FREE TAGALOG ROMANCE NOVELS
CHAPTER 3
STANDING ovation ang naging tugon ng mga panauhin pagkatapos ng
palabas.
Maluha-luha si Queenie habang
tinatanggap ang malaking bouquet of roses na iginawad sa kanya ni Don Jose
habang nakatutok sa kanila ang spotlight.
Nakamata lamang si Joed.
Walang mababasang ekspresyon sa mukha ng binata. Nakatago ang anumang saloobin
nito.
Malaking kabawasan sa tuwa
ng dalaga ang makita ang anak ni Don Jose na nakatayo roon nang ganoon. Alam
kasi niyang hindi ito nakikiisa sa kanilang kasiyahan.
Hindi na lamang tears of
joy ang nagbabantang bumulwak mula sa kanyang mga mata. Kasama na rin doon ang
sama ng loob at pagkapikon.
Bakit ba kasi siya
ginaganito ni Joed Del Oro? Wala naman siyang ginagawang masama. Wala siyang kasalanan sa binata.
Ang isa pang mas mahalagang katanungan
ay kung bakit iniinda niya nang masyado ang reaksyon sa kanya ni Joed? Kung sa
ibang tao ay wala siyang pakialam, bakit dito ay masyado siyang apektado?
Mabuti na lang at napigil pa rin niya
ang kanyang sarili. Hindi siya tuluyang naiyak.
Pagkatapos ng parangal
sa designer, sinimulan na ang auction.
Mainit ang bidding. Sunud-sunod. Maraming naglalaban para sa
bawat piece. At palibhasa pawang may ibubuga ang mga naroon, pataas nang pataas
ang mga bid. May halo nang payabangan.
Nang matapos ang gabi, sold-out ang isangdaang piraso ng
alahas. Five million pesos ang pinakamababang final selling price, para sa
isang pinkie ring.
Nine hundred fifty million pesos ang pangkabuuang benta. Binayaran ng
mga personal checks. Pero hindi pa naiuwi ng mga buyers ang mga alahas. Resibo
pa lang ang hawak ng bawat isa.
Bilang security measure kasi ay ibabalik ang mga alahas sa safety
deposit box ng hotel na babantayan naman ng isang special private security team.
Kinabukasan ay isa-isang ihahatid ng security team ang mga alahas sa mga safety
deposit box sa bangko ng bawat buyer.
Kailangang gawin ang ganoong
precautionary measures para maiwasan ang mga hindi-magandang pangyayari. Alam
ng publiko ang tungkol sa auction at hindi malayong tambangan ng mga masasamang
loob ang mga magsisiuwi mula sa Diamond Gala Night.
Batay sa total sales, may
utang pang 275 million pesos ang Del Oro Jewelers kay Queenie Estrella. Bale
30% ng total sales minus yung nabayaran nang downpayment sa kanya na sampung
milyong piso.
“The money will be
deposited in your account first thing tomorrow morning,” pangako ni Don Jose.
“Hintayin na muna nating ma-clear ang mga tseke nila,” parang
nag-aalangang sagot ng dalaga.
Nalulula pa rin siya sa halagang pinag-uusapan.
Natawa ang matanda.
“Huwag mong iparirinig iyan sa buyers natin at maiinsulto
sila,” paalala nito. “These people never give out bouncing checks. Karugtong ng
pangalan at pagkatao nila ang kanilang mga personal checks. So, you have
nothing to worry about, my dear.”
“Hindi yata ako makakatulog,” iling pa rin niya. “Kahit sa
habambuhay ko, hindi ko akalaing makakaipon ako ng ganyan kalaking halaga.”
“But you deserve it,” giit ni Don Jose. “At simula pa nga
lang iyan. Philippine market pa lang ito. Hindi pa tayo nakakapagbenta sa
Southeast Asia, sa US, sa Europe ng pieces. We can target those markets for
your next collection. Binigyan ko lang ng partida ang mga kababayan natin para
hindi naman masabing una pang nagkaroon ng mga Queenie Estrella originals ang
mga banyaga.”
Napayuko si Queenie.
Sa isang parte ng puso niya’y alam niyang totoo namang deserving
siya sa mga nakakamtan niya ngayong tagumpay. Hindi nga ba't nauna nang patunay
ang natanggap niyang international awards? Kung hindi siguro siya na-recruit
agad ni Don Jose ay may mga international jewelry companies pang mag-uunahan
din sa pagkuha sa kanyang serbisyo.
Pero kung bakit ngayon - sa harap ni Joed Del Oro - ay
parang naiilang siyang tanggapin ang halagang para naman talaga sa kanya.
Pinaghirapan niya. Pinagtrabahuhan nang matino.
Bakit ba siya nagpapadala sa pagmamaliit nito?
Hindi nga ba’t mas may karapatan siya sa perang iyon dahil
nga siya ang nagtrabaho? Kung tutuusin, si Joed
ang dapat na mahiya sa kanya. Tatanggap ito ng kaparte dahil lamang nagkataong
anak ito ni Don Jose, kahit pa wala naman itong naitulong sa paghahanda para sa
Diamond Gala Night o sa iba pang bahagi ng family business nitong nakaraang
ilang taon.
Humugot ang dalaga ng malalim na
buntonghininga. Sabay taas uli ng noo.
Wala nga pala siyang dapat na panagutan
kay Joed Del Oro.
Bilang pagpapatunay sa kanyang saloobin
ay hinanap pa ng kanyang paningin ang kinaroroonan ng binata. At tama nga ang
kanyang hinala. Mula sa kinatatayuan nito sa isang bahagi ng ballroom ay
nakamasid pa rin ito sa kanya. Parang nang-uuri pa rin ang mga mata.
Sinalubong ni Queenie nang diretso ang
titig ni Joed. May di-maitatagong pagmamalaki sa kanyang kabuuang anyo.
May paghamon.
Isa namang nakaiinsultong ngiti ang iginanti nito sa kanya,
kasabay ng parang nakakaloko ring pagsaludo. Pagkatapos ay tumalikod ito’t
basta na lamang umalis ng bulwagang iyon.
PINAPANGAKO ni Don Jose
si Queenie na makipagkita sa ng pinagkakatiwalaan nitong financial adviser
kinabukasan din nang umaga. Kasabay iyon ng paglipat ng malaking halaga sa
pangalan ng dalaga.
“Hindi na barya ang hawak mo ngayon kaya kailangan mo na ng sound
financial advice, hija,” sabi ng Don. “And I won’t entrust you to anybody else
except my very own compadre.”
Buong umaga nga’y nakipagpulong siya sa dalawang matanda. Ang
isa’y si Atty. Geronimo Brillantes - isang CPA-lawyer na direktor ng isa sa
pinakamalalaking bangko sa bansa at ng mahigit isang dosena pang ibang mga kompanya.
Tinuruan siya ng mga ito nang tungkol sa iba’t ibang investment instruments.
Ang napili
niyang paglagakan ng pinakamalaking bahagi ng kanyang kinita ay ang walang
kalugi-luging blue-chip stocks. Naglaan din siya ng trust fund para sa bawat
isa sa tatlo niyang mga kapatid, liban pa sa ilang milyong ganap na niyang
inilipat sa pangalan ng kanyang ina. Iba na rin kasi iyong may hawak itong
halaga na maaari nitong gamitin sa anumang paraan na hindi na kailangan pang
ipagpaalam sa kanya.
Natapos ang pulong na iyon sa isang masaganang pananghalian,
kasama pa rin ang compadre ni Don Jose na si Atty. Brillantes.
Pagkapananghalian ay saka lamang nagkasarilinan sina Queenie
at Don Jose. Nakaalis na si Atty. Brillantes.
Naiwan silang dalawa sa pribadong function room ng pinuntahan
nilang Japanese restaurant. Sumisimsim ng green tea.
“Hija, I apologize once again for Joed,” sabi ng matanda.
“Nakakahiya ang inasal niya sa iyo kagabi.”
“Don’t apologize for him,” sagot niya. “Hindi mo naman kasalanan kung ganoon siya. I’m sure you raised him
well. Pero kung ano man ang piliin niyang gawin ngayong hindi na siya minor,
sariling diskarte na niya iyon. You’re no longer responsible for him or his
mistakes.”
“Kaya?” malungkot na pagdududa ng don. “Ang alam ko’y
nagkakaganyan siya dahil sa galit niya sa akin. He blames me for his mother’s
death, you know.”
Nanghilakbot ang dalaga.
“How awful!” bulalas
niya. “Ang sama naman niya. That’s so unfair. Hindi ba’t cancer ang naging sakit
ni Donya Aurora? How can he blame you for that?”
Nagkibit-balikat ang matanda. Parang biglang naging pagod na
pagod.
“It’s a long, long story,” sagot lang nito. “Maybe one day
I’ll tell you. Pero hindi pa ngayon - because even my own son doesn’t know all
of it yet.”
“Bakit hindi kayo mag-usap?” maingat na sabi ni Queenie. “Maybe
if you tell him the whole story, he’ll finally understand.”
“He won’t believe me,” iling ni Don Jose. “He won’t even
listen to me.”
“But have you even tried?” tanong ng dalaga.
Napabuntonghininga ang matanda.
“The truth is, lagi nga rin akong umaatras kapag nagiging
brusko na ang mood niya,” amin nito. “Rather than risk a confrontation, ako na
ang umiiwas sa gulo. Hindi ko rin magawang sabihin sa kanya ang lahat.”
“Kaya siguro inaakala niyang may guilt ka ngang itinatago,”
hula ni Queenie. “Baka kailangan lang ninyo ng isang heart-to-heart talk.”
“Ewan ko kung kakayanin pa ng puso
ko,” sagot ng don.
Nabahala ang dalaga.
“But you’re healthy,” sabi niya. “Hindi ko alam na may sakit
ka pala sa puso.”
“Nothing serious,” sagot agad ni Don Jose. “Alta presyon lang
ito at paminsan-minsang chest pains. Natural na sa edad kong ito.”
“Dapat pala, regular kang nagpapa-check-up,” sabi ni Queenie.
“Hindi biro iyan. Lalo na kapag ganitong under emotional stress ka. I think
your son should know about your condition. Para naman hindi siya
padaskul-daskol sa pagtrato sa iyo.”
“No,” iling ng
matanda. “Ayoko namang magbago siya dahil lang dito. At the very
least, I want us to be honest with each other. Kahit pa ang kalabasan niyon ay
makita kong negatibo ang feelings niya toward me.”
“But you’re not being totally honest with him,” paalala ng
dalaga. “Ikaw na mismo ang nagsabing he doesn’t know the whole story yet. I
think it’s about time you tell him everything.”
Natigilan si Don Jose. Pagkatapos, matamlay na nangiti.
“You’re sharp, as always,” sabi nito. “At iyan ang gusto ko
sa iyo. You’re honest with me. Kahit kailangang pagsabihan mo ako.”
“It’s for your own good,” sagot ni Queenie. “Ganito rin ako
sa mommy ko. Kahit pa sa daddy ko noon – kahit ang bata-bata ko pa noon. I have
always been honest with them, the way I am with you.”
“You’re a good daughter,” tango ni Don Jose. “To them and to
me.”
“And you’ve been a good father figure to me,” nakangiting
tugon ng dalaga. “I’m sure you’ve always been a good father to Joed, as well.
So panindigan mo na iyon. Go all the way. Kung hindi niya tanggapin ang
ilalahad mo, at least you did your part.”
“Palagay ko nga kailangan ko nang lakasan ang loob ko,” sabi
ni Don Jose. “Patawarin na lang ako ni Aurora kung susuwayin ko na ang bilin
niyang huwag sabihin kay Joed ang totoo. Five years is a long time to keep a
secret from our own son.”
Nagtaka si Queenie.
“Si Dona Aurora ang nagbilin na paglihiman mo si Joed?” sabi
niya.
Tumango ang matanda.
“At tulad ng lagi kong ginagawa noong nabubuhay pa siya, I’m
still a slave to her every wish,” malungkot na sagot nito.
Walang masabi si Queenie.
Hindi niya talaga masakyan. Bakit gugustuhin ng isang ina na
paglihiman ang sariling anak? Lalo pa kung mangangahulugan iyon ng pagkasira ng
relasyon ng maiiwang mag-ama?
Hindi ganoon ang nakalakhan niyang
kalakaran sa loob ng isang pamilyang nagmamahalan sa isa’t isa.
Ano ang malalim na problema ng pamilyang
Del Oro para umabot ang mga ito sa ganoon kasalimuot na sitwasyon?
Ngumiti sa kanya si Don
Jose. Malungkot pa ring ngiti.
“I can’t promise when, pero paghahandaan kong kausapin si Joed,”
pahayag nito. “Thank you for your suggestion. You’re wise beyond your years,
you know.”
“Ewan ko kung wise nga bang matatawag
iyon,” pagkikibit-balikat ng dalaga. “Basta ako, I follow what my heart tells
me is the right thing to do. And then…bahala na.”
“Isang bagay nga pala ang kailangan kong unahing ipaliwanag
kay Joed,” habol ni Don Jose. “Iyong tungkol sa atin. Palagay ko, napaniwala
siya sa mga tsismis. Unfair sa iyo. I have to set things straight.”
Nagkibit-balikat
uli si Queenie.
“Bahala ka,” sagot niya. “Basta
ako, alam kong wala akong dapat panagutan kaninuman.”
“Pagbalik natin sa
bahay, chances are, you’ll run into Joed again,” paalala ni Don Jose. “Kung ako
ang tatanungin mo, tama iyong ginawa mo sa kanya kagabi. Stand up to him. Huwag
na huwag kang magpapa-intimidate.”
Sa compound din kasi ng malaking bahay ng mga Del Oro sa New
Manila naroon ang head office ng Del Oro Jewelers. Karugtong ng antigong
mansiyon ang modernong annex building.
“He’s staying with you?” gulat na sabi ni Queenie.
Tumango ang matanda.
“Doon na pala siya sa bahay dumiretso kahapon mula sa airport,”
sagot nito. “Pagkatapos, nagbihis na agad at sumunod sa atin sa New Haven.
Kagabi, nauna pa siya sa aking umuwi sa bahay. And he didn’t even wait up for
me. Nakakulong na sa dati niyang kuwarto pagdating ko. Kinatok ko pero hindi
ako pinagbuksan. Ngayong umaga naman, nasa gym na raw nang magising ako. Hindi
pa bumabalik hanggang sa makaalis ako ng bahay. I’m warning you, though.
Posibleng nasa opisina iyon pagbalik natin doon. I don’t know why after all
these years, bigla na lang siyang magpapakita ng interes sa kumpanya.”
“Maybe because of the amount you’re paying me,” hula ni
Queenie. “Hindi birong halaga iyon.”
“Na sulit na sulit naman sa laki ng halagang ipinapasok mo sa
Del Oro Jewelers,” sagot ni Don Jose. “Matagal na kaming hindi nakakabenta nang
ganoon kalaki, a. These past years, sa abroad na bumibili ang mga suki namin ng
kanilang major jewelry pieces. Mas gusto nilang gumastos sa mga designer brands
like Cartier. Ngayon, may panapat na tayo. Lalo na kapag ni-launch natin next
year ang international collection mo. Walang mairereklamo si Joed sa
napakalaking kontribusyon mo sa Del Oro Jewelers, hija.”
“I want to say that I
don’t care what he thinks,” sabi ni Queenie. “Pero imposible yata iyon. Hindi
siya ibang tao, e. Anak mo siya. Makakaapekto sa iyo – and, therefore, sa akin
na rin – ang anumang inaakala niya tungkol sa atin.”
Alam ng dalagang hindi lang iyon ang dahilan kung bakit
apektadong-apektado siya ng mga reaksyon ni Joed - pero sa ngayo’y hanggang
doon pa lang ang kaya niyang maipaliwanag. Naguguluhan pa siya sa iba niyang
mga nadarama.
“So, what do you want to do about this?” tanong ni Don Jose.
“Kung ayaw mo siyang makaharap, we can make arrangements. Kukuha ako ng ibang lugar na kung saan ka puwedeng magtrabaho in peace.”
“E di para naman akong guilty
na takot humarap sa kanya,” palag agad ni Queenie. “No way. Don’t worry, I can
handle him.”
(Kapag hindi
lumabas ang kasunod na chapter pagkatapos nito, pindutin ang > o
kaya’y ang Mga Lumang Mga Post na link.)
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento