Click Below to Find Titles to Read

List of Free Maia Jose Novels to Read

Biyernes, Abril 28, 2023

Abakada ng Pag-ibig: Paula Chapter 9

FREE TAGALOG ROMANCE NOVELS

CHAPTER 9

KUNG inaasahan ni Richard na matutuwa siya, nabigo ito. Nagtaas lang kasi ng kilay si Paula.

        “Pakinggan mo nga ang choice of words mo,” sabi niya. “A more permanent, long-term arrangement. How unromantic. Wala nga kasing feelings involved. Ang hinahanap mo ay isang mistress. Kalaro sa kama. And I’m sorry, I’m just not up for that.”

        “Pero hindi lang naman iyon ang nami-miss ko sa iyo,” pangangatuwiran pa ni Richard. “Ito rin mismo. Itong ganito nating pag-uusap. I find it very stimulating. Ikaw lang ang nakakausap ko nang ganito. And I miss this kahit dadalawang beses pa lang tayong nagkakasama.”

        “You do?” pagtataka ng dalaga. “Kahit wala akong pakundangan sa pag-atake sa iyo?”

        “Precisely because of that,” sagot ng binata. “You’re a very intelligent conversationalist. Matatag ka sa iyong mga paniniwala at well-supported ang iyong mga pahayag. Even if I don’t agree with you, I find myself thinking about your  points. At wala kang takot na tapatan ako. Hindi ka nai-intimidate o nag-aalala na baka ma-turn-off ako.  Wala kang pakialam. It’s very refreshing.”

        “Ibang klase ka rin,” iling ni Paula. “All the while pala, ikinatutuwa mo pa ang ginagawa ko. Paano ba ito? Hindi ko na alam kung paano kita dapat pakiharapan. Sala sa init, sala sa lamig. Pero baligtad.”

        “Just be yourself,” sabi ni Richard. “Your unique self.”

        “Magaling ka talagang mang-seduce, ano?” natatawang sumbat ng dalaga. “Idinadaan mo naman ngayon sa ganyan.”

        “Bakit, nambobola ba ako?” sagot ng binata. “Ask yourself. Ikaw, hindi ka ba stimulated sa ating mga diskusyon?”

        Nagkibit-balikat siya.

        “It’s a novelty,” amin niya. “Dati kasi, hindi ko na pinag-aaksayahan ng panahong makipag-argumento sa mga tulad mo ang point of view. Ikaw nga lang ang pinatulan ko, e.”

        Napabuntonghininga si Richard.

        “Let me get this straight,” sabi nito. “Aminado ka na you’re just as attracted to me as I am to you. Maaari ngang malaking bahagi ng attraction na iyon ay physical. Pero hindi lang naman limited doon. We also complement each other in other ways. Mahalagang bahagi ng isang relationship iyong hindi nagkakasawaan sa conversation, hindi ba? Sayang naman, Paula. With that combination – intense physical attraction, sexual compatibility and good conversation, hindi mahirap na ma-in love tayo sa isa’t isa. Maaaring hindi pa natin masasabi iyon right now but feelings need to grow. Paano magde-develop iyon if you refuse to even give us a chance?”

        Muling nagtaas ng kilay ang dalaga.

        “Si Mr. Richard Romero, talking about love?” parang hindi makapaniwalang sabi niya. “Alam mo ba ang ibig sabihin ng salitang iyon?”

        Napuno ng tensiyon ang hitsura ng binata.

        “Calling me a male chauvinist is one thing – at puwede kong aminin ‘yon,” sagot nito. “Pero huwag mo naman akong paratangan na hindi ako marunong magmahal. I’m not a monster. I may not have found a girl worthy to love so far, but I’m willing to take a chance now. On us. Huwag mo namang basta na lang i-dismiss ang aking intentions. I’m capable of sincere intentions, too.”

        Napahiya si Paula.

        “I’m sorry,” mabilis niyang bawi. “I was way out of line.”

        “Give me a chance,” hiling ni Richard. “Give us a chance. Please.”

        “It’s too risky,” iling uli niya. “Alam ko namang madali tayong mai-in love sa isa’t isa, given the opportunity. Iyon nga mismo ang iniiwasan ko. Paano kung mangyari nga? Magkasalungat tayo. Sooner or later, magkakaroon tayo ng irreconcillable differences. Masasaktan lang natin ang isa’t isa. Why start a relationship that will surely end in pain?”

        “Malay mo naman kung magkaroon tayo ng magandang epekto sa isa’t isa,” sabi ng binata. “Kita mo nga, I’m now willing to explore love. To risk going into a real relationship. These are things that were unimaginable to me before I met you.”

        “Madaling pag-usapan ang pag-ibig,” sagot ni Paula. “Madali ang ma-in love sa isa’t isa. Pero paano ko naman matatanggap na handa ka na ngang ma-in-love – in the real sense of the word – kung hindi mo pa rin matanggap ang pagmamahalan nina Rica at Libby?”

        Natigilan si Richard. Napakurap mayamaya. Pagkatapos, naisuklay ang mga daliri sa buhok.

        “See?” pagpapatuloy ni Paula. “Hindi ganoon kadali para sa iyo, hindi ba? Iyan ang tinutukoy ko. Hinding-hindi tayo magkakaunawaan nang lubos hangga’t hindi tayo nagkakaisa sa mga basic principles na tulad niyan. I believe in love. Wholeheartedly. At ang pag-ibig na pinaniniwalaan ko ay malawak at malalim. Sakop ang mga relationships na tulad ng kina Rica at Libby. In fact, kinaiinggitan ko ang mga relationship na tulad ng sa kanila. I hope to find a person with whom I can attain that same kind of fulfillment.”

        Dahan-dahang tumango si Richard.

        “Now I can see your point,” sabi nito. “Tama ka. Hindi madali. Pero gusto kong isipin na hindi rin naman imposible.”

        “Oo naman,” amin ni Paula. “Anything is possible. Iyon nga lang, sa ganang akin, mahirap umasa. Mahirap itaya ang puso sa bakasakali. Ayokong mag-assume na dahil lang sa akin, puwedeng magbago ang isang tao. Change has to come from within.”

        Lumungkot ang mukha ni Richard.

        “Can we at least be friends, for now?” tanong na lamang nito.

        “Of course,” tugon ng dalaga. “After all, you’ll always be a part of my memories.”

 

NAKIPAGKITA si Richard kay Rica.

        “Have I been a monster all these years?” tanong niya sa kapatid.

        “Hindi naman,” sagot nito. “Alam ko namang mahal mo ako kahit hindi tayo magkapareho ng paniniwala.”

        “Hindi ka ba nakukulangan sa pagmamahal na ganoon?” tanong pa rin niya.

        Nagkibit-balikat si Rica. Nakangiti nang malumanay.

        “Ganoon talaga, e,” sagot nito. “Ano pa nga ba ang magagawa ko? I love you despite all that. And I never lose hope na magkakaunawaan din tayo sometime in the future. Right now, I’m willing to give you enough space and time to adjust to the changes I’ve gone through.”

        Napabuntonghininga si Richard.

        “Nakakahiya ako,” amin na niya. “Ikaw, you love me unconditionally, despite all my shortcomings. Ako, hindi man lang kita matanggap nang buong-buo.”

        “What brought this on?” tanong ni Rica. “Bakit biglang-bigla naman yata itong ganitong pagka-guilty mo? May kinalaman ba ito kay Paula?”

        Nagulat ang binata.

        “Bakit si Paula agad ang naisip mo?” tanong niya.

        Natawa ang kapatid.

        “Why not?” sagot nito. “Ibang-iba si Paula sa lahat ng mga babaing nakasanayan mong makaharap. And I watched you that night. No’ng birthday ko. You were fascinated by her. Mesmerized. Paano naman, well-matched kayo. Magkatapat na magkatapat. Kung gaano ka ka-chauvinistic, ganoon naman ang pagka-feminist ng kaibigan kong iyon. Kaya hindi nakapagtataka kung malaki ang naging impact niya sa iyo.”

        “That’s true,” amin uli niya. “Noong una, na-challenge ako. Later, lagi nang kumakalabit sa isip  ko ang mga arguments niya. Masarap siyang kausap. Pakiramdam ko, my mind expands by leaps and bounds pag nagdidiskusyon kami.”

        “And she’s very attractive, too, hindi ba?” may himig panunuksong dagdag ni Rica.

        Tumango na rin si Richard. Nakangiti.

        “She’s extraordinary,” pagsusuma niya.

        Napakunot-noo si Rica.

        “You sound like you’re in love,” sabi nito. “Totoo ba itong naririnig ko? Was it love at first sight? Doon lang naman kayo nagkakilala, hindi ba?”

        “Nagkita uli kami after that,” sagot niya. “Nagkasama kami for a day. We got to know each other quite well.”

        “Ow, talaga?” namimilog ang mga matang sambit ni Rica. “Paano mo nakumbinsi si Paula na makipagkita pa uli sa iyo? Akala ko nga, hindi siya magtatagal sa company mo that night. She hates male chauvinists.”

        “I know,” tango niya. “And she never fails to remind me of that fact. Puro atake nga ang inaabot ko sa babaeng iyon.”

        “And you fell in love with her,” parang tuwang-tuwang sabi ng dalaga.

        “Hindi ko pa alam kung in love na nga ba ako,” pahayag ni Richard. “How would I know about love? Basta ang alam ko, I want to be with her always. I miss our conversations. I miss her physical presence. Her voice. Her scent. Everything about her. Pero sabi niya sa akin, she can’t risk falling in love with me. Dahil chauvinist nga raw ako. At dahil hindi raw ako marunong kumilala ng pag-ibig. I couldn’t even accept, much less appreciate, what you and Libby share.”

        Natigilan si Rica.

        “Matindi ang tama mo, brother,” seryosong sabi nito pagkaraka. “you may not recognize it dahil first time itong nangyari sa iyo. But trust me, you’re in love. And you’re in trouble. Hindi ka nga makaka-first base man lang kay Paula if you continue being a chauvinist brute.”

        Napikon si Richard kaya nadulas ang dila.

        “Naka-third base na nga ako, e,” sabi niya. “She came to my pad. We made love the whole day. It was her first time. And she deliberately chose me for her first time.”

        Shocked si Rica. Nakatigagal lang.

        “Pero balewala pala iyon,” pagpapatuloy ni Richard. “She doesn’t want to have anything to do with me anymore – except as a friend.”

        “Nakarma ka,” konklusyon ni Rica. “Natikman mo rin finally ang ginagawa mo sa ibang babae.”

        “I know,” tango niya. “Masakit pala. Lalo na dahil for once, seryoso na ako. I want her for keeps.”

        “Paano na ngayon ‘yan?” tanong ni Rica. “Bakit naman kasi sa kanya ka pa na-in love? Kung sino pa iyong halos imposibleng ma-in love sa iyo.”

        “Hindi imposible,” iling ni Richard. “She wants me as much as I want her. Hindi nga lang unconditional ang kanyang feelings. Hindi niya matanggap ang mga paniniwala ko. Nakarma nga ako. Naramdaman ko ang malagay sa lugar mo. Hindi niya ako matanggap the same way na hindi kita matanggap. Kaya parang bigla akong natauhan.”

        “Nakakalungkot naman,” sabi ni Rica. “Paano ba ako matutuwa sa naging realization mo samantalang nasaktan ka in the process.”

        “It’s not too late,” pahayag ng binata. “Kaya nga ikaw agad ang pinuntahan ko, e. I want to make up for lost time. Gusto kong ipaintindi mo sa akin kung ano ang hindi ko nakikita sa relationship ninyo ni Libby. Kung bakit hangang-hanga sa inyo si Paula. She even dreams of having the same kind of relationship with someone, lalaki nga lang. Can I ever hope to be that someone? Paano?”

 

SA pagdaan ng mga araw, malaki ang ipinagbago ni Richard.

        Unti-unti, nagkakilanlan sila ni Libby. Nagkapalagayan ng loob. Naging mabuting magkaibigan.

        Dahan-dahan, nakita niya, nadama at naunawaan ang mga ikinapupuri ni Paula sa relasyon nina Rica at Libby. Siya man ay natuto na ring mainggit sa kaligayahan ng dalawa.

        At hindi lang iyon. Hindi lang sina Rica at Libby ang natutunan niyang unawain at tanggapin. Namulat din ang kanyang isip at damdamin sa mga katotohanan ng LGBTQ community na kinabibilangan ng mga ito. Nagkaroon siya ng mga kakilalang gay at lesbian. Mga kakilalang nang maglaon ay naging mga mabuting kaibigan niya na rin.

        Pakiramdam ni Richard ay may napakabigat na pasaning naalis mula sa kanyang dibdib. Kaytagal niyang pinroblema si Rica gayong wala naman palang problema. Mabuti na lang at walang nalikhang sugat ang kanyang kakitiran ng isip sa relasyon nilang magkapatid.

        Isa na lang ang kakulangan sa kanyang buhay. Si Paula.

 

“NANDOON siya sa book launching ng gay poetry collection ni Reynard,” pagbabalita ni Moncie kay Paula. “Ang sabi pa ni Reynard, lagi nang kasama nina Rica at Libby si Richard sa iba’t ibang affairs. Magkasundo na raw ‘yung tatlo.”

        “He’s just trying to impress me,” sagot ng dalaga. “He’s sending a message.”

        “Hindi naman siguro pagkukunwari lang iyong ginagawa niya,” sabi ni Moncie. “Sister niya si Rica. Hindi niya gagamitin iyon just to make an impression on you. Malay mo, baka tinatalaban na rin siya no’ng mga lectures mo kaya biglang nagbukas ng isipan.”

        “Sana nga,” pabuntonghiningang sagot niya.

        “E, di wala na kayong problema,” sabi ni Moncie. “Iyon lang naman ang ayaw mo sa kanya noon hindi ba? Kung nagbago na siya, dapat masaya ka.”

        “Pagkatapos kong sabihin sa kanya na hindi ako naniniwalang puwede siyang magbago for me?” paalala niya sa kaibigan. “Baka nga napikon siya nang husto sa akin noon kaya na-challenge siyang gawin itong mga pagbabagong ito. I’m happy for Rica and Libby – pero hindi kaya parang pagpapamukha na rin sa akin ni Richard itong ginagawa niyang ito?”

        “Sobra ka naman,” paninita ni Moncie. “Why be so negative? Ang ganda-ganda ng nangyayari, e. Dapat lang siguro mag-usap kayo.”

        “Hindi na niya ako kinontak kahit sa phone man lamang,” paalala uli ni Paula. “What else would that mean? Bakit aasa pa ako sa wala?”

        “Matatapos na ang sculpture niya, hindi ba?” sabi ni Moncie. “That would be a perfect excuse for you to call him.”

        “Ikaw na lang ang magpa-deliver nitong sculpture niya pag natapos,” pasya ng dalaga. “Tama lang siguro na doon na maputol ang ugnayan namin.”

(Kapag hindi lumabas ang kasunod na chapter pagkatapos nito, pindutin ang > o kaya’y ang Mga Lumang Mga Post na link.)

(Link sa listahan ng iba pang mga nobela.)

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento