Click Below to Find Titles to Read

List of Free Maia Jose Novels to Read

Linggo, Hunyo 18, 2023

Abakada ng Pag-ibig: Queenie Chapter 10

FREE TAGALOG ROMANCE NOVELS

CHAPTER 10

HINDI malaman Queenie kung biglang nanlamig o nag-init ang kanyang buong katawan. Basta’t parang biglang gumewang ang kanyang mundo.

        Nataranta siya.

        Nahalata nga yata siya ni Joed. Bistado na yata nito ang kanyang nadarama. Ano’ng gagawin niya?

        Nakatayo pa man din ito sa harap niya. Malapit na malapit. Nakatitig sa kanyang mga mata.

        Nag-iwas ng tingin ang dalaga. Yumuko.

        Nagpatuloy lang si Joed. Mas malambing na ang boses.

        “I think I fell in love with you the moment I first saw you,” pahayag pa nito.

        Mabilis na nagtaas uli ng paningin si Queenie. Hindi makapaniwala sa kanyang narinig.

        “Totoo,” tango ni Joed. “Alam ko – posibleng physical attraction pa lang iyon at that time. Pagkatapos, humanga ako sa personality mo. Sa tapang na ipinakita mo sa pagharap sa rudeness ko. And then, humanga pa ako nang husto sa talent mo. Sa mga dinisenyo mong jewelry. Mababaw nga siguro iyon, pero doon ako nagsimula.

“And then last night, I got to know you better,” dagdag nito. “Hindi na ako nagtaka sa mga nadiskubre ko pa. Kung gaano kalawak ang pang-unawa mo. Kung gaano kalalim ang depth ng pagkatao mo. Mas maganda ka pa pala deep inside kaysa sa nakikita sa panlabas na attractiveness mo. I’m hopelessly caught, Queenie. Hindi ko na kayang hindi i-express ang feelings ko. Siguradong-sigurado ako. I’ve never been so sure in my life. Hindi na lang I think. Now I know I love you. I’m deeply in love with you.”

Hindi na nagawang bawiin ni Queenie ang kanyang paningin. Para na itong napako sa mukha ni Joed.

Para na rin siyang natulala.

Hindi pa rin pala tapos ang binata.

 “Sa dami ng isiniwalat ko sa iyo sa magdamag, ito pa ang hindi ko nasabi,” nakangiti nang pagpapatuloy nito. “Kaya hindi talaga puwedeng hindi kita habulin para masabi ko sa ito sa iyo. I know that everything happened too fast. The other night lang tayo nagkaharap. Nakakalula nga. Napaka-unexpected. But it’s the reality. It’s the truth. I’m just being totally honest with you.”

        Hindi makakibo si Queenie.

        Ganoon pala iyon. Kumakabog ang kanyang dibdib. Nangangatal ang kanyang kalamnan. At parang nangurong ang kanyang dila.

        “Don’t worry, I don’t expect you to respond right now,” paliwanag pa ni Joed. “I know I still have a lot to prove to you. I need to give you time to know me – the real me. Handa akong maghintay. I’ve decided to stay for good. I just hope you’ll give me that chance.”

        Lalong nagulat si Queenie.

        “Bakit naman hindi?” nagawa na rin niyang isagot.

        “Can we start with a dinner date tonight?” tanong ni Joed. “Sabi ni Papa, huwag ka na pumasok today. You need to rest. Napagod ka kahapon dahil sa akin, pagkatapos pinuyat pa kita sa pag-uusap natin. Magpahinga ka muna. But may I pick you up around six?”

        “Okay,” nakangiting sagot niya.

        “Then I’ll leave now para makapagrelax ka muna,” maliwanag ang ngiting sabi ng binata. “See you tonight.”

        “See you,” sabi rin ni Queenie.

        Nakaalis na si Joed ay para pa rin siyang namamalikmata. Totoo ba ang lahat ng iyon? Napakabilis nga. Para siyang tinangay ng isang makapangyarihang ipu-ipo. Paano siya makakapag-relax samantalang gusto na niyang madaliin ang oras sa muli nilang pagkikita?

 

TUMUPAD sa pangako si Joed. Wala itong pinalampas na pagkakataon para hindi sila magkasama at magkakilanlan nang mas malaliman. Nag-volunteer ito na sunduin siya sa umaga para hindi na siya mag-drive patungong opisina at lagi siyang niyayaya na mag-dinner pagkatapos ng trabaho, bago siya inihahatid pauwi. Yung pananghalian na dati ay sina Queenie at Don Jose lang ang magkasalo ay laging tatlo na sila, at laging nagkukwento ang matanda tungkol sa kung ano si Joed noong bata pa ito.

Kung weekend, madalas na magyaya si Joed sa mga out of town na day trip. Sa mga beach resorts, hot springs, hiking, maging sa mga art galleries sa Angono. Sa loob ng tatlong buwan, sa halos araw-araw na pagiging magkasama sa iba’t ibang klase ng sitwasyon, nakilala nga ni Queenie nang mabuti ang binata. Kumportableng-kumportable na sila sa isa’t-isa.

        Isang Sabado, nasa isang beach resort sila. Katulad nang dati, umupa ng cottage si Joed kahit uuwi rin naman sila bago gumabi. Mas convenient kasi iyong may magagamit silang sariling kwarto na may sariling banyo. Mas safe rin na pag-iwanan ng gamit habang nasa beach sila.

        Katulad din ng nakasanayan na nila, laging pinauuna ni Joed si Queenie na magpalit sa banyo. Paglabas niya ay naka-one piece swimsuit na siya na may coverup na maikling sarong. Hindi na siya nako-conscious kay Joed.

        Pero iba ang titig nito sa kanya.

        “Bakit?” tanong ni Queenie.

        “You’re so beautiful,” parang nangangapos ang hiningang sambit ng binata.

        Sumikdo ang puso ni Queenie.

        “Bakit, ngayon lang ba?” kunwa’y pagbibiro niya.

        “Sa paningin ko, you grow more beautiful every time I see you,” sagot nito.

        “Corny mo, ha,” tumatawang sabi niya kahit bumibilis na ang kanyang pulso.

        “And every day, I fall more deeply in love with you,” seryosong pagpapatuloy ni Joed.

        Natigilan si Queenie.

        Lumapit si Joed sa harap niya.

        “May pag-asa ba ako?” tanong nito.

        Nagulat si Queenie sa nakita niyang malalim na pag-aalala sa mga mata nito.

        “Hindi sa minamadali kita,” sabi ni Joed. “I’m just worried that we’ve become so comfortable with each other, at baka ang ibig sabihin niyon ay friend lang ang tingin mo sa akin.”

        Saka lang naunawaan ni Queenie ang lahat.

        “Hindi ba good sign nga iyong kumportable na tayo sa isa’t isa?” sagot niya. “Hindi ba dapat lang na sa matibay na friendship nagsisimula ang lahat?”

        May kumislap na pag-asa sa mga mata ng binata.

        “So may magsisimula nga?” parang paniniguro nito.

        Ngumiti si Queenie.

        “Ano sa palagay mo?” nahihiya pang ganting tanong niya.

        “There’s one way for us to find out,” nangingiti nang sabi ni Joed.

        “Paano?” tanong ni Queenie.

        Ang hinihintay niya ay ang itanong nito ang kanyang nadarama. Pero iba ang tanong ni Joed.

        “May I kiss you?”

        Namilog ang mga mata ni Queenie. Binibigyan siya ng pagkakataong tumanggi. Pero paano siya tatanggi lalo pa’t kitang-kita niya ang pagbaha ng masidhing emosyon sa mga mata nito?

        At hindi na rin niya kayang pigilin pa ang pagbakas ng sarili niyang damdamin sa kanyang mukha. Ang paghulagpos ng kanyang pananabik.

        Lumapit pa si Joed. Pinagdikit ang kanilang mga noo.

        Napapikit si Queenie.

        “Please say yes,” bulong ni Joed.

        “Yes,” pabulong na ring sagot ng dalaga.

        Naramdaman niyang itinaas nito sa pamamagitan ng hintuturo ang kanyang baba

        Naramdaman niya ang masuyong pagdantay ng mga labi ni Joed sa mga labi niya.

        Doon pa lang, para na siyang matutunaw. Bumigay ang kanyang mga tuhod. Napasandal siya nang ganap sa dibdib ng binata.

        Paglapat ng dalawa niyang palad sa matipunong dibdib na iyon, hindi na niya napigil ang kanyang sarili. Kusa nang umakyat ang kanyang mga kamay. Yumakap sa leeg ni Joed.

        Binitiwan na nito ang kanyang mukha. Sa halip ay yumakap din sa kanya ang dalawang bisig ng binata. Kinabig pa siya nang mas mahigpit.

        Ang banayad na dampi ng labi sa labi ay nagtuloy sa maalab na mga halik.

        Noon pa lang nahagkan si Queenie, at noon pa lang din siya unang nakahalik. Pero kusang natutunan ng kanyang mga labi kung paanong tumugon sa init ng mga halik ni Joed.

        Tulad din ng kung paanong natural na lamang na sumunod ang kanyang buong katawan sa napakasensuwal na paggalaw ng katawan nito.

        Hindi nagtagal at kapwa nila naramdamang nasa bingit na sila ng panganib – gahibla na lamang mula sa tinatawag na point of no return kung saan wala nang makakasagka sa pagbibigay nila ng kaganapan sa kanilang mga sarili.

        Si Joed ang kumalas sa kanilang halik para magpreno nang saglit. Pero hindi man lang lumuwag nang kahit kaunti ang pagkakayakap ng mga bisig nito sa kanya.

        “You make me feel all too human,” bulong nitong nakatitig sa kanyang mga mata. “Pero gusto ko ring maging isang gentleman para sa iyo. So, you have to answer me right now. Will you marry me?”

        Tumango si Queenie. Namumungay pa ang mga mata.

        Bulong pa rin ang kayang mamutawi sa kanyang mga labi.

        “Yes. Of course,” sagot niya.

        “Tell me you love me,” hiling ni Joed.

        “I love you,” sagot niya. “I love you so much.”

        “And I love you with my entire being,” sagot ni Joed bago muling inangkin ang kanyang mga labi.

        Nang sinimulang alisin ng mga kamay nito ang kanyang kasuotan, nakisabay na rin si Queenie. Maya-maya lang ay nahubdan na nila nang lubusan ang isa’t isa.

        Naghihintay sa kanilang pagbagsak ang kamang nasa gitna ng silid.

        “I can’t wait anymore,” amin ni Joed.

        “I’m ready,” sagot ni Queenie.

        Napatunayan ng nanaliksik nitong mga kamay na nagsasabi siya ng totoo.

        “Queenie…,” mariing ungol nito habang sinisimulang pag-isahin ang kanilang mga katawan.

        Napadiin nang husto ang mga kuko niya sa likod nito nang maramdaman niya ang kanilang pagsasanib.

        “Yes…,” padaing na tugon niya.

        Karugtong iyon ng pagsang-ayong ipinahiwatig ng kanyang buong pagkatao sa ganap na pagtanggap sa katipan.

        Tangay-tangay na sila ng isang kapangyarihang hindi nila kayang kontrolin. Pero pinagsalikop ni Joed ang magkabila nilang mga palad sa kanyang ulunan at mahigpit silang nakakapit sa isa’t isa habang sabay na sinasakyan ang rumaragasang mga alon ng kanilang kalikasan.

        Hindi kayang ilarawan ni Queenie ang kanyang nadamang mga sensasyon, lalo pa ang kinahinatnan niyang kaganapan. Basta’t isinuko na lamang niya nang buong-buo ang kanyang sarili – body, mind, heart and soul.

        “I love you,” pahayag na naman ni Joed nang magmulat sila ng kanilang mga mata, kapwa hapung-hapo.

        “I love you,” nanghihina pero nakangiting sagot niya.

        “I meant it when I asked you to marry me,” sabi ng binata. “And I’d like it to be as soon as possible. I want to be with you, like this, from now until forever.”

        “I want that, too,” sang-ayon niya.

      “Isasama natin si Papa sa family mo,” sabi ni Joed. “Mamamanhikan kami.”

        “Okay,” tango pa rin niya.

        Natawa nang marahan ang binata.

        “Napaka-submissive mo naman ngayon,” pansin nito. “Payag ka lang nang payag. Hindi ako sanay. Naaalala ko pa ang palaban na Queenie na una kong nakilala.”

        “Wala naman kasi akong tutol sa lahat ng sinasabi mo ngayon,” sagot niya. “And besides, right this moment, wala na yata akong lakas para sumalungat sa kahit na anong sabihin mo.”

        Kumislap ang kapilyuhan sa mga mata ni Joed.

        “Really?” sabi nito. “I think I’ll take advantage. Hindi mo naman kailangan ng lakas, e. Just lie back. Marami pa akong hindi nagawa.”

        “H-ha?” sagot ni Queenie. “Joed…”

        Pero papababa na ang mukha ng binata. Namimili ng unang padadapuan ng mga labi.

        “Joed…!” mas malakas na sambit ng dalaga maya-maya lang.

        Wala na nga siyang lakas na tumanggi. At ayaw naman talaga niyang tumanggi.

        Totoo nga pala. Kayrami pa nilang hindi man lang nasimulang gawin…

WAKAS

 Basahin ang kwento ng pag-ibig

ng kapatid ni Queenie sa

Abakada ng Pag-ibig: Tatiana

(Kapag hindi lumabas ang kasunod na chapter pagkatapos nito, pindutin ang > o kaya’y ang Mga Lumang Mga Post na link.)

(Link sa listahan ng iba pang mga nobela.)

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento