FREE TAGALOG ROMANCE NOVELS
CHAPTER 10
BAGO pa man naipa-deliver ni Paula kay Moncie ang nude sculpture ni
Richard, may dumating sa kanilang mga imbitasyon para sa anibersaryo nina Rica
at Libby.
You are cordially invited to witness
and join the celebration
as my sister, Rica,
and my friend, Libby,
pledge love, honor, respect, and fidelity
to each other...
Ang nakapirma sa
imbitasyon ay si Richard Romero.
“Totoo ba ito, Moncie?”
hindi makapaniwalang sambit ni Paula.
“Alangan namang
kunwa-kunwarian lang,” sagot ng kaibigan. “Ang sweet, ano?”
Sa pinakamalaking ballroom
ng New Haven Spa Hotel ginanap ang selebrasyon. Puno ng tao ang venue na
dinekorasyunan nang parang sa isang engagement party.
Black and white ang motif
ng event. Black or white o kombinasyon ng mga ito ang hiniling ng imbitasyon na
isuot ng mga bisita.
Nakaitim si Paula. Simpleng
ankle length dress na may V-neckline at malambot ang bagsak.
Si Moncie, dressed for a
wedding. Sinaunang off-white na barong at off-white na pantalon. Pati sapatos
nito ay puti. May dala pang puting gentleman’s hat at puting walking stick for
effect.
Ang sumalubong sa kanila
ay sina Rica at Libby.
Naka-formal din ang
dalawa. Magkaibang gown na parehong gawa sa plain ivory-colored bridal satin.
Sabrina-cut at sleveless kay Rica. Tube-style kay Libby. Dalawang pagkagagandang
babae na in bloom.
“Paula, thanks so much for
coming,” sabi ni Rica pagyakap sa kanya. “In fact, thanks so much for
everything. Alam mo bang malaki ang kinalaman mo sa event na ito? Dahil sa iyo,
Richard finally opened his heart to us.”
“I’m so happy for you,”
maluha-luhang sagot niya.
Nagyakap din sila ni
Libby.
“You accomplished the
impossible,” sabi nito. “Because of you, kumpletung-kumpleto na ang happiness
namin ngayon.”
“Bakit naman dahil sa
akin?” tanggi pa ng dalaga. “Richard is responsible for his own decisions. Siya
lang ang maaaring makapagpabago sa sarili niya.”
“True,” sang-ayon ni Rica.
“Pero ikaw ang naging catalyst for that change. Dahil sa paninindigan mo sa
iyong mga prinsipyo at sa no-holds-barred na mga puna mo sa kanya, nagsimula
siyang tumingin sa paligid from a different perspective. Unti-unti niyang sinubukang
lumabas mula sa makitid niyang pananaw. Gusto raw kasi niyang makita for
himself iyong mga sinasabi mong kahanga-hanga sa relationship namin ni Libby –
na hindi talaga niya makita noon. When he tried doing that, namulat din siya sa
marami pang mga katotohanan. Ang bilis nga, e.”
“Hindi na nga raw siya
anti-LGBTQ ngayon, sabi nila,” sagot ni Paula. “Mabilis ding kumalat ang
balita.”
“Paano naman, lagi na
siyang sumasama sa amin kahit na saang LGBTQ-centered affair,” sabi ni Libby.
“Kung hindi ka biglang nawala sa circulation, you would have seen the three of
us together everywhere.”
“I was working on a
project,” pagdadahilan niya. “Kaya hindi ako nakaka-attend ng mga socials.”
“Ito ngang anniversary na
ito, maliit na get-together lang sana,” pahayag ni Rica. “Idea niya na gawing
ganito. Regalo raw niya sa amin.”
Naninikip na talaga ang
dibdib ni Paula sa emosyon.
“But where is he?” tanong
ni Moncie.
“Nandiyan sa loob,” sagot
ni Rica. “Nag-iistima sa mga bisita. You’ll be surprised kung gaano na kagaan
ang pakikipagbiruan niya sa mga kaibigan natin.”
Nang makita nina Paula ang
binata, nakaitim din pala ito na suit. May katernong puting long-sleeved shirt.
Kahit nasa kabilang dulo
ito ng ballroom, mabilis na tumawid patungo sa kanila.
Nakita rin nila ang
kabi-kabilang pagbati nito sa mga tao along the way.
“O, may pagdududa ka pa
ba?” tanong ni Moncie bago ito nakalapit sa kanila.
“He’s sincere,” amin na
niya. “Pero... baka may sama ng loob siya sa akin. I didn’t trust him enough to
believe he’s capable of doing this. I should have known better. Despite
everything naman kasi, kahit na isang typical male chauvinist siya noon, he was
a good man inside. Doon ako dapat nagtiwala. Sayang.”
Pagdating ni Richard sa
harap nila, pagkaliwa-liwanag ng ngiti nito.
“Finally! The two people I
miss most. Bakit ngayon ko lang kayo nakitang lumabas uli?”
“May rush interior decorating
and landscaping job kasi ako sa Tagaytay,” paliwanag ni Moncie. “I was always
there. Ito namang si Paula, abala sa ipinagawa mo, remember?”
“It’s finally finished,” pagbabalita
niya, pilit na ngumingiti na parang wala siyang inaalala. “Ipapa-deliver ko na
nga sa iyo, e.”
“Great!” sagot ni Richard.
“Come, ihahanap ko kayo ng table.”
“Bahala ka na lang kay
Paula, Rich,” iwas ni Moncie. “I have to talk to Reynard over there.”
At bago pa makatanggi ang
dalaga ay iniwan na sila nito.
“Will you share a table
with me... again?” tanong ni Richard.
“Of course,” kunwa’y
balewalang sagot niya.
Espesyal pala ang mesang
nakareserba kay Richard. Nasa inner circle na nakapaikot sa pinakagitna ng
ballroom kung saan magaganap ang public declaration nina Rica at Libby sa isa’t
isa.
“Hindi pa ako nakakapagpasalamat
sa iyo,” sabi ng binata nang makaupo sila. “You made me capable of appreciating
all these.”
“I didn’t make you do
anything,” pagtatama ni Paula. “Sariling kagustuhan mo iyon. Ako, ipinahayag ko
lang ang mga paniniwala ko sa iyo. It was all up to you kung tatanggapin mo o
hindi.”
“Pero dahil napahanga mo
ako, I felt the need to at least try to see things from your point of view,”
paliwanag ni Richard. “Gusto lang kitang maintindihan. Gusto kong makita kung
ano ba talaga ‘yung pinaninindigan mo. At tama ka. It’s a stand that’s
definitely worth defending. Dapat nga na mabawasan ang mga makikitid ang isip
sa mundong ito.”
“I’m sorry kung naging
masyado akong malupit sa iyo noon,” bawi
ni Paula.
“Kung hindi mo ako
ginanoon, hindi rin naman ako matatauhan,” sagot ng binata.
“I’m glad everyone’s happy
now,” pilit pa ring ngumingiting pahayag niya.
Nagsimula ang seremonya.
May master of ceremonies
na nagkuwento nang pahapyaw tungkol sa tinakbo ng relasyon nina Rica at Libby.
May ipinalabas na video presentation – regalo ng ilang mga kaibigan. Mga
pinagtagni-tagning home video clips at still pictures ng dalawa through the
years, kasabay ng angkop na musical scoring. Pagkatapos, may ilan pa uling mga
kaibigan na nagbigay ng kanya-kanyang personal message para sa dalawa.
Pinaka-highlight ng
seremonya nang sina Rica at Libby na mismo ang nagsalita.
Nauna si Libby. Ikinuwento
nito ang lahat ng mga kaibig-ibig na katangian ng partner.
Sumagot si Rica. Ganoon
din.
Sumunod ang sabay nilang
pag-toast sa isa’t isa at ang palitan ng mga pledges.
Umugong ang bulwagan sa
palakpakan at mga sigaw ng “Congratulations!” at “Way to go!”
Nang humupa iyon, bumaling
ang dalawa sa mga panauhin. Nagpasalamat.
“And finally, we would
like to thank our brother, Richard,” sabi ni Libby. “Thank you for accepting us
into your heart, thereby blessing our happiness with your love.”
“We knew it was just a
matter of time, Rich,” dagdag ni Rica. “You were always a beautiful person
within. Now it’s shining through every gorgeous pore of your being.”
Palakpakan ang mga
panauhin, kasabay ng masayang tawanan.
Nakipalakpak si Paula,
pero ang totoo niyon ay parang nanliliit siya. Tinamaan siya nang husto ng mga
sinabi ni Rica, kahit alam niyang walang ganoong intensiyon ang kaibigan.
Hiyang-hiya siya kay Richard.
Kaya tuloy nang matapos
ang kasayahan ay isa siya sa mga naunang nagpaalam. Hinintay lang niyang may
mga mauna nang kaunti sa kanya para medyo disimulado.
Una siyang nagpaalam kay
Moncie.
“You’re running away,”
pabulong na sumbat nito sa kanya.
Aminado siya kaya
nginitian lang niya ito nang malungkot.
“I’ll call you tomorrow,”
sabi niya sa kaibigan.
Sina Rica at Libby,
halatang nagulat nang sa mga ito naman siya magsabi. Pero hindi rin siya
inusisa. Nagpasalamat lang uli ang dalawa. Niyakap siya nang mahigpit.
“Call us if you need to
talk about anything,” bilin ni Rica.
Pahaging na may alam na
rin pala ito.
Nang magsabi siya kay
Richard, hindi ito pumayag na hindi siya ihatid sa labas. Kumaway lang ito ng
pamamaalam sa kapatid.
Nang magkasarilinan sila
sa labas ng ballroom, pinigil siya nito sa siko.
“Paula, can we talk first?”
hiling ng binata.
“We’ve been talking the
whole night,” nakangiting sagot niya.
“No,” iling nito. “We’ve
been acting like polite strangers the whole night. Iba ‘yon.”
Iginiya siya nitong patungo
sa isang loveseat na nasa medyo tagong sulok ng lobby, natatabingan ng malaking
palmera. Halatang sadyang inayos ang lugar para sa mga pribadong pag-uusap.
Sumunod si Paula nang igiya
siya ng binata na maupo sa tabi nito.
“Akala ko ba, we could be
friends?” tanong nito. “May galit ka ba sa akin? Of all people, ikaw pa naman
ang inaasahan kong matutuwa sa mga developments sa pagkatao nito.
“I appreciate everything
you’ve done, Richard,” sagot niya. “I do. Tuwang-tuwa ako para kina Rica.”
“Then why the cold
treatment?” tanong ng binata. “Kahit ngiti ka nang ngiti the whole night, it
doesn’t reach your eyes. Hindi ka masaya. Alam ko. Kilala kita kung masaya ka.”
Nagtapat na siya.
“Ang totoo, nahihiya ako
sa iyo,” sagot niya. “Nanliliit ako, actually. Ang yabang ko kasi noon.
Napaka-self-righteous. Para bang ako lang ang capable na maging open-minded.
Hindi ako naniwala na kaya mo ngang magbago. Akala ko pa, gimik mo lang iyon
para ma-seduce uli ako. Pagkatapos, just like that, nagbago ka. Totally. Parang
sampal sa mukha ko.”
“Of course not,” mabilis
na tanggi ni Richard. “Hindi ganoon iyon. Tribute pa nga sa iyo itong mga
pagbabago ko. Wala akong intensiyon na sumbatan ka. Why should I do that? Lahat
ng ito, inspired by you.”
“Lalo lang akong nahihiya
kapag sinasabi mo iyan,” iling ni Paula. “You make me sound like a
heroine. Pero kung tutuusin, I didn’t
have enough faith in you. At naging duwag ako. Naging concerned lang sa
pagprotekta sa sarili ko. I didn’t want to risk getting hurt in the end.”
“Kaya nga sinikap kong
bawasan ang risk factor,” sagot ng binata. “Tama lang naman kasi na matakot ka
noon. I was a real chauvinist pig. Kahit naman noon, aminado ako. Ngayon, mas
lalo kong naiintindihan kung bakit inayawan mo ako. And I’m hoping that the
changes will convince you to give me another chance. Kahit na alam ko na rin
ngayon na wala talagang guarantees sa kahit na anong relationship. I can only
promise you my sincerity. At maipapangako ko rin that I’ll be faithful. Hindi
naman pala mahirap iyon. In fact, all the time na wala tayong contact sa isa’t
isa, I never even felt attracted to any other woman. Ikaw lang ang hinahanap
ko.”
Tumaas ang kilay ni Paula.
“Strange but true,”
nakangiting giit ng binata. “And I already respect you and your beliefs. Siguro
naman, kitang-kita na iyon sa mga pagbabagong nangyari sa akin. Pero ang
pinakamahalaga sa lahat, habang nagbabago ako, I realized one thing. I’m deeply
in love with you.”
Napatigagal si Paula.
Kinuha ni Richard ang
dalawang kamay niya. Pinisil.
“I’m totally, irrevocably
in love with you,” sabi pa nito. “At kung hindi ka dumating ngayong gabi. I
would have gone to see you tomorrow. Gagawin ko ang lahat just to make you
believe me.”
“I believe you,” mabilis na
sagot niya. “You don’t have to do anything to prove it, Rich. Dapat nga noon ko
pa na-realize how trustworthy your word is.”
“You believe me?”
tuwang-tuwang ulit ng binata.
Tumango siya.
“And...?” patanong na
dagdag nito, naghihintay ng katugon na mga salita.
Lumungkot ang mukha ni
Paula.
“But how can you believe
me if I say I love you, too?” sagot niya. “Nakita mo naman, nagkulang ako sa
pagtitiwala sa kakayahan mo. Anong klaseng love iyon?”
“Hindi ko susukatin ang
feelings mo,” pakli ng binata. “Walang sukatan dito. Ako man, ang dami ng mga
pagkukulang ko noon. I knew I loved my sister pero nakita mo naman kung ano ang
naging attitude ko sa kanya noon. Nobody’s perfect. And I’m glad I’ve changed
para maging workable ang relationship natin. That is, if you’re willing to give
me a chance.”
Nahilam sa luha ang mga
mata ni Paula.
“Ano pa ba ang hahanapin
ko?” sagot niya. “Kung ikaw nga, you’re giving me another chance. So, yes, I’m
very willing to take that.”
Nagtama ang kanilang
paningin. Sabay silang napangiti.
Hindi na nila naalalang
nasa lobby pala sila ng hotel. Kusa nang nagtagpo ang kanilang mga labi.
Kunsabagay, hindi nga ba’t iyon ang purpose ng isang loveseat?
Nabuhay ang lahat ng
pananabik nila sa isa’t isa. Ang lahat ng alaala ng kaisa-isang maghapong
pinagsaluhan nila.
Nang magbitiw sila at
muling magkatitigan, nakita ni Paula sa mga mata ni Richard na magkatulad sila
ng inaasam. Pero walang sinasabi ang binata. Hinihintay ang kanyang pasya.
“Safe bang iiwan ko rito
ang kotse ko?” tanong niya.
“Kung nasa basement,”
sagot nito. “Magbabayad lang tayo ng malaking parking fee later.”
Tumango siya.
“Okay lang iyon,” sabi
niya. “Hindi ko na kayang mag-drive, e. Para akong lasing. Puwede bang kotse mo
na lang ang sakyan natin?”
“Of course,” sagot nito.
Nanaog sila sa basement
kung saan naroon din ang kotse ni Richard.
Wala silang imikan.
Magkahawak-kamay lang.
Papalabas na sa kalsada
ang sasakyan nang magtanong ang binata.
“Where to?”
“Do you have to ask?”
sagot niya.
“I don’t want to presume,”
nakangiting sagot ni Richard. “But I’m hoping. In fact, I’m begging.”
Natawa si Paula.
“Talaga, ha?” sagot niya.
“At handa ka bang gawin ang lahat ng gusto ko?”
“Basta ba pagkatapos
niyon, ako naman,” pakli ni Richard. “And you know how well I can match your demands.”
“Tingnan natin...”
mapanuksong hamon ni Paula.
Bumilis ang takbo ng kotse patungo sa condominium ni Richard.
WAKAS
Basahin ang kwento ng pag-ibig
ng kapatid ni Paula sa
Abakada ng Pag-ibig: Shaira
(Kapag hindi
lumabas ang kasunod na chapter pagkatapos nito, pindutin ang > o
kaya’y ang Mga Lumang Mga Post na link.)
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento