito sa salas.
Magkaharap sila.
“Nakita kita sa show ko
the other night,” sabi ni Niandra. “Thanks for watching, ha?”
“Noon ko pa nga sana
gustong manood – magmula noong i-launch ka sa TV,” sagot ni Matt. “I’ve been so
proud of your success. So happy for you.”
“Thank you,” sabi uli niya.
“Hindi ka ba nagtataka
kung paano ko nalaman itong tinitirhan mo?” tanong ni Matt.
“Oo nga pala,” sagot ni
Niandra. “Paano nga ba? I’m sure, hindi ibibigay sa iyo ng management agency ko
ang address na ito without my knowledge.”
“Huwag kang magagalit,
ha?” pagpapauna na ni Matt. “I have a confession to make. Ang totoo niyan,
nakita kitang paalis sa hotel kagabi. Papalabas din ako ng parking lot noong
sinundo ka ng van sa may hotel entrance. Ewan ko ba, tinoyo yata ako. Sinundan
ko kayo.”
Tumaas ang magkabilang
kilay ni Niandra.
“What?” bulalas niya.
“I’m sorry,” agap ni Matt.
“I know it wasn’t the right thing to do. I don’t know what came over me. Huwag
mo naman sanang isipin na stalker ako. I don’t mean you any harm. At kung ayaw mo
na akong pabalikin dito, just say so.”
“Teka... teka...” singit
ni Niandra nang nakataas ang dalawang palad. “Slow down. Nagulat lang ako na
ginawa mo ‘yon. Hindi naman ako nagagalit.”
“Really?” pagtataka ni
Matt.
“Well, actually, hindi mo
nga dapat ginawa iyon,” pagpapatuloy ni Niandra. “At kung naging ibang tao ka
siguro – I mean, a total stranger – magagalit nga ako at matatakot pa.”
“Dapat lang,” tango ni
Matt. “Inexcusable talaga iyong ginawa ko – even if we already know each
other.”
“You’re forgiven, though,”
sabi ni Niandra. “But next time, just approach me if there’s anything you need,
okay?”
“Promise,” sagot ni Matt
nang nakataas pa ang kanang kamay.
“Teka nga pala,” sabi ni
Niandra habang papatayo mula sa kanyang kinauupuan, “let me get you a glass of
juice.”
“Huwag na,” awat ni Matt.
“Thanks, but I just had a heavy breakfast. Maupo ka na lang dito.”
“Sigurado ka?” sabi niya.
“Or maybe you’d like something hot – coffee or tea? Meron din akong herbal
tea.”
Umiling si Matt.
“I’d prefer your
conversation,” sagot nito.
Nangiti si Niandra habang
papaupong muli.
“So, kumusta ka na?”
tanong niya. “I suppose may mga nababalitaan ka na tungkol sa akin pero wala na
akong balita tungkol sa iyo.”
“Heto... still single,”
himig pagbibirong sagot ni Matt.
“Ganoon ba?” sabi ni
Niandra na hindi nagpapahalata ng kanyang katuwaan sa balitang iyon. “At ano
naman ang pinagkakaabalahan mo these days?”
“I’m in the brokerage
business,” sagot ng binata.
Dumukot ito sa bulsa at naglabas
ng calling card. Iniabot sa kanya.
“Kung kailangan mo ng
services ng brokerage, I can help,” sabi nito. “Nandiyan din ang personal
numbers ko in case you need some other kind of help. Kahit ano – kahit pa kapag
nasiraan ang kotse mo sa daan.”
Natawa si Niandra.
“That’s a reassuring thought,”
sagot niya. “May back-up na pala ang towing service ko.”
“Nabalitaan kong wala na
kayo sa Sta. Cecilia,” sabi ni Matt. “Matagal na iyon. Kaya nga natuwa ako
no’ng nakita kita sa TV. I thought I’d never see you again.”
Bahagyang namula si
Niandra.
Hindi niya masabing iyon
din mismo ang kinatatakutan niya noon.
“Dinala na kasi ng sister
ko sa States ang parents namin,” paliwanag niya. “Iyong brothers ko naman,
nagkanya-kanyang pamilya na. Nasa Ilocos ‘yung isa. Nasa Cebu naman ‘yung pangalawa.”
“Mabuti at hindi ka
isinama sa States,” sabi ni Matt.
“Isinasama nga ako, e,”
sagot niya. “Ayoko lang. Mas gusto ko rito. Hindi ako maa-at-home doon. Lagi
akong maa-alienate. Tama na sa akin ‘yung makapag-tour doon nang kaunti, kasama
na rin ang shows.”
“Nabalitaan ko rin iyon,”
sabi ng binata. “Congratulations. Biro mo, big hit ang shows mo kahit doon.”
“Iyon naman kasing mga
kababayan natin abroad, laging sabik sa Filipino performers,” mapagkumbabang
sagot niya. “Sinuwerte tuloy ako.”
“No, it’s not just that,”
tanggi ni Matt. “Meron din namang mga celebrities nating hindi gaanong
nag-click ang mga shows doon. You’ve really made it. And you can claim all the
credit dahil ikaw rin mismo ang sumusulat ng material mo. Hindi birong talent iyan.”
“Hindi ko nga akalaing
mapapasok ako sa ganitong field,” amin niya. “Alam mo naman kung gaano ako
ka-shy noon.”
“I remember,” nakangiting
sagot ni Matt. “Hindi ka nga makatingin nang diretso sa kausap mo noon, e.”
“I learned a lot in
Baguio,” sabi niya.
Hindi niya sinabing kasama
sa kanyang learning experiences iyong huli nilang pagkikita roon.
“At no’ng magtrabaho ako
sa TV after college, mas marami pa akong natutunan,” pagpapatuloy ni Niandra.
“Iba talaga ‘yung on-the-job training. Doon ako natuto na magsulat ng scripts
at magtantiya ng audience.”
“I’m glad you didn’t leave
your singing behind,” sabi ni Matt. “You’re a very good comedienne but you’re
an even better singer. Noon, kahit wala kang formal training, ang ganda na ng
boses mo. Now it’s even fuller.”
“Nag-lessons na rin ako,”
sagot niya. “In fact, I still have a voice coach. We’re still trying to improve
my reach. Ang target namin ay iyong pupuwede akong kumanta nang acapella from
the stage even without a microphone. Parang pang-opera o stage musicale.”
“Wow!” sabi ni Matt.
Tuluy-tuloy ang kuwentuhan
nila. Kakatwa pero sa simula pa lang ay naging napakakumportable na nila sa
isa’t isa. Para bang dati na silang nagkakausap nang ganoon samantalang
napakalayo niyon sa dati nilang mga maiikling palitan ng salita.
Nagulat na lang sila nang
tumunog ang cuckoo clock na nasa dinding ni Niandra. May kakatwa iyong musika
tuwing alas-dose ng tanghali.
“Naku, twelve na pala,”
sabi ni Niandra. “Teka, let’s have lunch. Doon na tayo sa kitchen. I can whip
up something simple.”
“Actually, I’d like to
invite you out for lunch,” sabi ni Matt.
“Sus, lalabas pa ba tayo?”
tanggi niya. “Mas matatagalan pa iyon. Dito na lang. Pagtiyagaan mo nga lang
ang anumang maihahanda ko. I have some salad vegies and some good ham – puwede nang
gawing chef’s salad. May pasta rin diyan na madali lang i-prepare. Dagdagan
natin ng canned soup. Okay na ba iyon?”
“Mapapagod ka pa,” sabi ni
Matt. “Marami namang malapit na kainan dito.”
“Next time na lang iyon,”
suwabeng-suwabeng sagot ni Niandra.
“Is that a promise?” tanong
ng binata.
“Oo naman,” sagot niya.
“Just let me know in advance para hindi mag-conflict sa schedules ko.”
“Di tutulungan na lang
kitang mag-prepare ng lunch ngayon,” masayang sang-ayon ni Matt. “Marunong din
naman akong magluto, baka akala mo.”
“Really?” gulat na sabi ni
Niandra. “Sige nga, tingnan natin...”
(Kapag hindi
lumabas ang kasunod na chapter pagkatapos nito, pindutin ang > o
kaya’y ang Mga Lumang Mga Post na link.)
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento