FREE TAGALOG ROMANCE NOVELS
CHAPTER
7
HINDI
malaman ng dalaga ang gagawin. Kung babalik siya kay Don Jose, lalo lang
mag-aalala ang matanda. At baka hindi na nila malaman kung saan patungo si
Joed.
Mabilis siyang nagpasya. Bahala na.
Mabuti na lang at nakasukbit na sa
kanyang balikat ang kanyang bag. Pauwi na nga kasi siya talaga kanina.
Dirediretso rin siya sa nakaparada
niyang kotse. At
hustong paglabas ni Joed sa gate ng mansiyon ay papalabas naman si Queenie sa
hiwalay na gate ng parking lot ng annex building.
Mabilis ang arangkada ng kotseng
minamaneho ng binata.
Lalong nag-alala si
Queenie. Alam palibhasa niyang magulo ang isip nito.
Pinilit niyang hindi mawala sa kanyang paningin ang
sinusundang sasakyan kahit tumatawag siya sa cell phone.
Hindi niya karaniwang ginagawa ang tumawag sa cell phone - o
kahit ang tumanggap ng tawag doon - habang nagmamaneho. Alam niyang delikado
iyon. Pero emergency ang turing niya sa kasalukuyang sitwasyon. Alam niyang
maghihintay at mag-aalala si Don Jose. Nag-speakerphone na
lamang siya para nakalapag lang ang cell phone sa tabi niya.
“`Pa,” sabi niya pagsagot nito. “Si
Queenie. Nasa kotse ako. Sinusundan ko si Joed. Lumabas ng bahay, e. May
dalang malaking bag. Dala rin ang asul na Crown. Don’t worry, I’m keeping him
in sight. Itatawag ko na lang sa iyo kung saan kami makarating.”
“Sinusundan mo siya?”
gulat na sabi ng matanda. “Hija, bakit naman ikaw pa? Sana pinasundan mo na
lang kay Hernan.”
Ang driver-bodyguard nito ang tinutukoy ni Don Jose.
“There wasn’t enough time,” paliwanag ng dalaga. “Mabilisan
na, e. Mabuti nga’t nakita ko pang paalis siya. Pinangahasan
ko nang sundan. Kaysa naman maghanap tayo kung saan-saan. Lalo lang tayong
mag-aalala.”
“Mag-iingat kayo,” bilin ng Don.
“Of course, lagi naman, e,” kunwa’y
balewalang sagot ni Queenie. “Tatawagan na lang kita uli. Mahirap itong naka-cell
ako sa daan.”
“Oo nga pala,”
sang-ayon ni Don Jose. “Sige. Mag-aantabay na
lang ako.”
Nakahinga nang
maluwag-luwag ang dalaga pagkapatay niya sa cell phone . Mas makakatutok na siya sa sinusundang Crown. Mabuti na
lang at nahadlangan ng traffic ang mabilis na pagpapatakbo ni Joed. Hindi ito
nakawala sa kanyang pagsubaybay.
Lumabas ng Maynila si Joed. Patungong Tagaytay.
Naalala ni Queenie na may resthouse ang mga Del Oro sa
Tagaytay. Mas napanatag ang kanyang loob. Hindi pala sa airport
ang diretso ng binata.
Sinundan pa rin niya ito.
Madilim na nang makarating sila ng
Tagaytay. Nagsimula pa namang umulan.
Kinakabahan man si Queenie ay huli na
para umatras pa siya. Narito na rin lang siya’y mas mabuting masiguro
na niyang sa resthouse nga ang tuloy ni Joed.
Minsan na rin naman siyang nakarating sa resthouse. Outing
iyon ng kumpanya sa Batangas at sa resthouse nag-overnight ang buong staff.
Pero nagtaka siya nang lumiko ang
kotse ni Joed sa ibang daan.
Naisip niya, mabuti na lang pala’t
nagpursige siyang sumunod. Baka may iba pang balak tuluyan ang binata.
Sunod pa rin si Queenie.
Palakas nang palakas ang ulan at
wala nang mga poste ng ilaw sa daang pinasok ni Joed. Naalarma na ang dalaga
nang hindi na rin niya maaninag kahit taillights nito.
Ang masama pa, biglang tumambad sa
harapan niya ang isang dead end.
Napausal ng mahinang pagmumura si
Queenie.
Atras agad siya. Kailangang mahabol niya
kung saan mang side road lumiko ang binata. Hindi pa naman niya kabisado ang
lugar na ito.
Pero hindi siya nakaatras nang husto. May humarang
na kotse sa likuran niya.
Nanlaki ang mga mata ni Queenie. Hinagilap
agad ng mga kamay niya ang cell phone. Siniguro ng kanyang sulyap na naka-power
lock ang lahat ng pinto ng kotse.
Kumidlat pa.
Pero sa saglit na liwanag, nakita niya sa rear-view mirror
kung anong kotse ang nasa likuran niya. At kung sino ang may hawak ng manibela.
Si Joed. At galit na galit.
Nanlupaypay si Queenie sa pagkakasandal sa upuan. Nanghina.
Naibsan na ang matindi niyang takot. Akala niya’y nakorner na
siya ng kung sinong mga masasamang-loob. Mabuti’t si Joed lang pala.
Sa kabilang banda, hindi maganda ang nakita niyang ekspresyon
ng mukha nito. Mas galit pa kaysa kagabi.
Siguradong komprontasyon nanaman ito.
Mabilis niyang tinawagan si Don Jose.
“`Pa, nandito kami sa Tagaytay,” bungad niya agad pagsagot
nito.
“Nakarating kayo riyan?” puno ng
pag-aalalang sabi ng matanda. “Gabi na, a. Nasaan kayo riyan? Sa resthouse?”
“Malapit na,” pagtatakip ng dalaga.
“Pero nakita niya ako, e. At mukhang hindi niya nagustuhan ang pagsunod ko. In fact,
he’s on his way to confront me. Tatawagan na lang kita uli.”
“Queenie…,” sabi ni Don Jose.
“I can handle this, `Pa,” sagot niya. “Pagpapaliwanagan ko naman siya nang maayos. Sige na muna. `Bye.”
Habang nagsasalita’y nakatutok ang kanyang paningin sa rear-view
mirror. Nakita niya nang bumaba ng kotse si Joed. Walang pakialam kahit nabasa
nang husto ng ulan. Dirediretso sa tabi ng bintana ng kotse niya. Kumatok doon.
Itinuro ni Queenie ang passenger’s side ng kotse, sabay bukas
ng power locks.
Hindi niya alam kung bakit, pero wala siyang nadaramang
anumang pangamba sa galit ng binata.
Umikot naman si Joed. Binuksan ang pinto sa passenger’s side
at pumasok sa kotse niya. Naupo nang walang
pakialam kahit nabasa nang husto ang kinauupuan.
“What the hell are you
doing here?” halos dumagundong ang boses nito. “Bakit mo ako sinusundan?”
Mas madilim pa yata sa maulan na gabi ang mukha nito.
“Pakisara na muna ang pinto para hindi bumaha dito sa loob ng
kotse,” kalmadong sagot niya. “At ini-lock mo ba ang pinto ng kotse mo? Baka
masalisihan ka roon.”
“I’m not stupid,” sagot ni Joed.
Pero sumunod ito sa pagsara ng pinto ng kotse niya. Ini-lock
na muli ni Queenie ang power locks.
“Answer me,” utos ng binata.
“All right, sinundan nga kita,” amin ni Queenie. “Pero wala akong masamang intensyon. Nag-alala lang si Papa nang umalis
ka roon kaya susundan ka sana…”
Hindi pa man siya nakatapos ay muling
dumagundong ang boses ni Joed.
“Papa?” ulit nito.
Saglit na natigilan si Queenie.
Saka lang niya naalala na baka hindi rin
gusto ng binata na maki-Papa siya sa Papa nito.
“H-He asked me to call
him that,” bahagyang nauutal na sagot niya.
Napabuntonghininga ang binata. Sumulyap sa labas ng bintana.
“Hindi ko naman aagawin ang father mo if that’s what you’re
thinking,” defensive na dagdag ni Queenie.
Mabilis na nilingon siya nito.
“Hindi ko ipinagmamaramot na tawagin mo siyang Papa,” mainit
ang ulong sabi nito. “Go on. Bakit mo ako sinusundan?”
Napingasan na ang kumpiyansa ni Queenie. Parang nawalan na
siya ng balanse nang magpatuloy sa pagpapaliwanag.
“Iyon na nga,” sabi niya. “Nag-alala siya pag-alis mo roon. Alam kasi niyang magulo ang isip mo. Susundan ka sana pero nag-volunteer
na ako. Emotional na siya, e. Pinagpahinga ko na lang.”
“How loyal,” paismid na sabi ni Joed.
Nainis na talaga si Queenie.
“Look,” pataray na sagot niya. “Tumataas ang blood pressure
ng father mo. Nagkaka-chest pains siya every now and then. Ayoko lang na mauwi sa kung ano pa man itong sitwasyon na ito. I just
wanted to reassure him na nakarating ka sa kung saan ka man patungo nang safe
and sound para hindi na siya mag-alala. Iyong pagmamaneho mo pa naman kanina,
pabarumbado. Mabuti na lang, hindi ka nadisgrasya.”
Si Joed naman ang natigilan.
Nilingon ni Queenie ang paligid.
“Akala ko, sa resthouse
ka tutuloy,” sabi niya. “Nasaan na ba tayo?”
“One of the side roads,” sagot ng binata. “I spotted you kaya
sinadya kong dalhin ka sa dead end.”
Napaismid siya.
“That figures,” sagot niya. “Well, kung sa resthouse nga ang
tuloy mo, sumige ka na. Uuwi na rin ako sa Manila.”
“In this weather?” sagot ni Joed. “Are you crazy? Gusto mong
ikaw naman ang madisgrasya? At lalabas na kasalanan ko pa.”
“As if I had a choice,” sabi ng dalaga.
“Sa resthouse ka na rin muna,” pautos na pahayag ni Joed.
“Hindi ka magmamaneho pabalik sa Manila sa ganitong ulan at sa ganitong oras.”
Natigilan si Queenie.
“I’m not giving you a choice,” dugtong ng binata. “Hahabulin
kita if you attempt to drive back. Baka lalo tayong mapahamak.”
Siya naman ang napabuntonghininga.
“Okay, okay,” sagot niya. “Lipat na sa kotse mo at nang
makarating na tayo roon.”
MAY mga katiwala ang
mga Del Oro na nangangasiwa sa resthouse. At laging handa ang mga ito sa
biglaang pagdating ng mga amo o ng mga panauhin nila anumang oras. Madalas din
kasing ipinapahiram ni Don Jose sa mga family friends ang bahay na iyon.
Kaya naman hindi na nagulat ang mag-asawang Mang Dario at
Aling Lerma sa biglaang pagsulpot nina Joed at Queenie.
“May nakaayos bang guest room?” tanong ni Joed kay Lerma.
“Para kay Queenie.”
Tumango ang may edad nang babae.
“Pati kuwarto mo, nakaayos,” sagot nito. “Binuksan ko iyon
mula noong malaman kong nandito ka uli. Dati, naka-lock iyon kahit puno ng
bisita itong bahay. Hindi ipinapagamit ni Don Jose. May
mga naiwan ka pang damit doon. Puwede mong pamalit. Basang-basa ka, a.”
Halatang kumportable ang babae kay Joed.
Maliit pa kasi ito’y naalagaan na ng katiwala.
“Thank you,” simpleng
sabi ng binata.
Pero napansin ni Queenie na lumambot ang ekspresyon ng mukha
ni Joed.
“Naghapunan na ba kayo?” tanong naman ni Lerma. “May
maihahanda ako.”
“Sige, please,” tango ng binata.
Pagkatapos, bumaling ito kay Queenie.
“Magbibihis lang ako. Magkita na lang tayo sa dining room.”
Suplado nanaman ito.
Paismid ding tumalikod si Queenie.
Habang pumapanhik ito’y sa may fireplace naman ang tuloy
niya.
Pagdating pa lang nila ay binuhay
na iyon ni Mang Dario.
Tinawagan uli ng dalaga
si Don Jose.
“Nandito na kami sa resthouse, `Pa,” pagbabalita niya. “We’re
okay. Pero dito na kami mag-o-overnight. Malakas ang ulan, e.”
“Inaway ka ba?” tanong ng Don.
Natawa si Queenie.
“Medyo lang,” sagot niya. “Pero nothing to worry about.
Nandito naman sina Aling Lerma at Mang Dario. He can’t chop me into pieces and
bury me in the backyard.”
“Queenie, don’t be morbid,” saway ni Don Jose.
“Pinagagaan ko lang ang loob mo,”
biro niya.
“What a horrible way to
do it,” sagot ng matanda. “Well, mukha ngang okay ka naman. You’re back to your
usual self. Sana makausap mo nang matino iyang anak ko.”
“Bahala na,” sabi ng dalaga. “Ang importante, makakatulog ka
na nang mahimbing dahil alam mong walang masamang mangyayari sa kanya.”
“At sa iyo,” dugtong ni Don Jose.
Nagpaalaman na sila.
Siya namang pagpanaog uli ni Joed.
Nakapagbihis na nga
ito. Naka-gym shorts at puting t-shirt na walang kuwelyo. Naka-tsinelas.
Kitang-kita ang ganda ng pangangatawan
nito sa ganoong kasuotan.
Napalunok si Queenie.
Umiwas ng tingin.
“Nag-report ka nanaman pala,” paninita
ng binata.
“Iyon nga ang point ng
pagsunod ko sa iyo, hindi ba?” pataray na sagot niya. “Para
ma-reassure ko siya. Para hindi na siya mag-alala. Alangan namang ibitin ko
pa.”
“Ginagawa ninyo akong
parang bata,” galit na sumbat ni Joed. “At ikaw, yaya ba kita?”
Sasagot
“Kain na,”
sabi nito.
Natigil ang
bangayan ng dalawa.
“Sige ho, thank you,” nakangiting sagot ng dalaga.
Sumunod na siya sa babae papuntang komedor.
Bumuntot na lang si Joed.
Wala na silang imikan
sa harap ng ininit na de latang mushroom soup at corned beef sandwiches na may
letsugas at pipino.
(Kapag hindi
lumabas ang kasunod na chapter pagkatapos nito, pindutin ang > o
kaya’y ang Mga Lumang Mga Post na link.)
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento