FREE TAGALOG ROMANCE NOVELS
CHAPTER 6
“WHEN do we start?” tanong ni Richard pagkatapos nilang mapirmahan ang
kontrata.
Lalong napikon si Paula sa
parang nakakaloko nitong pagngiti.
“Right now,” mapanghamong
sagot niya. “I have to see you in the nude para masimulan ko ang conceptualization
ng gagawin natin.”
Ang layon niya’y biglain
ang kausap.
Pero siya ang nabigla nang
mabilis na hinubad ni Richard ang suot nitong jacket na itim.
“Right here?” nakangiti pa
ring tanong nito. “Right now?”
Pati si Moncie ay nataranta.
“Huwag naman dito sa
opisina ko,” sabad ng nito. “May sketching room si Paula. Doon kayo.”
“Lead the way,” sabi ni
Richard sa dalaga.
Hindi na sumama si Moncie.
Dati naman ay hindi
kinakabahan si Paula sa ganoong sitwasyon. Standard procedure na sa kanya ang
magdala ng modelo sa sketching room. Pero ngayo’y nanlalamig ang kanyang mga
palad.
Pagpasok nila sa silid na
itinoka na ni Moncie sa kanyang sketching sessions, itinuro niya kay Richard ang
de-kurtinang dressing room.
“You can leave your clothes there,”
sabi niya. “May mga hangers diyan para hindi malukot ang damit mo.”
Pagkasabi niyon ay agad na
siyang tumalikod. Naging abala sa paglalabas ng kanyang sketching materials
mula sa drawer ng isang maliit na desk sa sulok.
Sandali lang at muli na
niyang narinig ang tinig ng binata.
“Where do I pose?” tanong
nito.
Wala man lang kahit
kaunting pagka-conscious sa tinig na iyon.
Tinatagan ni Paula ang
kanyang loob bago niya ito hinarap. Pero nayanig pa rin siya nang makita niya
ang kabuuan ni Richard.
Hindi nga siya nagkamali
sa kanyang pagtantiya. Talagang puwedeng tawaging perpekto ang physique ng
binata. Hustung-husto sa classical proportions ang sukat ng katawan nito.
Well-defined ang muscles sa malapad na balikat at dibdib, makisig na mga bisig,
patag na sikmura, matipunong mga hita at mahabang mga binti. Lahat ay
nababalutan ng kulay kayumangging balat.
Umayaw na ang isip ni
Paula na dumako ang kanyang tingin sa isang bahagi ng kaharap na katawan.
Dati naman ay normal lang
sa kanya ang pagsipat sa modelo pati ang paghagod ng tingin sa maseselang
bahagi ng katawan nito. Kung bakit ngayo’y sadya niyang iniiwas ang kanyang
paningin sa gawing iyon. Naduduwag siya.
Lalol pa’t anumang iwas
ang gawin niya ay nakikita pa rin niya mula sa sulok ng kanyang mga mata ang
konkretong katunayan ng pagpapaka-macho ni Richard Romero. Hindi man lang nito tinangkang disimulahin
ang kahandaang ipinakikita ng katawan. Para pa itong naghahamon.
Sa karaniwang modelo,
mapang-uyam na tingin ang sagot ni Paula sa ganoong sitwasyon. Pagsasabihan
niya agad ang lalaki na umuwi muna’t mag-cold shower bago bumalik para sa
sketching session. Lagi namang sapat na iyon para mapahiya ang modelo’t mawalan
ng “fighting spirit.”
Pero sa kaso ni Richard
Romero, ni ayaw banggitin ni Paula ang tungkol doon. Hindi niya yata kayang
pag-usapan man lang. Patay-malisya na lang siya. Parang walang nakikitang
kakaiba. Parang sanay na sa ganoong kondisyon.
Kailangan niyang
magpanggap na relaxed pa rin. Paano’y kampanteng-kampanteng nakatayo sa harap niya
si Richard. Kumportable kahit nakahubad at nagngangalit ang pagkalalaki.
“Will you please turn
around?” sabi na lang niya sa binata. “I want to see you from the back.”
Sumunod si Richard.
Kung inakala ni Paula na
maiibsan ang kanyang tensiyon sa anggulong iyon, nagkamali siya. Dahil kahit
pala mula sa likuran ay kahanga-hanga ang katawan ng binata.
Pilit na itinutuok ni
Paula ang kanyang atensiyon sa trabaho.
“Ano’ng tipo ng trophy ang
gusto mo?” tanong niya rito. “Gaano kalaki? Ano ang proportion ng figure sa
pedestal? Ano’ng pose?”
Humarap uli si Richard
bago sumagot.
“I want a piece of art,
not a traditional trophy,” sabi nito. “Pang-tabletop. Walang pedestal. Kahit
siguro three feet tall ang figure. As to the pose, you’re the artist, so bahala
ka na. I’m putting myself in your hands.”
Kumindat pa ito pagkasabi
sa huling pangungusap.
“I would appreciate it if
you try to act professionally, Mr. Romero,” seryosong pahayag ni Paula.
“Oh, sorry,” nakangiting
sagot ng binata. “I didn’t realize na unprofessional na palang matatawag ang
pagkindat.”
“Try to stop acting like a
horny teenager,” hindi na napigilang idagdag ni Paula.
Natawa nang tuluyan si
Richard.
“Hindi na ako teenager and
I’m not trying to act like one,” tugon nito. “I’m simply not acting, period.
What you see is just the naked truth. At wala akong magagawa kung ito ang
totoong nararamdaman ko sa mga oras na ito.”
Tumaas ang kilay ni Paula.
“Hindi mo pa ba kayang
kontrolin ang sarili mo sa edad mong iyan?” panunuya niya rito.
“Hindi ko kontralado ang
natural na reaksiyon ng aking libido lalo na’t nakahubad ako sa harap ng isang
very attractive woman,” kampanteng sagot ng binata. “Pero kung ang inaalala
mo’y baka kung ano ang ipilit ko sa iyo, you have nothing to worry about. I
never have to force myself on women. And I don’t intend to force myself on
you.”
“Dapat lang,” taas-noong
pakli ng dalaga.
“Hindi ko nakakalimutan ang
preference mo,” parang nananadyang pahabol ni Richard. “It has be on your own
terms, hindi ba? You like to be in control.”
Napahumindig si Paula.
Bakit ba kapag si Richard
ang nagsalita, kahit ano na lang ay nagiging napakasensuwal sa pandinig?
Kailangan niyang
panghawakan ang sitwasyon.
“Well, I’m definitely in
control right now,” sagot niya. “At huwag na tayong magsayang ng oras.
Pag-isipan na natin ang pinakatugmang pose para sa sculpture mo.”
Naglakad siyang paikot kay
Richard. Sinikap na gawing napakapropesyunal ng kanyang tinig.
“I suggest we use wood,” sabi
niya. “Mas warm ang dating. Mas buhay. Bagay rin sa kulay mo. At mas kaya kong
ilabas ang mga detalye ng muscles mo.”
“Okay,” tango ni Richard.
“If you think that’s best.”
“May limitations nga lang
tayo sa kahoy,” paliwanag niya. “Mahirap kumuha ng malalaking piraso ngayon.
Kailangang vertical ang line ng pose mo. Iyong madaling pagkasyahin sa makukuha
nating troso.”
“Just tell me what you
want me to do,” sagot ni Richard. “Your wish is my command.”
Lumayo si Paula. Kumuha ng
perspektiba. Sinipat ang binata mula sa kabilang dulo ng silid.
Lalo siyang lihim na
humanga sa kumpiyansa ni Richard sa sarili. Kahit nayayabangan siya rito,
nakakabilib pa rin na hindi man lang ito naku-conscious sa kanya. Walang
anumang awkwardness sa pagkakatayo nito sa gitna ng kuwarto.
Doon nagkaideya si Paula.
“Ano sa palagay mo kung
i-sculpt kita nang ganyan na ganyan lang?” tanong niya. “The athlete at rest.
Simple lang. We can show quiet strength in reserve. Power contained in every
defined muscle.”
“You have a way with
words,” sagot ni Richard. “Hindi ka lang pala artist. Puwede ka ring writer.
Dine-describe mo pa lang, nae-excite na ako.”
“Madali ka naman yata
talagang ma-excite,” mapaklang pansin ni Paula.
Natawa na naman si
Richard.
“I like your sense of
humor, too,” sabi nito.
“So, pumapayag ka na sa
idea ko?” tanong ng dalaga.
“Kung nagugustuhan mo ba
ang nakikita mo, di iyon na ang gawin natin,” nakangiting tugon ni Richard.
Hindi pinatulan ni Paula
ang makahulugang pananalita nito.
“Kaya mo bang mag-pose for
the sketches ngayon?” sa halip ay itinanong niya. “Mga two to three hours
siguro.”
“That’s fine with me,”
tango ng binata.
Humatak ng upuan si Paula.
Kinuha ang kanyang sketchpad at pencil.
Nagsimula siya mula sa
puwestong kaharap ang binata pero malayo. Gusto niyang makuha ito mula sa
malayong perspektiba. Mahuli ang pangkabuuang dating ng posture nito. Doon pa
lang kasi ay kitang-kita na ang lakas ng kumpiyansa nito sa sarili.
Maya’t-maya ay nagbabago
siya ng puwesto. Paikot sa binata. Pagkatapos, palapit nang palapit.
Sa malapitan, nagsimula siya
sa likod. Mas kaya niyang mag-concentrate sa mga muscles nito sa likod.
Tumagal siya sa pagguhit
ng pang-upo ng binata. Iba’t-ibang anggulo. Kailangang mailapat niya sa
sketchpad ang kagandahan ng porma niyon. Sayang kung hindi.
Lahat ng detalye ng katawan
ni Richard ay pinag-ukulan niya ng atensiyon. Pati bukung-bukong. Kakatwang
pati ang bukung-bukong nito’y elegante ang pagkakahubog. Umabot siya sa puntong kailangan na niyang lumipat sa harap. Kunin sa
malapitan ang mga detalye sa bahaging iyon.
Sa mukha pa lang ni
Richard, medyo nahirapan na siya.
“Huwag mo akong
titingnan,” madalas niyang kailangang ipaalala dito. “Look straight ahead. Sa
malayo.”
Siya kasi ang
nako-conscious kapag nagtatama ang kanilang tingin.
Habang iginuguhit niya ang
mukha nito, lalo niyang nadiskubreng tumitindi ang nadarama niyang atraksiyon
sa binata. Sa kabila ng lahat ng ipinipintas niya rito, parang gustung-gusto
niyang haplusin ang mukhang iyon.
Pero pinakamahirap pa rin
sa lahat nang dumating siya sa puntong kailangan niyang iguhit ang
pinakamaselang bahagi ng katawan nito. Halos hindi siya makatingin sa simula.
At nanginginig na yata ang kanyang ekspertong mga kamay.
May isa pa siyang
problema.
“Gusto mo bang ganyan ang
lumabas sa iyong sculpture?” napilitan siyang magtanong kay Richard. “Hindi
naman yata tugma iyang estado ng katawan mo sa gagawin nating athlete at rest.”
“Why not?” sagot ng
binata. “The athlete at rest can turn to other interests, hindi ba?”
“Baka naman ang lumabas na
sculpture natin ay the athlete in heat,” ganti niya.
“Okay lang,” tumatawang
sang-ayon ni Richard. “Akung-ako nga iyon.”
Kamuntik nang humulagpos
mula sa bibig ni Paula ang salitang “Bastos!” Pero nakapagpigil pa rin siya.
Alam niyang pinipikon lang talaga siya ng kaharap.
“Bahala ka,” sa halip ay
isinagot niya. “Ikaw naman ang magbabayad. At mukha mo ang mababalandra roon,
among other things.”
“Walang problema,” pagkikibit-balikat
ni Richard. “I intend to keep it in my bedroom anyway.”
Hindi na sumagot ang
dalaga. Ibinalik niya sa pagguhit ang kanyang intensiyon.
Ngayon lang siya
makakaguhit ng ganoon. Ibang-iba kaysa sa mga dati na niyang iginuguhit.
Dati, palibhasa nga’y ang
requirement niya sa modelo na “at rest” ang pagkalalaki, hindi niya iyon
kailangang pagtuunan ng ganoong atensyon. Maging sa kanyang mga finished
sculptures ay disimulado lang ang bahaging iyon kahit makatotohanan. Kaya nga
nasabi ni Richard noong isang gabi na hindi raw ito impressed sa physical attributes
ng kanyang mga modelo.
Kaya rin siguro pinaninindigan
ng binata na maiba ang sculpture nito. Iyong nakalahad nang husto ang lahat ng
assets nito.
Napilitan tuloy siyang
isalin sa kanyang sketchpad pati mga detalye niyon. Napilitan siyang tumingin.
At sa kanyang pagguhit,
naramdaman ni Paula ang ganap na pamumulaklak ng kakaibang pangangailangan sa
kanyang kaibuturan. Sa buong buhay niya’y ngayon lang siya nakadama ng ganito.
Ngayon lang nahinog nang husto ang aspetong ito ng kanyang pandama.
Bago siya natapos ay
natanggap na niya ang katotohanan. Hindi biro ang kanyang nadaramang atraksiyon
kay Richard Romero.
Kung sabagay, natural pa
rin ang kanyang reaksiyon, katwiran ni Paula sa sarili. Katulad din ng natural
na reaksiyon ng katawan ni Richard pagharap sa kanya.
Kalmado na siya habang
inilalagay ang finishing touches sa kanyang mga sketch. Hindi na kasi niya
kailangang itanggi sa sarili ang nadarama.
Hindi rin niya akalaing
tumatagos din pala sa pandama ni Richard ang kanyang nararamdaman.
“Okay, that’s it,” sabi ng
dalaga. “Puwede ka nang magbihis. I’ll work from these sketches on my own.
Tatawagan ka na lang ni Moncie kung tapos na ang piece.”
“That’s it for the work,”
sagot ni Richard na hindi tumitinag mula sa kinatatayuan. “Paano naman tayong
dalawa?”
Tumaas ang kilay ni Paula.
“Tayong dalawa?” ulit
niya. “What about us?”
“Come on, Paula, don’t
play naive with me,” sabi ng binata. “Alam nating pareho what’s going on. On my
part, it has been very obvious since the first night we met. Siguro naman,
sapat na ring proof itong state ko for the past few hours. You know how much I
want you. Huwag mo ring sasabihing hindi ka attracted sa akin. We both know you
want me, too. At pumapayag ako sa mga kondisyon mo. Everything will be on your
terms and you call the shots. Malinaw. No expectations. Walang lokohan. So ano
pa ang problema?”
“Ganyan lang ba kadali sa
iyo ang magyaya?” sagot ni Paula. “Parang nagyayaya ka lang na kumain sa
labas.”
“Well, it’s the same basic
need,” katwiran ni Richard. “And I’m always honest with my feelings. Besides,
sabi mo, you’re open to the possibility of a purely physical encounter – even
at least once. So all I’m asking is that you accept your feelings about me and
do something about it.”
Hindi agad nakaimik si
Paula.
“I’ll think about it,”
sabi niya pagkaraka. “But don’t call me. I’ll call you.”
Habang nagbibihis si
Richard ay lumabas na siya ng silid na iyon. Nagbilin lang siya kay Moncie at
agad nang tumakas. Magulo ang isip.
IBA pala kasi iyong tanggap na niya ang kanyang nararamdaman.
Ibang-ibang usapin din naman kung pagbibigyan nga ba niya ang kanyang nadarama.
Nasa bahay na si Paula at
nakakulong sa kanyang studio ay natataranta pa rin siya.
Bakit ba kay Richard pa
niya naramdaman ang ganito? Susuko ba siya sa binata?
Ni ayaw muna niyang buksan
ang iniuwing sketchpad. Pero kahit naman hindi niya iyon tingnan, memoryado pa
rin niya ang kabuuang anyo ng binata. Mula sa lahat ng anggulo. Hanggang sa
pinakamaselang detalye.
Paano ba niya sisimulan
ang sculpture ng binata kung ganito ang kanyang nararamdaman?
(Kapag hindi
lumabas ang kasunod na chapter pagkatapos nito, pindutin ang > o
kaya’y ang Mga Lumang Mga Post na link.)
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento