FREE TAGALOG ROMANCE NOVELS
CHAPTER 3
GUMAPANG ang malakuryenteng init mula sa palad ni Paula. Lumukob sa
kanyang buong katawan.
Tinangka niyang bawiin
agad ang kanyang kamay. Pero napakahigpit ng pagkakahawak sa kanya ni Richard.
Nakangiting tinagalan pa nito ang pagkakabihag sa kanyang palad. Parang pinapatunayan
kung sino sa kanila ang mas makapangyarihan.
Hindi na lumaban si Paula.
Wala rin namang mangyayari. Sa totoo lang ay nanghihina nga yata ang kanyang
mga tuhod. Nanlalambot.
Kaya nga lalo siyang
napipikon sa lalaking ito. Sa kabila ng kanyang negatibong reaksiyon sa hayagan
nitong paghagod sa kanya ng tingin mula ulo hanggang paa, kabaligtaran naman
ang naging tugon ng kanyang katawan.
Para siyang sinisilaban.
Alam niyang ang turing sa kanya ni Richard Romero ay isang sex object lamang
pero sa halip na manlamig siya rito ay lalo pang nabuhay ang bawat himaymay ng
kanyang laman. Lalong bumilis ang pagsulak ng kanyang dugo sa buong katawan.
Ngayon lang nangyari kay
Paula na nagrebelde ang kanyang katawan sa kanyang isip.
Pero nagawa pa rin niyang
palambutin ang kanyang kamay. Itigil ang pagbawi niya rito. Iyon na lang ang
puwede niyang gawin. Kung makikipagmatigasan siya’y siya rin ang talo.
Mahahalatang nagpa-panic na siya.
Nang magpaubaya si Paula
ay saka lang siya binitiwan ni Richard. Nakangiti pa rin ito na parang
nakakaloko.
“So you’re the famous
sculptor,” sabi ng binata.
Tinapunan nito ng tingin
ang kanyang pinakamalapit na obra.
“You’re quite an expert on
the male body,” dagdag pa nito.
Hindi nakaila kay Paula na
parang nananadya pa ito sa pagpili ng mga salita.
A, hindi na talaga niya
puwedeng palampasin ang kalokohan ng lalaking ito. Kung hindi ito makuha sa
matatalim na tingin, iibahin niya ang kanyang atake.
Siguro naman, patas lang
kung ang isang male chauvinist na tulad nitong si Richard Romero ay bigyan ng
isang leksiyon. Kung ibalik niya rito ang eksaktong uri ng pagtingin na
iginagawad nito sa kanya.
Ngumiti si Paula.
Pagkatapos, dahan-dahan at buong laya niyang hinagod ng tingin ang binata mula
ulo hanggang paa, at pabalik pa.
“Hmm, quite true,” sagot
niya. “Sa isang tingin lang, I can accurately evaluate a man’s body. Kung
papasa ba siya... na maging modelo, I mean.”
Pagkatapos, sadyang iniwan
na niya ng tingin ang binata – na para bang gusto niyang ipaabot na hindi siya gaanong
impressed dito. Nginitian niya sina Rica at Moncie.
Bahagyang napamulagat
naman sa kanya ang kanyang mga kaibigan.
Kilalang-kilala kasi siya
ng mga ito. Alam na hindi niya ugali ang ginawa niyang iyon.
May pag-aalala rin sa
mukha ng dalawa. Nahigingan marahil ng mga ito ang pagkapikon niya. Alam na
alam din kasi ng mga ito ang reaksiyon niya sa mga lalaking kasing-ugali ni
Richard Romero.
Tumikhim si Moncie.
“Excuse me,” sabi nito. “I
see some friends coming in. Sasalubungin lang namin ni Paula.”
“Kami naman, we should
find Libby,” salo ni Rica. “Ahm... Rich?”
Halatang gusto ng mga
itong ilayo sa isa’t isa sina Richard at Paula.
Pero hindi man lang
napingasan ang ngiti ng binata.
“Kung puwede sana, dito na
lang muna kami ni Paula,” sagot nito. “Hihingi ako ng guided tour with the
artist herself. I’d like to look at each of her pieces more closely.”
“Interesado ka rin pala sa
male body,” nakataas ang kilay na sabi ni Paula. “Baka mas gusto mong si Moncie
ang mag-tour sa iyo. Baka mas magkatulad kayo ng point of view.”
Para na rin niyang
sinabing “Oh, gay ka rin pala.”
Lalong napamulagat sa
kanya sina Rica at Moncie.
Tumawa lang si Richard.
“Mas gusto kong ikaw ang
magpaliwanag sa akin ng bawat obra mo,” sagot nito. “I want to know why you do
what you do. That is, kung hindi ka maiilang. I understand that some artists
would rather hide behind their work. Hinahayaan na lang na ipahayag sa mga obra
nila ang hindi nila magawang sabihin out loud in the open.”
Nagpanting ang tainga ni
Paula.
“I never hide behind my
work,” pahayag niya. “Open book sa lahat ang motivations ko sa aking trabaho.
It’s a declaration of what I stand for. Hindi ko itinatago ang mga paniniwala
ko.”
“Then may I be privileged
to hear about them?” tanong ni Richard.
“Of course,” pakibit-balikat
na sagot ng dalaga.
Binalingan niya ang
mukhang naaalarma na talagang sina Rica at Moncie.
“Ako na’ng bahala kay
Richard,” nakangiting sabi niya sa dalawa.
Ipinaaabot ng mga mata
niyang kayang-kaya na niya ang sitwasyon.
Walang nagawa ang mga ito
kundi ituloy ang pagpapaalam at paglayo.
“So where do we start?”
patanong na baling uli niya sa binata.
“With this one,”
suwabeng-suwabeng sagot nito.
Ang itinuro ay ang
pinakamalapit na life-sized wood sculpture ng isang lalaking hubad na nakatingala’t
nakapikit, parang naliligo sa ulan o nakapailalim sa bathroom shower. May
butil-butil pa ito ng tubig na kasamang nakaukit sa mukha, buhok at buong
katawan.
“I call this piece
‘Drenched,” paliwanag ni Paula. “Obviously, basang-basa siya. Maaaring sa pagpaligo
sa banyo o sa ulan. Either way, dahil nakahubad siya, we can conclude na sinadya
niyang magpakabasa. Ngayon, depende na lang sa interpretasyon ng titingin kung
siya ba’y nag-e-enjoy lang o sumasailalim sa isang cleansing ritual – na puwede
ring ordinaryong paglilinis lang ng katawan o mas malalimang spiritual
cleansing. I like to leave a lot to the minds and hearts of the viewers.”
Nakatayo silang dalawa sa
harap ng obra.
Mataman itong pinagmasdan
ni Richard, mula ulo hanggang paa.
“Do you use live models?”
tanong nito.
“I do,” tango niya. “I go
for realism.”
“Kaya pala,” tango ni
Richard. “Kung ano lang ang nandiyan, iyon din ang inilalabas mo. This guy
doesn’t look too impressive physically.”
Uminit na naman ang ulo ni
Paula. Nawalan na tuloy siya ng pakundangan sa pagbibitiw ng salita.
“Are we talking about the
size?” diretsahan nang sagot niya. “Akala ko pa naman, men of today have gotten
over that hang-up on size. Iyon pa rin pala ang unang makakakuha ng atensiyon
mo. May mga insecurities pa rin pala ang men of the nineties. Which brings us
directly to what I want to say in my art. Kung ano ang totoo sa modelo, iyon
ang ipinapakita ko. Hindi ko nireretoke ayon sa commercial standards ng kung
ano ba ang impressive. Naniniwala ako na ang bawat nilalang ay perpekto’t
maganda in an individual way. Walang kinalaman ang measurements ng katawan. Or
of a specific body part.”
“You think I’m insecure?”
natatawang sabi ni Richard. “Teka, teka... no way. I have no reason to be
insecure.”
Nagkibit-balikat si Paula.
“I don’t care if you
happen to be well-endowed,” sagot niya. “Insecurity pa ring matatawag kung
sobra naman ang obsession mo roon. Na para bang it’s the thing that matters
most. Well, ganoon lang daw ang nangyayari kung may kakulangan sa ibang bahagi
ng pagkatao. But like all women always say, size doesn’t matter. It’s the
performance that counts.”
“Wala rin akong problema
roon, or anywhere else for that matter,” napipikon na ring giit ni Richard.
“Unlike some people who may be using art as a way of expressing their real
selves. Like I always say to Rica, anuman ang gawin n’yo, hindi pa rin kayo
magiging lalaki.”
Natigilan si Paula.
Unang tumimo sa isip niya
ang di-makatarungang sinabi ng binata tungkol kay Rica.
“Never na ginusto ni Rica na
maging lalaki,” sagot niya kapagdaka. “You just don’t understand her.”
“Yeah... yeah,”
pagkikibit-balikat ni Richard. “Parehong-pareho kayo ng sinasabi. But these statues
speak the truth. This is what you want to be. Which is such a waste. You’re a
very desirable woman and you were meant to be with a man.”
Muling natigilan si Paula.
“You think I’m a lesbian?”
sabi niya nang mahimasmasan.
“Are you denying it?” hamon
ni Richard.
Napahalakhak si Paula.
“Wow,” iling niya
pagkatapos. “Ibang klase ka nga talaga. You’re so dense. You just don’t get it,
do you? You don’t understand anything. You think you’re a real man but you
don’t even recognize a real woman when you see one.”
Sa pagkadisgusto,
tinalikuran niya ito at balak iwan.
Pero hinagip ni Richard
ang kanyang kamay at hinatak siya nitong pabalik.
“But I do,” sagot nito.
“Kahit kaninang inakala kong katulad ka nina Rica at Libby, I still felt that
deep within you lies a real woman just waiting to wake up. Kaya nga hindi kita
pinakawalan.
Muling tumaas ang kilay ni
Paula.
“Typical male chauvinist
reaction,” sabi niya habang paigkas na binabawi ang kanyang kamay. “Akala mo,
kahit lesbian kaya mong gawing straight by virtue of your super virility. Wait
till I tell Rica and Libby. This will give them a good laugh. Mabuti na lang at
hindi mo iyan sinusubukang gawin kay Libby. At least you have some decency left
– hindi ka nag-a-attempt na i-seduce ang girlfriend ng sarili mong kapatid.”
“I was never attracted to
her in the first place,” sagot ni Richard. “And besides, I would never do that.
I love my sister, kahit monster ang tingin mo sa akin. As much as possible,
ayokong nasasaktan siya.”
“Really?” sabi ni Paula.
“Kung sincere ka, madali mo lang namang maiiwasan saktan ang kapatid mo. Just
accept her and understand her as a person. Don’t treat her like a freak. Isa
siya sa pinakamatinong taong nakilala ko. I hope you’ll learn to appreciate
that.”
“I do,” seryosong tango ni
Richard. “May mga bagay lang talaga na mahirap maunawaan. It takes time. But
I’m trying my best.”
Nagkibit-balikat si Paula.
“Well, that’s between you
and your sister,” sabi niya. “Good luck. For her sake, sana maliwanagan ka rin
ultimately. Pero wala na akong pakialam doon. So if you’ll excuse me, I don’t
see any point in continuing this discussion.”
Tatalikod sana siya uli
pero muli na naman siyang pinigil ni Richard. Sa siko naman siya hinawakan
nito.
“Ngayon ka pa ba aalis
kung kailan naging mas interesting ang usapan?” sabi nito. “I believe you. Hindi
ka lesbian. Babae ka. Actually, I’m so glad to hear that. It means we have much
more to talk about.”
“No, it doesn’t,” iling ni
Paula habang iniaalis uli sa pagkakahawak ng binata ang kanyang braso. “Hindi
porke lalaki ka’t babae ako, magkakasundo na tayo. We don’t have anything in
common. In fact, magkasalungat ang ating mga points of view. I may be straight,
pero nakikiisa ako kina Rica, Libby at Moncie. Samantalang ikaw, kahit sinasabi
mong mahal mo ang kapatid mo, hindi mo pa rin matanggap at maunawaan ang pagkatao
niya.”
“May kasabihang opposite
poles attract,” katuwiran ni Richard. “Mas masarap ngang mag-usap kung ganitong
magkaiba tayo ng mga pananaw. Marami tayong maipapaliwanag sa isa’t isa. Malay
mo, baka ikaw ang maging daan para ganap ko nang maintindihan sina Rica.”
“That’s not fair,” iling
ni Paula. “Kinukonsensiya mo pa ako ngayon.”
“Look,” sabi ni Richard, “just
help me out here, please. Alam mo nang awkward ako sa lugar na ito. Sa crowd na
ito. But I’m here for my sister. I’m trying to please her. So I promised to
stay. Kung makakasama kita, at least baka magbunga ng maganda ang diskusyon
natin. Like I said, baka mapaliwanagan mo ako ng tungkol sa maraming bagay. I’m
willing to listen kahit na hindi ko maipapangako kung hanggang saan ang kaya
kong maintindihan.”
Napabuntonghininga si
Paula.
“You’re good,” sabi niyang
napapailing. “Businessman ka nga. A shrewd negotiator.”
“I’m just laying my cards
on the table,” sagot ni Richard.
“Pero hindi mo
ipinapakitang lahat,” sumbat ni Paula. “Maaaring sincere ka nga na handa kang
makinig sa mga argumento ko on LGBTQ issues, pero hindi lang iyon ang pakay mo
sa akin. Admit it, you still see me as a prospective conquest.”
Ngumiti si Richard.
“Dalaga ka, binata ako,”
walang pangingiming sagot nito. “That’s just the way things are. Natural lang
iyon, hindi ba?”
Muling napailing si Paula.
“Para sa iyo, natural
lang,” sabi niya. Paano kung baligtad ang sitwasyon? How would you feel kung
ikaw naman ang tratuhin bilang isang sex object ng babae? What if I were the
hunter and you were my prey?”
“That would be exciting,”
nakangiti pa ring sagot ni Richard. “I’m game.”
Naningkit sa matinding
pagkainis ang mga mata ng dalaga. Kinuyom ang kanyang dalawang kamao.
“You’re hopeless,”
nanggagalaiting pahayag niya.
“Come on, Paula,” sabi ni
Richard. “You’re perfectly capable of taking care of yourself, hindi ba? Bakit
ka matatakot sa akin? Sabi mo nga, kabisado mo na ang mga katulad ko. That should
be enough protection. Ano naman ang danger kung mag-usap tayo? Unless, of
course, if you think I may be irresistible. Natatakot ka ba na baka hindi mo
ako ma-resist?”
Kumindat pa ito pagkasabi
niyon.
Tinamaan si Paula.
Totoo naman kasing habang
ginagalit siya ng binata ay lalo pa itong nakakaapekto sa kanyang kakaibang
pakiramdam. Napakalakas ng hatak ng sensuwalidad nito sa kanyang pandama.
Pero hindi niya kailanman
aaminin iyon kay Richard. Hindi darating ang pagkakataong kailangan niya iyong
aminin dahil gagawin niya ang lahat para makontrol ang kanyang sarili.
At para hindi makahalata
ang binata, kailangan niyang harapin ang hamon nito.
Ngumiti siya para mapagtakpan ang kanyang tunay na
nararamdaman. Isang ngiting kunwa’y nang-uuyam.
“Masyadong mataas ang
tingin mo sa iyong sarili,” sagot niya rito. “So I guess I just have to prove
you wrong. You’re not irresistible. In fact, the longer I talk to you, the
easier it is to resist you.”
“Ganoon ba?” sabi ni Richard. “Okay, we’ll see. Why don’t we just finish the gallery tour and then find a corner table for two? The night is young. You still have so many hours to prove me wrong.”
(Kapag hindi
lumabas ang kasunod na chapter pagkatapos nito, pindutin ang > o
kaya’y ang Mga Lumang Mga Post na link.)
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento