FREE TAGALOG ROMANCE NOVELS
CHAPTER
6
“AKALA
ko, hindi ka na tutupad sa usapan,” sabi ni Don Jose.
“Marami lang akong tinapos muna,”
pagdadahilan ni Joed.
“I want to talk to you
about Queenie,” diretsahan nang pahayag ng ama. “You’re being unfair to her.”
Nagtaas agad ng kilay si Joed.
“Bakit? Kulang ba ang respeto ko sa aking magiging stepmother?”
tanong niya.
Nagsalubong ang mga kilay ni Don Jose.
“That’s exactly what I mean,” sabi nitong galit na. “Nagpapaniwala
ka sa mga tsismis. I am not having an affair with Queenie. I love her like a
daughter. Disenteng babae siya. She doesn’t deserve all these nasty rumors.”
Natigilan si Joed.
Kahit gaano pa ang galit niya sa ama, alam niyang hindi ito
magsisinungaling sa kanya. At least, not outright.
Pero may gusto pa siyang liwanagin.
“She idolizes you,” parang pang-aakusa pa rin niya sa ama.
“Her father died when she was in high school,” paliwanag ni
Don Jose na unti-unti nang humuhupa ang galit. “Naghahanap siya ng
father-figure. I’m the nearest thing she has to a father.”
“At naghahanap ka naman ng substitute na anak,” mapait ang
tinig na dugtong ng binata.
“Siguro nga,” amin ni Don Jose. “Dahil
iniwan ako ng anak ko. But it doesn’t mean I’ve put her in your place.
Kaisa-isa ka pa ring anak namin ng Mama mo.”
Hindi na gusto ni Joed ang pinatutunguhan ng usapan. Wala siyang balak na pag-usapan ang kanyang Mama.
Tumayo siya
para umalis.
“Sit down, Joed,” malumanay pero may diing utos ni Don Jose. “Panahon na para malaman mo ang buong istorya.”
Naglalaban ang loob ng binata.
Gustung-gusto na niyang tumalilis uli. Pero may kakaibang
timbre sa boses ng ama na nagbabadya ng isang revelation. At hindi niya kayang
talikuran iyon.
“Pakinggan mo lang ako, please,” mas malumanay pang hiling ng
matanda. “You can decide later kung tatanggapin mo ba o hindi ang mga ilalahad
ko sa iyo. I can only give you my word that this will be the whole truth. Wala nang mga omissions. Walang dagdag, walang kulang.”
Napalunok si Joed. Pero
dahan-dahan siyang naupong muli.
“Magsisimula ako sa talagang simula, para mas maintindihan mo
ang lahat,” sabi ni Don Jose. “Alam mong ten years ang agwat ng edad namin ng
iyong Mama. Batambata pa si Aurora noong ikasal kami. She was only nineteen.
Kaka-graduate lang niya sa Assumption College noon.
“Kilala mo ang Mama mo. She was my exact opposite. Outgoing
siya. Gregarious. Fun-loving. I couldn’t believe that she would fall in love
with me. Well, she thought she did. Kaya pinakasalan niya ako. Kaya nandito ka
ngayon.
“Nahirapan siya sa pagbubuntis sa iyo. At noong ipinanganak
ka na, nadiskubre niyang hindi rin niya kaya ang mga responsibilidad ng
pagiging isang ina. Ang pag-aalaga ng bata. Of course, she loved you. Pero
hindi talaga siya sanay sa anumang hirap. Gustung-gusto lang niyang kinakalaro
ka. Pagkatapos, sa yaya na niya ipinapasa ang totoong pag-aalaga sa iyo.”
Nagsimulang dumilim ang mukha ni
Joed.
Napansin iyon ni Don Jose.
“Hindi ko sinisiraan si Aurora,” maagap
na paliwanag nito. “Ikinukuwento ko lang sa iyo objectively ang mga pangyayari.
Siya mismo ang nagpahayag ng mga bagay na ito sa akin. Kaya lumaki kang may yaya
na’y may stay-in nurse pa sa bahay. Kaya rin kung natatandaan mo, ako ang
laging sumusubaybay sa kung paano ka pinangangalagaan ng mga naging yaya mo.”
Aminado si Joed, totoo iyon. Pero hindi naman ikinasama ng
loob niya ang mga bagay na iyon. Naging sapat na sa
kanya ang mga pagkakataong kalaro niya ang kanyang Mama. Hindi na niya ito
pinaghanapan ng iba pa liban sa karagdagan sanang panahon sa piling niya.
“As you grew up, naging
restless na si Aurora,” pagpapatuloy ni Don Jose. “Kahit isa siya sa mga most
prominent women sa Manila social circles, hindi na naging sapat para sa kanya
iyon. Hiniling niya sa akin na mag-travel siya on her own. Pakiramdam daw niya,
maagang nabali ang kanyang mga pakpak nang makasal siya sa akin. Marami pa raw
siyang gustong ma-explore sa mundo at sa buhay.”
Napabuntonghininga ang matanda.
“I loved her so much,” pahayag nito. “I never could say no to
her. Lalo na kung kaligayahan niya ang nakataya. So, I let her go. Hinayaan ko
siya sa kanyang mga trips kung saan-saan.”
Naaalala rin iyon ni Joed. Kung
paanong lagi na lang abroad ang kanyang Mama.
“Sa San Francisco, many,
many years back, she met a man…” sabi ni Don Jose.
Pumiyok ang boses ng matanda. Bahagyang nangatal.
Naalerto si Joed.
Tumikhim ang matanda bago nagpatuloy.
“Joed, your mother fell out of love with me and fell in love
with another man,” dirediretso nang pahayag nito.
Napatda ang binata.
Shock siguro ang tamang itawag sa reaksyon
niya. Hindi siya nakakibo. Naging parang tulala sa pagkakatitig sa ama.
“Kunsabagay, it was
understandable,” pilit na pagpapaliwanag ni Don Jose. “Malayo ang agwat ng mga
edad namin. Magkaiba pa kami ng pag-uugali. At naging abala ako sa trabaho. Samantalang
itong nakilala niya, Filipino rin at kaedad niya. Katulad pa niya ang mga hilig.
There wasn’t anything anyone could do about it. Talagang
ganoon…”
Hindi pa rin makapaniwala si Joed sa mga
naririnig.
“She could have asked
for a legal separation or an annulment,” sabi pa ng matanda. “But she didn’t.
And mainly because of you. Ayaw niyang masira ang pagtingin mo sa kanya. Ayaw
din niyang magkaroon ng batik ang pangalan mo – mabansagan kang galing sa isang
broken family. So, she kept her love affair discreet, kahit ipinagtapat na niya
ang lahat sa akin.
“Naging platonic
na lamang ang relasyon namin. Umuuwi siya rito para makasama ka every now and
then at para maipakita sa madla that all was well with us. Naging sunud-sunuran
ako sa kanyang kagustuhan. Ano pa nga ba ang magagawa ko? Hindi ko siya mapipilit
to stay in love with me. And because I still loved her with all my heart and
soul, ayokong maputol ang regular na pagdalaw niya sa atin.
“Hindi sila
nagkaanak. Ayaw na talaga ni Aurora na magbuntis at magkaanak. You were enough
for her.
“And then she
got sick.”
Saglit na
natigilan si Don Jose. Muling humugot ng malalim na buntonghininga.
“Sa States
niya nalaman na may cancer siya,” pagpapatuloy nito pagkaraka. “At first, she
was optimistic na kaya pa iyong gamutin. She tried everything. At ginastusan ko
siya. Lahat ng puwedeng gawin, ginawa na namin. Except she didn’t want me to be
there with her. Hindi ako ang gusto niyang makasama sa mga panahong iyon. She
needed him by her side. Siyempre, pinagbigyan ko siya.”
Nakita ni
Joed na tumutulo na ang luha ng ama.
“Siya rin
ang humiling na huwag na huwag kong ipapaalam sa iyo ang lahat,” pagpapatuloy
nito. “Ang kanyang affair at ang kanyang pagkakasakit. Hanggang sa huli, iyon
ang pinakamahigpit niyang bilin.”
Bumagsak na rin ang mga luha ng binata.
“I’m so sorry,
son,” sabi ni Don Jose. “Maybe I should have gone against her wishes sooner. Dapat siguro ay mas binigyang halaga ko ang pangangailangan mong malaman
ang katotohanan. Pero noong mga panahong iyon, magulong-magulo ang isip at emotions
ko. I knew we were losing her for good. At ang magagawa ko na lang para sa
kanya ay pagbigyan ang lahat ng kanyang kagustuhan – like I always did. Hindi
ko nakayanang suwayin ang kahilingan ng isang may taning na ang buhay.”
Kumawala na
ang mga hagulgol ng matanda.
Tahimik lang
si Joed pero wala ring patid ang pagbagsak ng kanyang mga luha.
Magkalayo
silang mag-ama ng upuan pero kapwa sila umiiyak.
“Joed, you
know I love you,” pasigok pa ring pahayag ni Don Jose. “Sa iyo ko na nga lang
ibinuhos ang lahat noong nagkaroon na ng iba ang Mama mo. Pero kakaiba pa rin ang pag-ibig ko sa kanya. I don’t even know how
to describe it. I love her even beyond death. Kaya kahit naghihirap ang loob
nating dalawa nitong nakaraang limang taon, hindi ko nagawang suwayin ang pangako
ko sa kanya. And telling you the truth like this is so painful for me. I can
only hope she’ll forgive me.”
Tinitigan ni Don Jose ang anak.
“I also hope you can find it in your heart to understand me
and forgive me,” dagdag pa nito.
Naglabas ng panyo si Joed. Nagpunas ng mukha. Pagkatapos,
kinuha niya ang shades mula sa bulsa ng suot na short-sleeved plaid polo.
Isinuot iyon para matakpan ang namumugtong mga mata.
“I need to be alone,” sabi niya sa mababang tinig na parang
walang emosyon.
At iniwan na niya ang ama.
MAGPAPAALAM na si
Queenie kay Don Jose para umuwi nang biglang magbukas ang pinto ng opisina ng
matanda at lumabas si Joed. Kamuntik pa silang
magkabangga.
Hindi man lang nagpasintabi ang binata. Basta
lumihis na lang ng daan at tuluy-tuloy sa paglayo.
Napaismid si Queenie.
“Bastos talaga,” usal niya sa sarili.
Muli siyang bumaling sa pinto ng silid ni Don Jose. Kumatok
nang tatlong beses bago binuksan iyon.
“`Pa…,” masuyo niyang tawag.
Natigilan siya nang makita niyang nakasubsob ang mukha ng
matanda sa mga palad – katulad na katulad ng ginawa niya kanina lang sa kanyang
opisina.
Isinara niya ang pinto ng silid at mabilis na nilapitan si
Don Jose.
“What’s wrong?” puno ng pag-aalalang tanong niya habang
hinahagod ito sa likod. “Ano’ng nangyari? Nag-away kayo?”
Nagbaba ng mga palad ang matanda. Nakita ni Queenie na basa
pa ng luha ang mga pisngi nito. Namumula pa ang mga mata.
“Sinabi ko na sa kanya ang lahat-lahat,” sagot ni Don Jose.
“Ewan ko kung maniniwala siya o matatanggap niya. Umalis lang siya, e. Sabi
niya, he needs to be alone.”
Hindi nakakibo si Queenie. Hindi kasi niya alam kung ano
talaga ang napag-usapan ng mag-ama. Mukhang napakaselang bagay nga yata.
“Maupo ka, hija,” sabi ng don. “Isisiwalat
ko na rin sa iyo. Hindi ka na iba sa akin. I want you to understand what’s
happening. Ikaw lang ang mapaghihingahan ko nito liban kay Joed.”
“Sige, makikinig ako,” sagot niya.
Sa halip na maupo sa silyang kaharap ng executive desk,
hinila niya ang isang visitor’s chair patungo sa tabi ng matanda. Tinabihan
niya ito.
Muling nagsalaysay si Don Jose. Mas maikling bersyon, pero
kumpleto pa rin.
Hindi man kadugo ng mga Del Oro si Queenie ay nayanig pa rin
siya ng kuwento. Awang-awa siya sa mag-ama.
“Paano mo nakayanan iyon?” bulalas niya sa matandang mahal na
rin niya na parang sariling ama.
“Hindi ko rin alam,” sagot ni Don Jose na nangingilid nanaman
ang mga luha. “Basta ang alam ko lang, noon at ngayon, I have always loved her
and will always love her. Kakayanin ko yata ang lahat para sa kanya. Ganoon
kahalaga si Aurora sa akin.”
Nagpunas ng mukha ang matanda.
“Forgive me for saying
this,” sabi ni Queenie. “Pero hindi ko yata alam kung tatawagin ko iyan na
kadakilaan o foolishness. But who am I to judge? Baka pag ako rin ang umibig,
masahol pa diyan ang gawin ko. After all, love knows no limits.”
“Ang inaalala ko ngayon ay si Joed,” sabi ni Don Jose. “Ako, ilang taon ko nang pasan-pasan ang katotohanang ito. Masakit pa rin
pero marunong na akong magdala. Siya, ngayon pa lang niya ito nalaman. He may still
be in shock. Mahal na mahal niya rin ang kanyang Mama. Hindi
ko alam kung paano niya tatanggapin ang lahat. Baka kung mapaano siya. Napaka-emotional
pa naman niya.”
“Huwag ka nang mag-alalang masyado at
baka tumaas ang blood pressure mo,” paalala ni Queenie. “Emotional
ka na rin, e. Baka makasama ito sa iyo. Try to relax.”
“Susundan ko muna si Joed,” hindi mapakaling sagot ng
matanda. “Gusto kong malaman kung sa bahay siya nagtuloy.”
“Ako na,” mabilis na agap ng
dalaga. “Dito ka na lang muna. Kalmahin mo ang loob mo. I’ll let you know kung
umuwi nga siya sa kabila.”
“Thank you,
hija,” sabi ni Don Jose, kasabay ng malungkot na ngiti.
Hinagkan ni Queenie ang matanda sa noo bago niya ito iniwan.
Pagkatapos, hangos na siyang lumabas ng opisina.
“Guard, dumaan na ba rito si Mr. Joed?” tanong niya sa
tumatanod sa labas ng annex building.
“Yes, Ma’am,” sagot nito. “Lumipat sa kabila.”
“Salamat,” nakangiting sabi niya.
Pabalik na sana siya sa loob ng opisina para papanatagin ang
loob ni Don Jose nang makita niyang papalabas naman ng mansiyon si Joed. May
dalang travelling bag.
Mabibilis ang mga hakbang nito patungo sa isa sa mga
nakaparadang kotse sa garahe.
Kinabahan si Queenie.
(Kapag hindi
lumabas ang kasunod na chapter pagkatapos nito, pindutin ang > o
kaya’y ang Mga Lumang Mga Post na link.)
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento